CHAPTER 21

1299 Words

LORIE LOVE “Kapag hindi ka pa tumigil ay pagsisihan mo talaga ang pagbulong-bulong mo sa akin,” sabi niya pa sa akin. “Ano ba ang gagawin mo sa ak—” “Ang hindi mo gustong gawin ko,” sagot niya at bigla na lang siyang lumingon sa akin kaya naman nagkadikit na naman ang mga labi naming dalawa. Nanlaki na naman ang mga mata ko. Bakit ba lagi na lang nangyayari ito sa aming dalawa? Bakit? Kailangan kong umalis pero nagulat na lang ako nang biglang magbago ang posisyon ko at nasa harapan na niya ako ngayon. Buhat niya ako para hindi ako mahulog. “Patikim ulit,” sabi niya at bigla na lang niyang inatake ang labi ko. Ako naman itong hindi alam ang gagawin ko. Siya ang unang halik ko. Iba ang halik niya ngayon hindi na naka-dikit lang ang mga labi namin dahil gumagalaw na talaga ito ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD