LORIE LOVE “Sa tingin ko rin ay ito na ang tamang oras para ipakilala kita sa kanila,” nakangiti na sabi ko sa kanya. “They know me, already,” nakangiti na sabi niya. “Alam ko, kilala ka na nila at wala naman yatang hindi nakakakilala sa ‘yo. Pero hindi ka pa nila kilala bilang asawa ko,” sagot ko sa kanya. Nakita ko na namula, ang mukha niya kaya alam ko na kinikilig siya. Tumawa na lang ako dahil kapag ganito siya ay lalo lang siyang nagiging gwapo sa mga mata ko. “Tulungan ko na muna si tatay, love,” sabi niya sa akin at naglakad na siya pabalik sa labas. Ako naman ay inayos na ang mesa para makakain na kami. Sakto lang para matapos na silang magbaba ng mga binili nila ay tapos na rin ako. Pero nagulat ako dahil may dumating na baka, baboy at mga manok. Kaya ang buong akala ko na

