LORIE LOVE “Itlog ng manok ang tinutukoy ko ha,” sabi ko sa kanya. “Alam ko,” sabi niya at mas nauna na siyang naglakad kaysa sa akin pero namumula siya. Ako naman itong napangiti na lang sa kinikilos niya dahil para siyang namaligno. Bigla na lang kasi siyang naging ibang tao. Pero nagulat ako dahil bigla na lang akong kinurot ni Manang Neda. Nananakit na ang bruha. “Ano ba ang problema mo?” tanong ko sa kanya. “Bakit ka nakangiti kay Johann?” tanong niya sa akin. “So, bawal akong ngumiti? Dapat ba laging na lang akong nakasimangot? Ganito ba?” tanong ko sa kanya at pinakita ko pa talaga sa kanya. “Tell me, ano ba ang mayroon sa inyo ni Johann?” tanong niya sa akin na halatang naiinis siya. Wala naman kaming ugnayan na dalawa ni ninong pero kapag nalaman niya na hinalikan ako ng la

