LORIE LOVE Puyat ako dahil hindi ako nakatulog sa nangyari kagabi. Ilang oras lang yata ang tulog ko. Nang gumising ako ay wala si ninong. Maaga yata siyang umalis. “Naiinis kaya siya sa akin?” tanong ko sa sarili ko dahil hindi ako mapakali. “Pero bakit naman siya maiinis sa akin? Siya nga itong may ginagawa sa akin na hindi maganda. Ayaw ko naman kasi na bumigay sa kanya dahil nga mali. At isa pa bata pa ako, gusto ko pang mag-aral at parang sayang naman kung hindi ko itutuloy itong nasimulan ko na. Bukas ay uuwi ako sa bahay namin. Birthday ko at kahit pa walang handa ay okay lang. Ang mahalaga sa akin ay kasama ko ang pamilya ko. Maging healthy lang ako ay sapat na sa akin. Hindi ko rin naman sasabihin kay ninong ang dahilan kung bakit ba ako uuwi. Alam ko na wala siya dito kaya

