
Matagal ko ng kapitbahay si Blaze at ganon din niya ako katagal nililigawan. Sa subrang kulit niya, kung ano-ano pinapagawa ko sa kanya. About one and a half year niya akong sinusuyo pero hindi ko parin tinatanggap ang pagmamahal niya. Nahulog na ako sa kanya dahil mabait at masipag naman siya at tsaka maipagmamalaki din ang kagwapuhan niya. Hanggang sa dumating ang 'di inaasahang pangyayari, nalaman kong isa pala siyang anak ng pinakamayamang pamilya sa buong bansa.
