LORIE LOVE “Huwag mo naman akong pahirapan na suyuin ka. I’m sorry kung ngayon lang ako bumalik and sorry kasi umalis ako. Pangako, hindi na ako aalis,” sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin na walang kahit na anong emosyon. “Sa tingin mo ba talaga ay may babalikan ka pa after mong umalis?” “Wala na ba? Sure ka ba na wala na akong babalikan?” tanong ko sa kanya. “Gawin mo ang trabaho mo dahil kung ayaw mo ay marami ang papalit sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaysa sagutin ang tanong ko sa kanya. “First day ko pa lang po, Sir. Pero ayaw mo na agad akong makita. Sorry po pero magtitiis ka sa mukha na ito. Kalma ka lang rin po at baka magkasakit ka pa ng highblood kapag ganyan ka lagi. Relax lang po, relax ka lang, kalma,” sabi ko at sinimulan ko ng iligpit ang mga nagkalat na mg

