AXINE'S POV
Pagkababa mula sa sinakyan naming jeep ay pumasok na agad kami sa daan paloob sa school na pag-eenrollan namin.Sa dati naming school.Ang school kung saan maraming nagtitiliang babae kapag may nakitang gwapong dumadaan sa harap nila.
Hindi naman gaanong malayo ang school pero dahil malubak ang daanan papunta rito ay sasakay at sasakay ka talaga kung ayaw mong sumakit ang talampakan mo kahit naka tsinelas o sapatos kapa.
Ang school ng highschool na pinapasukan namin ay katabi lang ng school ng seniorhigh.
"Tingnan mo iyon Axine oh,walang pinagbago sa dati.May malapit na namang magbugbugan doon." Nguso niya doon sa may court.Nakita ko naman agad ang tinuturo ng kamay niya.
"Puro bugbugan ang alam ng mga estudyanteng barumbado dito hahaha." Paliwanag ko na may pahalakhak pa kaya pati si Roxan humalakhak din.
Pagdating sa may gate ng BNHS(Buenavista National High School),natanaw namin ang mga estudyanteng nag-uunahan sa pila para kumuha ng enrollment form.
'Para namang mauubusan tskk.'
"Oyy Axine sila tine oh."
"Nasaan?"
"Ayon ohh." Turo niya sa may ilalim ng mangga.
"Puntahan natin,tara." Inakay ko ang kamay nya papunta roon sa pwesto nila Tine.
Naabutan namin silang nagkwekwentohan.Ang iba naman ay abala sa pagce-cellphone.
'Naol may ka-chat.'
"Oh kayo pala Axine." Yumakap si Tine sakin pati narin sa isa.Pati ang ibang kaibigan na sobrang saya ay nagkipagyakapan nadin saming dalawa.
"Kamusta na? Balita ko ay sa Amerika kana mag-aaral." Tumango naman siya. " Bakit nandito kapa?" Pabiro kong sabi.
"Aysst ang sama ng ugali?!" Humawak pa sya sa dibdib nya na para bang nasasaktan sa sinabi ko. " Ayaw mo bang makita muna ako bago ako umalis
sa lugar na'to? "
"Hindi naman pero bakit nga andito ka pa?"
"Kukunin ko lang sana lahat ng requirements ko kay ma'am Olanda."
"Andoon yung faculty ng adviser natin nung grade 9 oh!?" Nguso ko sa kabilang building.Sa English faculty ang building na tinutukoy ko.
"Gusto ko nga muna kayong makita ." Pagmamaktol nya.
"Ah sige alis kana nakita mo narin naman kami." Biro ko ulit.
"Tskk!" Kinaltokan nya ako ng malakas.Grabe ang sakit
parang pati laman ng ulo ko naalog lahat.
'Yari ka sakin kapag nagkabukol d'yan!'
"Binibiro lang eh!"Pagdedepensa ko kaya tumawa sila.
Nagtuloy-tuloy lang kami sa pagkwekwentohan hanggang sa naisipan na naming pumunta sa pila.Sinamahan rin muna kami ni Tine sa may registrar office.
Nakakuha naman kami ng form na kaagad din naming sinimulang sinagutan.
Sinagutan din namin iyon kaagad nang magkakasama.
At dahil sa ayaw magkamali sa isusulat sa form ay nagtatanong sila sa mas may alam.
'Ganyan pag tropa walang iwanan haha.'
"Hoy Axine anong ilalagay ko sa status. Single o taken?"Si Kenon na kaisa-isahang straight na lalaki sa tropa.
'Lambutin kasi iyong isa!'
"Syempre single,alangang taken eh wala naman sa options yun at saka alalahanin mong wala kang jowa."Nginisian ko sya.Kumunot naman ang noo nya.
"Ang yabang mo palibhasa wala karing jowa tskk. Maghihiwalay din kayong may mga jowabels dyan."
"Ay walang ganun,di mangyayari yun kasi wala namang hihiwalayan. "Bumaling ako sa kanya ngumiti naman ito ng pagkalapad-lapad."Wag kang bitter tungek dahil
pare-parehas lang tayong mga walang jowa dito haha."
'Meron ka oyy! Hindi mo nga lang alam kung nasaang lupalop ng mundo siya ngayon!'
Nagtawanan kaming lahat.
Anim kaming magkakaibigan sa buong magtrotropa. Ako,si Roxan,Kenon,Tine,Ashley at Daryl. At ngayong aalis na si Tine ay lima nalang kaming magkakasama.Nakakalungkot din kasi na may aalis na isa.Iyong mahilig pang tumawa.
Si Roxan siya iyong pinakabata sa'ming magkakaibigan.
Siya 'yong pinakacute at pinakamalambing sa lahat.
Pinakahuling nakilala ko sa lahat ng naging kaibigan ko ngayon pero masyadong malapit sa akin.
Si Kenon ang nag-iisang lalaki sa tropa namin.
Pinakamalinis pagdating sa katawan.Mas maarte pa siya sa babae pero straight talaga siyang lalaki.
Madalang lang makipag-asaran pero may pagkasirailo
at pagkamadaldal rin naman.
Ang lalaking may pusong babae.Ang nag-iisang may lakas ng loob na umamin sa mga nagiging crush niya dito sa campus.Walang iba kundi si Daryl.Ang bakla namin sa grupo.Pinakamadaldal siya sa lahat.
Pang-apat si Tine na hindi na namin makakasama simula mamayang hapon.Si Tine na mahilig tumawa kahit wala namang nakakatawa sa mga pinagsasabi ng iba.Ang babaeng mahilig manghampas kapag kinilig o masaya siya.
At ang pinakahuli ay si Ashley.Ang babaeng daig pa ang lalaki kung manuntok sa braso.Para siyang lalaki kung kumilos.May pagka-musculine,kabaliktaran ni Kenon na may pagka-feminine.Naa-attract din siya sa babae at lalaki.Sa madaling salita,bisexual siya.Hindi nabubuhay ng walang nasasapak na kaibigan o kakilala.
"Tine mamimiss ka namin." Si Daryl na bakla.
"Totoo ba yan o kaplastikan?" Si Tine
"Joke lang,iyong panlilibre mo talaga 'yong mamimiss namin hahaha." At sabay-sabay kaming tumawa.
Pagkatapos naming mag-fill up ay ipinasa na namin ang mga form sa teacher na nakaupo sa table.
"Sasamahan nyo ba akong kumuha ng requirements kay maam Olanda?" Bumaling siya sa amin.
"Sige". Pagsang-ayon namin.
Hindi naman siguro matagal iyon kaya sasama nalang muna ako.Mamayang 12 pa naman ako pupunta ng hospital dahil iyon ang paalam ko kay nanay.Ngayon nalang rin naminmakakasama si Tine kaya di ako pwedeng tumutol.
Maliban kay Roxan ay wala ng nakakaalam sa mga kaibigan ko na na stroke ang tatay-tatayan ko.Ayaw ko kasing ipaalam sa kanila.
Hindi ko pinapakitang malungkot ako dahil ayaw kong mag-alala sila.Sa tuwing may problema kasi ako ay palagi nila akong tinutulungan.Nahihiya na ako sa kanila.Pero sa tuwing sila naman ang may problema palagi rin akong kumakaramay sa kanila.
Kagaya nalang kapag wala akong pambili ng mga materials para sa gagamitin sa project ko dati ay palagi nila akong pinapahiram ng gamit nila at kapag wala akong baon ay palagi silang nag-aambagan at nagshe-share para may makain ako.
Masasabi kong sila ang tipo ng kaibigan na hindi ka hihilahin pababa kundi iaangat ka kasama nila.
Ang swerte ko dahil may mga kaibigan akong kagaya nila na sa tuwing may problema ako at gipit ay palagi silang andyan para sakin.
Sa magtotropa kasi ay ako lang ang palaging kapos.Kapos palad at kapos sa pamilya! May kaya ang mga kaibigan ko pero hindi ko naman iyon sinasamantala.Buo rin ang pamilya nilang lahat,ang sa akin ay buo rin naman kaso nga lang ay hindi totoong tatay ang kasama ko ngayon.
'Kung nasaan kaman ngayon sana ay hanapin mo si nanay para malaman mo ring may anak ka sa kanya at ako iyon.'
After ilang minutes ay nakarating na kami sa room kung nasaan ang adviser namin dati.Nakita rin naman namin siya agad doon.
"Goodmorning po ma'am! " Bati naming anim.
"Goodmorning!Anong kailangan ninyo?"
"Mataray ka parin maam?" Tinaasan naman ng kilay ni maam si bakla at nag-peace sign naman agad ito kay maam."Ayy charizzz lang maam!Ito po kasing si Tine ay babalik daw po ulit ng Grade 9 dahil mamimiss nya daw po kayo!"
"Hoyy!Hindi no at saka hindi ako bagsak para bumalik! "
"Ito naman hindi na mabiro hahaha."Sabay na naman kaming tumawa sa kanila.
"Ahh maam kukunin ko lang po sana lahat ng kailangan ko para maasikaso na ng parents ko ang enrollment ko sa sa grade 10."
"Wait a minute!"Kinuha ni maam ang kailangan ni Tine at inabot din niya ito agad."Ito na anak oh."
May teacher talaga tayong tatawagin tayong anak.Iyong tipong hindi lang estudyante ang turing sa'yo kundi parang anak narin nila.Nakakataba ng puso sa totoo lang.
"Thank you po maam!Aalis narin po kami!"Si Tine.
"Salamat po Maam Olanda."Ako na binigyan pa siya ng magandang ngiti.Wala naman sigurong tinga sa ngipin ko kaya okay lang ngumiti ng malapad sa kanya.Naalala kong hindi pa pala ako nakakapag-toothbrush ngayong umaga.
Kasi nga diba,sa bahay nila Roxan ako kumain ng umagahan.Kadiri ka babae!
'Hindi naman,slight lang hahaha!'
"Ingat po kayo ma'am.Salamat narin po!" Si Ashley.
"See you next next next next year po ma'am."Ang daming next year."Aalis na po akong maganda parin."Napahalakhak naman si ma'am sa kabaliwan niya.Sila Kenon at Ashley naman ay nauna ng naglakad palabas.Hinintay nila kami sa may pinto.
"Walang anuman,mag-iingat kayo.Godbless sa pag-aaral ninyo ngayong taon lalo kana Christine,balita ko pa naman ay sa ibang bansa kana mag-aaral." Nakangiti niyang sabi.
"Opo maam iyon po kasi ang napag-desisyonan ng parents ko." Napa ahh naman sya sa sinabi."Maraming salamat po ulit dito maam!"Huling usal nito at lumabas narin kami."
Dahil anim naman kami,napagpasyahan nalang naming sabay-sabay lakarin ang palabas ng school.
"Mag-iingat ka doon Tine,ha? " Bulong kong sabi sa kanya na nasa tabi ko lang.Hindi ko mapigilang hindi malungkot.
Sobrang bait kasi nitong babae na 'to eh kahit masakit sa tainga iyong pagtawa niya minsan.Kaya kahit siguro sino hindi gugustohing umalis siya!
"Oo naman haha hindi ako anga-anga kagaya ni Ashley no!?" Tumingin naman si ashley sa gawi namin.
'Taris nayan!Nagbiro pa eh seryoso nga ako sa sinasabi ko!'
"Nananahimik ako dito,sinusumpa nyo na naman ako dyan! " inandilatan niya kami ng mata.
'Di ako kasama oyy!'
Umupo muna kaming anim sa may waiting area habang naghihintay ang iba ng kanilang sundo at masasakyan.
"Ito na ang sundo ko mga kaibigan!" Sigaw ni Daryl na bakla.
"Bakit may pasigaw pa? Nagmukha ka tuloy konduktor!"
Tumawa naman silang lahat sa biro ko.
"Sige na ingat ka! "Paalam namin pero bago umalis ay mangiyak niyang yinakap muna si Tine na nasa harapan niya.
"Ingat ka doon ha?Wag kang kakain sa tamang oras para pumayat kana!"Natawa na naman kami.Siraulo talaga 'to."I love you!Mahal ka ng isa d'yan!" Humalik pa siya sa pisngi ni Tine.
"I love you too! " Mangiyak-ngiyak narin niyang ginantihan ng halik si bakla kaya pati sila ay napapaluha na.
Ilang saglit lang ay dumating narin ang sundo ng iba.Kagaya ng ginawa ni bakla ay niyakap rin muna namin si Tine bago siya umalis.Nagsiiyakan pa ang iba.
'Mga O.A.'
"Wag mong kalimutang tawagan 'to?! " Turo ni Ashley sa sarili.
"Ako rin! " Si Roxan
"Ikaw anong habilin mo sakin?" Turo ng daliri niya sa mukha ko.
"Sapat na sa akin na huwag mong kalimutan na magkaibigan tayo! " Ngiti kong sambit.
"Oo naman,diko kayo kayang kalimutan mga ungas!"Malakas kaming tumawa sa sigaw ni Tine.
Pagkatapos ng kadramahan at nakauwi narin sila ay umuwi narin kami ni Roxan.Inihatid ko lang ulit siya sa bahay nila at sumakay na ulit ako ng jeep papuntang hospital.Baka kasi pagod narin si nanay kakabantay doon.