LORIE LOVE Nagulat ako sa pagmulat ng mga mata ko. Kaya bigla na lang akong bumangon. “Bakit ako nandito?” tanong ko sa sarili ko dahil sa sobrang gulat ko. “Good morning, anak. Kumusta ang tulog mo?” tanong sa akin ni nanay. “Nay, bakit po ako nandito?” tanong ko sa kanya. “Nagulat lang rin kami, anak. Bigla na lang dumating ang asawa mo at karga ka niya,” sagot sa akin ni nanay. “Nasaan na po siya?” “Umalis sila ng tatay mo maghahanap raw siya ng baboy at baka,” sagot sa akin. “Ano po ang gagawin sa baboy at baka?” “Ewan ko rin, anak. Hindi naman niya sinabi, mukhang silang dalawa lang ng tatay mo ang nakakaalam,” sabi niya sa akin. “Itatanong ko na lang po, nay.” “Masaya ako na okay na kayong dalawa,” sabi sa akin ni nanay. “Ako rin po,” sagot ko sa kanya. “Alam ko kung gaa

