LORIE LOVE Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng lungkot. Nalulungkot ako dahil ako lang mag-isa dito ngayon. Hindi ako sanay, hindi ako sanay na ako lang ang nandito at wala ang makulit ko na boyfriend. Kumusta na kaya siya? Nakarating na kaya sila sa pupuntahan nila? Gusto ko sana siyang tawagan pero hindi ko ginawa dahil alam ko na baka busy siya. Alam ko rin na tatawag siya sa akin kapag free na siya. Kaya naman nagluto na lang ako ng hapunan ko. Napangiti ako dahil kumain siya kanina bago siya umalis. Malinis ang kusina ay halatang naglinis siya. Kahit pa naninibago ako sa kanya ay natutuwa ako. Hindi naman pala siya gano’n ka sosyal. I mean kahit pa mayaman siya ay marunong rin naman pala siya sa mga gawaing bahay. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal siya ng mga

