quatro.

1297 Words
Pagkatapos namin kumain ay niligpit na namin ang pinakainan. At pagtapos no'n umidlip muna ako. After thirty minutes, nagising ako at saktong pumasok si Doctor Castellanos. "Hi, Doc. What do you need po?" bati kong tanong rito. "Uhm, actually, pwede ka nang makaalis. Bumalik ka nalang rito kung sumasakit ang ulo muli at may naalala ka na." sagot nito. "Ha? Eh, Doc, kay Doc dela Cruz po ako kumukunsulta 'pag ganap na gano'n." gulo kong utas. Tinignan ko si Doc Castellanos na may halong kalituhan. Ngumiti muna siya, "Its not what you think, I mean lang is, if ever wala or kailangan mo second opinion, I'm here. Always." bago akmang lalabas. "Thanks!" ngiti ko. Nagulat ako dahil sa may biglang nagsalita. "Ba't andito siya?" kuryosong tanong ni Chi. Tinignan ko naman siya, at tinanong, "Paano ka na nakapasok?" gulat kong tanong. At saka niya tinuro ang sofa sa may gilid na sulok. "Bakit andito siya?" seryoso niyang tanong. Ako naman ay naguguluhan kaya, "Anong 'bakit andito siya?' tulok ka ba? Alangan siya pumalit kay Doctor Germedia." napa-iling ako't tinawanan siya. "Bakit siya?" ulit. "Ewan, tanong mo sa kan'ya." nawawalan na ako nang gana magsalita. "'kay, basta walang magagalit." makahulugan niyang utas. Tinignan ko siya habang nagliligpit kami ng mga gamit at kalat dito sa kwarto ng ospital. Ayon si Tulok, este, Chiron-pogi. Pwe. Echos. Nagliligpit. Ako, nakatunganga. Pa'no ba naman, ayaw ako patulungin ni Tanga, kesyo baka may mangyari na naman daw. Parang ganito, pagkatapos niyang magtanong kung ba't andito kanina si Doc Castellanos. Tinitignan ko siya, habang parang hirap na hirap do'n sa pag-aayos ng bedsheet, kaya naman tinulungan ko siya. "Ganito 'yan." habang pinapasunod ko siya. "Okay, ako na." pagpapa-alis niya sa akin. Ako naman ay nanatili lang sa pwesto ko, 'di 'ko alam kung bakit. "Alis." ulit niya, pero nanatili lang ako sa gilid. "Alis na." medyo inis na niyang sabi. Ako naman ay natatawa na, pero pinipigilan ko. "Alis na. Isa." pagsisimula niyang magbilang. Dahil munggo ako, sinundan ko siya. "Dalawa?" Tinignan niya ako ng seryoso at medyo nag-iigting na ang panga. "Dalawa." "Tanga mo, dapat 'tatlo' na. Boplaks ampotchi." pag-iling ko kunwari. Tinignan ko siya gamit ang malokong tingin at ngiti saka siya sinudang muli, "Apat." "Epione." tawag niya. Kinilabutan ako, pero 'di 'ko alam yung dahilan kung bakit. Pero napatigil ako. Panandalian nga lang. BWAHAHAHA. "Yes, baby ko?" pang-aasar ko, "Dede ka?", sabay tawa. "'Wag ako padedein mo, yung mga anak natin." bulong niya, bagama't narinig ko. "Asa'n ba yung mga anak natin, baby?" sabay ko. "Puntahan na ba natin?" utas ko. "'Wag na 'di mo pa naman sila naalala." bulong niyang muli, kaso 'di ko narinig. Tinignan ako nito ng seryoso at, "D'yan ka nalang sa gilid, hintayin mo 'ko matapos. Ta's alis na tayo." sabi nito. Kaya naman bumalik na ako sa pwesto ko. Napabalikwas ako nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, tinitignan ako. Ang gwapo niya talaga. Mukha siyang anghel---. "Hoy pader! Crush mo na naman ako." pangbibwisit niya. Binabawi ko na ho, ano. Hindi siya anghel. Demonyo ho siya, gwapo nga lang. "Letche, Juan dela Cruz. Tangina mo." irap ko sa kan'ya. Sinamaan niya ako ng tingin. Ayaw na ayaw niya kasi akong nagmumura e. Ewan ko dito. Masyadong mahinhin akala mo naman, hindi wild sa kama. O, alam ko iniisip niyo. Narinig ko na kasi 'yan minsan e. Mali nakita ko pala siya. Ta's sumakit talaga dibdib ko no'n, kahit wala naman. Parang ang sama-sama sa pakiramdam. Gusto niyo ng tea, mga a-tea? Okay. I'll start. Papunta na ako sa Castle Bar. Oo, ayan talaga pangalan nang bar niya, Castle. Kilala na ako nang mga staff dito sa bar niya. Pagpasok na pagpasok ko, binati ako ng mga bouncer niya, sila Dudong at saka Budoy. Pfffft. 'Wag niyo tawanan pangalan nila, balibag kayo niyan. Gan'yan man pangalan nila, malalaki katawan niya. Kasing tigas ng bakal. "Hi, Boss G!" sabay na bati sa akin nina Dudong at Budoy. Tinanguan at nginitian ko naman sila. Nakipagsiksikan ako sa mga taong nagpa-party rito, dahil nagsasayawan sila at masikip. Ang daming tao, dahil may special guest ata. Andito daw kasi yung sikat na DJ. Si DJ Leacon. Hindi ko naman kilala 'yon. Basta nababalitaan ko lang hindi pa daw nagpapakita ng itsura 'yon. Sakto naman at nagsimula ng tumugtog si DJ Leacon, kaya't lalong na-hype yung mga tao, kaya ayon natapakan yung paa ko. "Shuta naman." bulong ko. Pero 'di ko nalang masyadong ininda yung sakit. Maganda naman ako. Kaya dire-diretso ako hanggang sa mapunta ako sa office niya. Pagdating ko do'n, napansing kong hindi masyadong nakasara ang pinto. Kaya naman pumasok ako.... Putanginamerz. "B-bakit gan'to?" "A-A-Ano 'to?" 'Yan ang mga salitang pinaulit ulit kong ibinubulong sa sarili ko. Napahawak ako sa dibdib ko, kahit wala. 'Ang sakit.' 'yan lang ang masasabi ko. Nakita ko siyang nakahubo't hubad habang may babaeng nakahiga sa kama, nagapos ang kamay at paa, may piring at nakabusal. Habang siya... Tuloy lang ng tuloy sa pag-indayog sa babae. Pabilis ng pabilis. Para siyang galit na galit. Bago pa man niya ako makita, umalis na ako. Mabilis akong pumunta sa Ladies Comfort Room, ata basa dito. 'Di ko sure kasi ibang lenggwahe nakalagay e. Parang ganito, " Κυρίες." at yung isa naman parang sa panglalaki, ganito, "Ανδρικά." 'Di 'ko alam kung bakit nangingirot yung puso ko. Kung bakit tuloy tuloy yung agos ng mga luha ko. "Bakit parang ang sakit sakit?", tanong ko habang nakaharap sa salamin."Wala naman dapat ako nararamdaman, ha? Dapat wala akong pakialan sa s*x life niya." ulit. At pagkalabas na pagkalabas ko mula sa Ladies CR, lumabas na agad ako at kumuha ng taxi para mahatid ako. Hindi ko na nga napansin si Dudong at Budoy e. "Alis na agad kayo? Ingat ho." sabay ulit nilang utas. At umalis na ang taxi, ihinatid ako sa bahay. 'Pagtapos no'n halos isang buwan akong hindi nagpapacheck-up kay Chi. Ni hindi ko din pinapansin messages ni Gunggong no'n. Do'n ko nakilala si Doc Germedia, at siya ang nagche-check-up sa akin. Nasa A2 na ako, at gumagawa ng mga orders no'n, nang tinawag ako ni Iora. "EA, may tawag ka." tawag sa akin ni Iora. "O, sige wait." tanggal ko nang gloves ko, at eye shield. Kung nagtataka kayo, ba't EA tawag niya, walang boss, ma'am. Eh, kasi mas matanda sa akin 'yan, at kaibigan ko din. "Eto," bigay niya ng cellphone. "Hello, who's this?" malumanay kong tanong. "EsdaAaaaAaaa!!!" sagot sa kabila, kaya naman binaba ko na. "Iora, block mo 'yang number na 'yan." utos ko sa kan'ya, habang sinusuot ang gloves at eye shield ko. "'kay, anything else?" pahabol nito. "Nothing, thanks." ngiti ko sa kan'ya bago bumalik sa aking ginagawa. End. "Epione." tawag ni Chi, kaya napabalik ako sa huwisyo. "Yep?" balik ko, at pinagmasdan siyang maayos na at mukhang bagong ligo. "Alis na tayo. Hatid kita." sabi niya habang tinitignan ang relos. "Naligo ka?" tanong ko. "Oo, 'di ba sinabi ko." tumigil siya sa pag-aayos ng relo, at pinanliitan niya ako ng mata. "Nagsabi ka?" naguguluhan kong tanong. Nginisian naman ako nito ng nakakaloko, "'Yan masyado mo naman kasi akong pinagnanasaan e." at tinawanan ako. Tinaas ko ang gitnang daliri ko rito, at binelatan siya. Nag-tss nalang siya dahil sa pagtaas ko nang gitnang daliri ko sa kan'ya. "Peace." taas ko ng dalawa kong daliri na nakapormang peace. Ngumiti nalang siya, at hinatak ako para yakapin. Nagulat ako, "Hoy! Hoy!" utas ko habang tinatapik ko 'yong likod niya. "Halika na. Uwi na tayo. Puntahan natin yung baby natin." At hinatak niya na ako papuntang elevator at bumaba papuntang parking lot. "Chi, pa'no yung kotse ko?" "Papakuha ko kay kuya Vino." sabi niya habang binubuksan ang Avanza niya. Nagkibit balikat nalang ako at pumasok na sa kotse niya, at nagsimulang paandarin ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD