LORIE LOVE Hindi naging madali ang unang araw ko sa trabaho pero masaya ako na natapos ito ng maayos kaya bukas naman ulit. Kahit pa malayo sa bahay namin ay doon pa rin naman ako uuwi. Hindi naman kasi ako puwedeng umuwi sa asawa ko dahil nga galit sa akin. Balak ko naman siyang suyuin pero hindi ko naman gusto na ipahiya ang sarili ko. Baka kasi itaboy niya ako doon at maging eskandalo pa. Hanggang ngayon kasi ay congressman pa rin siya. Pero active pa rin siya sa company niya kaya naman kahit hindi siya maging politiko ay mayaman pa rin siya. Hindi ko alam kung sino ba ang kasama niyang babae kanina dahil kasama lang niya ito sa loob ng office niya. Nauna pa nga akong lumabas kaysa sa kanila at ngayon ayt nag-aabang ako ng jeep. Dalawang sakay pa ako dahil malayo ito ay nasa one to t

