LORIE LOVE Dahil sa pasya naming dalawa na umalis ay gumala na lang kaming dalawa. Bumiyahe kami para pumunta sa isang sikat na food night market at napag-usapan na lang naming dalawa na dito magdate. Nakasuot ng sumbrero ang asawa ko at gano’n rin ako. Hawak rin niya ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Masaya ako na kasama ko siya. Walang dahilan para malungkot ako kahit pa hindi maganda ang nangyari kanina. “Love, alin d’yan ang gusto mo?” malambing na tanong niya sa akin. “Gusto ko ‘yon, ‘yon at ‘yon. Teka lang may mukhang masarap pa doon,” sagot ko sa kanya at tinuro ko sa kanya ang lahat ng gusto ko. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago, ang lakas mo pa rin talagang kumain,” sabi niya sa akin. “Opo, ako pa rin ito,” nakangisi na sabi ko dahil ang totoo ay hindi ko rin tala

