KABANATA 3

1124 Words
TINE'S POV Aalis na kami mamaya papuntang Amerika.Pupunta kami roon dahil uuwi na sila tita at tito dito sa Pinas.At alam nyo 'yong nakakainis ay uuwi din daw ang pinsan kong si Bryle. 'Badtrip!' Bali parang kami ang papalit muna sa kanila roon.Kami ulit ng family namin ang magma-manage ng negosyo nila. Magkapatid kasi ang daddy ni Bryle at mommy ko kaya magpinsan kaming buo ni Bryle. Hindi kami magkasundo ng pinsan kong iyon dahil bukod sa may sarili siyang mundo ay matigas rin ang ulo nun.Spoiled kasi.Tanging ate lang niya na si Myles ang kasundo ko. Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga damit na ilalagay ko sa maleta na dadalhin ko paalis.Abala rin si mommy at daddy na nagliligpit din ng dadalhin nila. Mabilis lang akong natapos sa ginagawa ko kaya lumabas na ako at pumunta sa kwarto nila mommy. "Mom."Kumatok muna ako. "Bukas 'yan anak." Kaya pumasok na ako."Tapos kana bang mag-impake?"Baling sa akin ni mommy at tumingin din sa akin si daddy. "Yes po!Anong oras po ang flight natin mamaya?" "Mamayang 4:00 pm pa naman nak kaya magpahinga ka muna." '2 hours nalang pala' "Hindi na po mom.Ah dad kelan po ba ang alis nila tita papunta dito?"Tanong ko kay dad na tumutulong sa pagliligpit kay mommy. "Pagkarating natin doon ay aalis narin sila ng ilang oras lang.Hinihintay lang talaga nila tayo." Umalis narin ako pagkatapos silang tanungin. SOMEONE'S POV "Son,where going to the Philippines nextweek." Nagulat ako sa sinabi ni mommy. "Why mom, I don't.Dito lang ako kasama si ate." Pagmamaktol ko sa kanya. "Doon kana mag-aaral for Grade 10." "Mom naman!" Pagmamakaawa ko. "Please son.Si Trixia na naman ba ang dahilan kung bat ayaw mong umuwi ng Pinas?" "Isa na 'yon maam pero alam mo namang wala akong masyadong pagkakaabalahan don,sa loob lang ako ng bahay palagi kasi wala akong mga kaibigan doon." "Andoon ang mga pinsan mo at saka anong walang pagkakaabalahan ang sinasabi mo eh kakasabi ko lang na don ka mag-aaral for grade 10,diba?" "Oo nga mom pero hindi ko sila kaclose mom." Inis ko ng sagot. "Bahala ka sa ayaw at sa gusto mo uuwi tayo,naayos ko na ang lahat ng kailangan para sa pag-uwi natin." Di nako nakipagbangayan dahil sa mukha palang ni mom halatang ubos na ang pasensya nya. 'Kainis!' Padabog akong umakyat sa kwarto ko para mahiga.Ayokong umuwi sa Pilipinas dahil wala akong kaibigan doon.Hindi ako malapit sa mga pinsan ko,pare-pereho kaming may mga sariling mundo. Maiiwan ko dito si Trixia kapag umalis ako.Siya lang ang nag-iisang kaibigan ko sa tanang buhay ko.Lumaki akong siya palagi ang nakakalaro dati at nakakasama ko. Madalas man akong dalhin ng parents ko sa mall para maglaro kasama ang maraming bata para daw may makilala akong madaming kaibigan ay hindi ko magawa because I'm not interested with them. Trixia is my bestfriend or should I say na sobra pa sa bestfriend ang turing ko sa kanya.I know that she feels what I feel.Hindi ko na kailangang magsabi sa kanya,alam kong parehas lang kami ng nararamdaman. SOMEONE'S POV Malungkot na masaya ang nararamdaman ko ngayon. Malungkot dahil aalis na siya kahit pabor naman sa akin na umalis siya.Siguro dahil may pinagsamahan din naman kami.Masaya naman ako na makakalaya na ako sa pangungulit ni Bryle,pangungulit na samahan siya sa lahat ng lakad niya at mga kalokohan niya sa buhay. Matigas kasi ang ulo ni Bryle.Sabagay wala namang malambot na ulo. Kapag gusto nya,gusto nya.Walang pwedeng pumigil sa kanya hanggat maaari unless ako ang pipigil sa kanya. He always said at me na wag ko siyang iwan dahil ako lang ako ka-close niya at nakakaunawa sa kanya at ginagawa ko naman ang mga iyon.Pero ako ang iiwan nya ngayon!Sa totoo lang spoiled siya sa parents niya at nai-spoiled ko rin siya sometimes.Nakikinig naman siya sakin minsan pero kadalasan talaga ay hindi. 11 years narin kaming magkakilala ni Bryle,simula iyon noong magkakilala kami no'ng pasukan noong grade achool kami.Lumipat sila dito sa Amerika galing Pilipinas.Grade school palang ay magkaklase na kami, at that time ay hindi pa kami masyadong close no'n.Hindi ko kasi gamay ang ugali niya noong una.Mga sa kalagitnaan na ng school year namin ko siya naging ka-close. Sa sobrang tagal namin magkakilala ay naging malapit narin ang mga parents namin.Minsan nga ay in-invite kami mag-dinner sa kanilang bahay at in-accept naman namin iyon ng family ko. Palaging sinasabi sakin ng parents ko na kung mag b-boyfriend ako ay si Bryle nalang.Payo nila na hindi ko kayang sundin.I don't know kung bakit nga ba? May something rin naman akong nararamdaman kay Bryle pero hindi ito kasing lalim ng iniisip ninyo.Parang paghanga lang at nawala nadin iyon nitong mga bandang huli. Bahala na kung saan aabot 'tong pagpapanggap kong mabuting kaibigan kay Bryle.Ayaw ko rin kasing sabihin sa kanyang hindi ako natutuwa sa ugali niya dahil manggagalaiti lang iyon.Basta ginawa ko ang best ko para maging kaaya-aya kapag magkasama kami para lang hindi siya magalit sakin.Alam kung kaplastikan minsan 'tong ginagawa ko sa kanya pero ayon talaga ang totoo. Nag-eenjoy din naman ako kapag kasama ko siya pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Ayoko munang magsalita,masyado pa kaming malapit sa isa't- isa.Tsaka na siguro kapag nasa Pilipinas na siya.Takot din akong magkaroon ng hindi maayos na ugnayan kay Bryle dahil magkakaibigan ang parents namin.Ayokong magkaroon sila ng hindi pagkakaunawan dahil lang sa gagawin ko. Itinigil ko na ang pag-isip tungkol do'n kaya itinuon ko nalang ang paningin ko sa wall na may mga nakadikit na pictures namin ni Bryle. Malapit ko ng mapuno ng pictures ang pader ng kwarto ko,nakakatuwang pagmasdan ang lahat ng mga ito. Magaganda ang bawat backgrounds na kuha ko sa mga picture ni Bryle at makikitang malinaw ang pagkakakuha. Mga pictures namin noong bata habang kumakain kami sa magagandang restaurant,naglalaro sa sikat na mga palaruan,namamasyal sa mga malls at sabay na namimili ng mga couple shirts ang mga pictures na andoon.Bukod pa iyong mga pictures na nakatago sa album ko. Mahilig akong magpictures,hilig na hilig ko iyon.Pangarap kong maging isang mahusay na litratista balang araw. Pangako ko sa sarili ko na maabot ko rin iyon na posible ko naman talagang maabot kahit hindi ko na hilingin dahil imposibleng hindi ko pa iyong kayang maabot. Mayaman ang family namin at kilala bilang magagaling magnegosyo sa Pilipinas ang parents ko pati na si kuya Kyle. Ako lang ang may naiibang hilig sa kanila. At alam ba ninyo na malayong-malayo rin sa hitsura nina daddy,mommy at kuya ang mukha ko.Minsan nga tinatanong ko sina mommy baka ampon lang ako.Sa tuwing tinatanong ko sila ng ganoon,tawa lang sila nang tawa.Sabi pa nila imposible raw na ampon nila ako eh galing ako sa sinapupunan ni mommy.Ewan ko rin sa sarili ko,bakit ko pa tinatanong sa kanila iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD