LORIE LOVE Habang umiiyak ako ay may narinig ako na nag-dodoorbell kaya naman pinunasan ko ang luha ko at lumabas ako para tingnan. At hindi ko inaasahan ang bisita na pupunta sa akin. Dahil nandito siya, nandito si madam ngayon. “Magandang gabi po, madam,” bati ko sa kanya. “Kumusta ka dito? Okay ka lang ba dito na ikaw lang?” tanong niya sa akin at nakangiti na siya ngayon. “Opo, okay naman po ako.” “Mabuti naman, akala ko kasi ay hindi. Kapag gusto mong pumunta sa bahay ay umuwi ka lang doon. May dala akong pagkain,” sabi niya sa akin at hindi na siya tulad kahapon na nakasimangot. “Salamat po,” nahihiya na sabi ko sa kanya. “May pinuntahan lang ako dito kaya napadaan na ako,” sabi niya at umupo siya sa may sofa. “Gusto mo po ba ng maiinom?” “I’m good, hindi naman ako magtataga

