Pagkatapos no'ng nangyari nung isang linggo sa ospital, andaming dumating din ng mga order kaya, hindi muna ako dumalaw sa ospital. At saka, wala din akong napapanaginipan or what, as of now.
Andito ako ngayon sa gawaan ng mga jewellery ko, at gumagawa ako.
Medyo nahihirapan ako dito sa ginagawa ko, kasi ang hirap ng design.
Ang design niya kasi is nakatwist yung pinakapapalibutan ng diamond, then sa loob ng twist may twist ulit, tas isa pa uling gano'n. Ta's yung paligid niya, may parang crown siya. Tas sa gitna no'n is may malaking diamond. Then yung pinakabase niya yung susuotan ng daliri, ganern. Parang cloud. Basta mahirap i-explain kasi ang hirap din nung pinagagawa.
Pero, oks lang. Malaki naman bayad e. BWAHAHA, fifty-five billion dowlars mga mare.
"Ang swerte naman nung pagbibigyan neto, shemas." sabi ko, habang tinitignan ang palapit nang matapos na singsing. "Nawa'y lahat!!!" sigaw ko sa kwarto. Buti nalang soundproof ere.
Napahawak ako sa dibdib ko, kahit wala nang umilaw yung sa may intercom at may nagsalita.
"I-eeEeeeEeeeeey!!!" sigaw ni Iora sa intercom.
"Bakit ba?" medyo inis kong sagot.
"Papasukin mo 'ko, hehe." malumanay niyang utas at nagpeace sign.
Umirap nalang ako sa kawalan at binuksan yung pinto.
Pagpasok na pagpasok ni Iora, kinaltukan ko siya.
"Aray!" reklamo niya.
"Bwisit ka!" utas ko.
"Bakit?" tanong niya, habang hinahawakan ang ulo niya.
"Nagulat ako, shutanginamers ka." simpleng utas ko.
Inirapan niya naman ako, "So, kasalanan ko bang sobra ka magkape? Kaya masyado kang magugulatin? Ha? Kasalanan ko?!" sigaw niya sa akin.
Nginitian ko naman siya nang makahulugan, "Sinisigawan mo ba ako?" gamit ang pinakamalambing kong boses.
Napakamot siya at nagpeace sign, "Echos lang mami."
Tinignan ko nalang siya't nginitian.
Umayos siya, at seryosong sinabi, "Ay, kaya pala ako pumunta rito, dahil may balita ako."
"Ano?" balik ko sa kan'ya.
Inirapan niya muna ako, "Hindi ba pwedeng umupo muna?" taray niya.
At pumewesto na siya do'n sa sofa ko na pwedeng mabend, yung pwede maging higaan.
"O, akala ko ba upo lang?" pataray ngunit biro kong sabi.
Nakita ko na kasi itong nakahilata sa sofa.
"Higa nalang pala, hehe." sabi niya.
"O, ano yung sasabihin mo? Mahalaga ba? Kasi kung hindi, sisipain kita palabas ng opisina ko." seryoso kong sabi.
Napahawak siya sa dibdib niyang malusog, "Ay, hala siya, o! Kalmahan lang natin, mami." tawa niya.
"Seryoso nga, sisipain kita palabas kapag hindi importante 'yan." sabi ko.
"So, eto na nga ano, mare."
"Ano?"
"Anong ano?"
"Anong anong ano?
"Anong anong anong ano?"
"Ha?" gulo kong tanong.
"Anong ha?"
"Puta." mura ko, so she would stop fooling around.
"Sorry na madam." peace niya.
Umayos na siya at nagsimula.
"Bumalik na siya." makahulugang sabi nito.
"Alam ko." malamig at plain kong utas.
"Hinahanap ka niya. At base sa mga nakuha ko ding impormasyon, may misyon siya dito." seryoso niyang sabi.
Napa-tss ako sa sinabi niya.
"Akala ko naman kung anong mahalaga." at saka umalis at bumalik sa pwesto ko.
"Hindi ba siya mahalaga, Epione Agda?" balik niya sa akin, gamit ang mapanuring mga mata.
"Hindi." malamig kong utas.
"Ahhhh."
"Wala ka na bang sasabihin? Pwede ka na umalis." kalahating totoo at kalahating biro ko sa kan'ya.
Akala ko aalis na siya nang
"Ah, oo nga pala. Kaya nga pala nagkunwari kang may amnesia. Kaya pala nagkunwari kang nanaginip tungkol sa lalaking nakahood. Kaya pala ginagamit mo si Chiron." sarkastikong niyang sabi.
Tumahimik lang ako, dahil alam kong may sasabihin pa 'yang gaga na 'yan.
"Kaya nga pala naghahanap ka nang hustisya para kila Tita't Tito, pati sa dalawang kapatid mo, 'no? Kaya pala." inis at sarkastiko niyang utas.
Tinitigan ko na siya, bilang warning pero 'di pa rin siya tumigil.
"Kaya pala hanggang ngayon nakakulong ka pa rin sa kan'ya. Kaya pala hanggang ngayon nagtitiis kang hindi makita sila Kyril at saka Clevi. Kaya pala hanggang ngayon pinagmu-mukha mong tanga si Chiron! Kaya pala hindi mo nagawang pakasalan noon si Chiron kas---" putol niya dahil sa pagsampal ko sa kan'ya.
"Iora, tama na." mahinahon kong utas.
"Hindi, Epione! Mali, e. Kaibigan kita, oo. Pero yung paulit-ulit kang magpakatanga sa kan'ya, mali. May anak na kayo ni Chiron. Pinagkakait mo kay Chiron—sa mga bata na mabuo yung pamilya nila. Kung hindi mo gusto si Chiron, kahit yung mga bata nalang." pagmamakaawa nito.
"Daphne."
"Ano? Papahirapan mo 'ko? Ano gagawin mo? Epione, pagod na ako sa palabas nating 'to. Epione, alam nating nagka-amnesia ka talaga. Pero.. Pero, ito? Yung gagamitin mo yung naging sakit mo? Para ano? Para mabilog mo na naman si Chiron, mali." naiiyak na pero pinipigilan nito ang mga luha.
Ngunit bago pa ulit ito makapagsalita, inunahan ko na siya.
"Iora, akala mo ba gusto ko 'to? 'Yung pagkukunwari ko? 'Yung pagtitiis kong hindi makita sila Kai at saka Clev? Akala mo ba madali sa ina mawala'y sa mga anak nito ng ilang taon?" naiiyak kong sabi.
Napatahimik siya.
"Akala mo ba hindi ko gustong mabuo yung pamilya namin ni Chiron? 'Yung makasal kay Chiron? Ano ba akala mo? Wala. Mali." inis kong sabi habang nagsimulan nang umulan ang mga mata ko, "Tandaan mo 'to, Iora. Kahit kailan ako lang ang may alam sa nararamdaman 'ko. Hindi ikaw, hindi sila. AKO. Ako lang ang may alam. At kahit kailan, hinding-hindi ka ang magiging nanay nang mga anak ni Chiron." madiin kong sabi at mas diinan ang huling salita.
Mas lalo siyang nagliyab sa galit dahil sa huling kong salita.
"Hindi man ako mabigyan nang Panginoon at ni Chiron na maging nanay ng mga anak niya, pwede ko naman palitan nanay nila." balik nito at tinignan ako na nang-iinis.
Kinalma ko muna ang sarili ko, At nginitian siya nang makabuluhan. "Kung papayag.... AKO."
Nakita kong mas lalo siyang nagngitngit sa inis.
"At ba't hindi ka papayag? Hindi naman kayo na?" ngisi niya sa akin.
"Ay, gagi. 'Di ako updated. Alam ko kasi nung nagka-amnesia ako, kami pa e." sabi ko.
Bumangon na siya, at bago umalis ay, inayos ko ang buhok niya't bumaba ang kamay ko at hinawakan ang panga niya.
"Alam mo Iora, kung ano ang totoo. At kung ano ang imahinasyon. Matalino ka. 'Wag mong hayaang mahulog mo ang dignidad mong pinak-iingatan, para sa sarili mong gusto." paalala ko sa kan'ya.
Hinayaan ko siyang magtanggal ng kamay ko sa panga niya.
"Pwede ka na munang umalis, Iora." magalang kong sabi.
"Mag-iingat ka! Marami pa namang namamatay ngayon. Ayokong magluksa. Nakakapagod. At tumataas ang rate ng krimen. Mahal pa naman kita, at pinahahalagahan." pahabol ko.
"Ciao, bebe ko. Ingat!" ngiti ko.
At siya naman ay tuluyan nang umalis.
Shet, ano ba 'to? Bakit gan'to?
God.