Nang makadating na kami sa opisina ni Juan nagsimula na siyang check-up-in ako.
"So, pwede mo na bang i-kuwento kung ano nangyari sa panaginip?"
"Gumising ako sa panaginip ko na ando'n na naman ako sa lugar na 'yon."
Para siyang palasyo. Ang laki. T'wing napupunta ako dito, parang nakakalimutan ko yung mga problema ko.
"Pagrating namin do'n ay makikita mo lang yung purong puti, hanggang sa makarating sa dulo.Natatabunan 'yon nang mga usok. Ta's pagdating namin do'n, nasa isa na kaming garden."
Usok na naman. Pero hindi siya masakit sa ilong, sa mata. Parang ang ganda nga niya sa paningin e.
"Pag pasok namin do'n ay biglang nagsiyuko yung mga babae't lalaki na nando'n. Tinawag nila siyang "Ago".
Ago? Parang narinig ko na 'yon, noon pa. Pero baka hindi din. Maraming "Ago" sa mundo.
"Ang ganda do'n sa kanila. Ang kulay. Makikita mo yung mga tao, ang gaganda at ang gu-guwapo."
Ang gaganda nila, ang hahaba ng mga buhok at kumikininang. At yung mga kalalakihan naman mga maginoo, at mababait.
"At---" putol sa akin ni Juan.
"Mas guwapo pa sa akin?" habang tinataasan ako ng kilay.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagku-kuwento.
"At ang gaganda ng suot nila, yung mga babae naka-gown nang mahaba tas may mga flower crown pa sila. Tas yung mga lalaki naman nakikipagsayaw sa ibang babae... Kung tutuusin para silang mga diwata."
Habang tinitignan ko sila, para silang mga walang problema. Masaya lang. Ine-enjoy ang buhay.
"At habang kasama ko si Ago, nakikipagtawanan pa siya sa iba. Nang magtama ang mga mata namin parang may kirot akong naramdaman. Parang ang sakit sakit." utas ko habang may mga luhang nagbabadyang tumakas.
"Bago niya iwan ang mga ito, ay nagsiyukuan ulit sila at hinawakan niya ang kamay ko't nagpaalam at lumayo sa kanila. Do'n kami nagkausap. "
Naglakad kami hanggang makapunta kami do'n sa parang kuweba at pumasok sa loob no'n.
"Nakaupo kami sa loob ng isang kuweba. Namuno ang katahimikan sa amin. Gulat na lang ako nang bigla siyang bumulong sa akin, "Sorry."
Habang pinapasyal nang mga mata ko ang bawat sulok nung kuweba, nagulat nalang ako dahil lumapit siya.
"Ang sabi ko, "Ha? Bakit? Para saan?" nalilito ako. 'Di 'ko alam kung para saan 'yon. Ang sabi niya naman, "Malalaman mo 'din." At saka siya ngumiti sa akin. "
Tinignan ko siya habang iniisip ang mga sinasabi niya.
Lumabas siya, kung kaya't sinundan ko siya, at nakita ko siyang nakangiti habang pinagmamasdan ako, habang nakalahad ng kamay.
"Saan tayo pupunta? Tanong ko sa kan'ya pero wala siyang sinabi, kaya naglakad lang ulit kami. At saka tahimik na dumaan ulit sa hardin, pero pagdaan namin wala na sila."
Asa'n na 'yung mga diwata? Ba't sila nawala? sabi ko sa isip ko.
"Nagulat ako kasi nagsalita siya bigla, "Go, find him, Hon." bulong niya sa akin. Then, I asked, "How about you?" mapapansin sa tono ko no'n na mag-aalala ako. Then, he give me an assuring smile, but that's not what I saw in his eyes, "I'll be fine here." Then, he kissed my forehead, then he vanished. I woke up."
Pagtatapos ko sa k'wento. At napatingin ako kay Juan no'n nang hindi siya magkomento. Dahil madalas siyang nagkokomento, pero sa nakikita ko ngayon....
Mukha siyang tanga. Nakatulala tas bukang buka pa yung bunganga. Yucky.
Binatukan ko nga siya, "Hoy, Juan-tulala!"
"Ano ba?!" balik niya sa akin, habang hinihimas yung batok niya.
"Mukha kasing tanga, 'wag kang gumano'n." utas ko.
"Pogi mo pa naman." bulong ko.
"Okay, sabi mo e." habang ngumising mukhang timang. "Pogi ko pa naman, ano?" mas lalong lumaki ang ngisi niya, dahilan para lumabas ang napakalalim niyang biloy sa kaliwang pisngi.
"Tanga, ang pangit mo!" inis kong bigkas.
"Oo na lang. Kunwari, 'di ko narinig yung "pogi mo pa naman." luminga linga pa siya sa itaas at panggagaya niya sa akin.
Tinaas ko nalang sa kanya ang dalawang gitnang daliri ko.
Tinawanan niya lang ako habang umiling-iling.
"O, siya aalis na ako." sabay tayo at akmang aalis na ako, nang bigla niyang hinablot yung braso ko.
"Babalik ka pa naman 'di ba? Hahanapin ko pa yung sagot sa mga katanungan mo 'di ba? Hahanapin mo yung panghilom mo 'di ba? Hahanapin mo pa si pain killer?" sunod-sunod na tanong niya habang hawak-hawak ang braso ko.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko, at ngumiti. "Siguro babalik ako? O... Baka ako simulan ko na yung paghahanap sa kan'ya?" tanong ko sa sarili at lumabas na ng opisina niya.
Nang makalapit na ako sa elevator, bigla niya akong tinawag.
"Agda, babalikan mo 'ko 'di ba? Babalikan mo kami?"
Sumakit bigla ang ulo ko, nang narinig ko ang sabi niya. Parang may naalala ako.
Pero bago pa tuluyang magdilim yung paningin ko, nakita ko siyang tumakbo palapit sa akin. At kinarga niya ako, hanggang sa tuluyan nang magsara ang paningin ko.
Nakita ko na siya. Hindi lang siya pang panaginip......
Si Ago.
Juan's.
"Tonto. Tonto. Tonto." inis at paulit-ulit niyang sabi sa sarili habang pinapalo niya ang kaniyag ulo.
Flashbacks......
Nasa pinto ako nang opisina, habang tinawag si Agda. Tinanong ko si Agda, kung babalik pa siya. Kung babalikan niya pa kami. Apat na taon na ang nakalipas. Pero siya pa rin.
"Agda, babalik pa naman diba? Babalikan mo pa kami?" tanong ko siya sa kan'ya.
Hindi siya sumagot, ngunit nakita ko 'tong humawak sa kan'yang ulo. Kaya bago pa man siya matumba at mawalan ng malay, ay kinarga ko na siya't dinala sa ER.
End.
Naka-upo ako sa may tabi niya habang hawak ang kaniyang kamay. Pinagmasdan ko ang kan'yang mukha.
Wala pa ring nagbago. Ang ganda niya pa rin.
Matangos at maliit na ilong. Singkit na mga mata, mahaba, nakatikwas at makapal nitong pilik-mata. Ang mala-puso nitong mukha, at ang kanyang manipis, medyo pouty at mapula nitong labi.
Hinalikan niya muna ang kamay nito bago tumayo para kumuha ng pagkain.
At umidlip muna sa tabi nito.
Pagkatapos ng ilang oras, nagising na siya.
Naramdaman niyang may tumatapik sa kan'yang mukha at pagdilat nang kaniyang mga mata, isang anghel ang bumungad sa kan'ya.
"Juan, sino nagdala sa akin dito?" bungad nito sa kan'ya.
"Ako." tipid niyang sagot habang humihikab.
"Ha?" gulat nitong tanong.
Nag-inat inat muna siya bago niya ito, tinanong. "Bakit?"
"Akala ko..." hindi na nito itinuloy ang dapat sasabihin at lumungkot ang mata.
"Akala mo si Xan." bulong ko,
"Ha?" tanong nito sa kan'ya,
"Wala." tamad niyang sagot.
"Kain ka nalang muna, baka gutom lang iyan. " yaya niya dito.
"Andyan yung favorite mong Afritadang Manok, at saka yung favorite mo na garlic rice."
Pinakatitignan siya nito ng matagal, bago ito kumain.
At habang kumakain ito, ay nag-ring ang phone niya.
Kyril Calling.....
Nagpaalam muna siya kay Agda, bago lumabas.
"Hey, Dad!" bati nito sa kan'ya.
"Hey..."
"Dad, I already know your secret." tuwang tuwang sabi ni Kyril.
'lam niyang ginagawa lang nito ito para magpabili no'ng bagong model nung remote-controlled na sasakyan.
Kung kaya't sinabaya niya ito.
"I already bought you a brand new helicopter ha. Style mo Ky ha." pagkukunwari niyang inis na utas.
"Ih, Dad naman. Totoong helicopter 'yon e. Ang sabi ko, toy lang." bawi nito.
"Malay ko bang laruan lang yung gusto niya." bulong ni Chiron sa sarili.
"O, sige bibilhan kita. P---" putol niyang bigkas dahil sumigaw na agad ang anak nito.
"Yehey!!!!" masayang sigaw nito.
"Hey! Let me finish first." pananaway niya dito
"Okieee." ngumisi ito.
"Tell me what's you knew about Dad's secret." pang-u-uto niya dito.
"YOU'RE WITH MOMMY!!!!! KASAMA MO SIYA, RIGHT DAD?" masayang utas ni Kyril na siyang nagpatahimik kay Chiron.
"What?!? Dad is with Mommy?" tanong ni Clevi.
"Shhhhh. That's Dad secret." panunuway ni Kyril kay Clevi.
"Dad, still there?" tanong ni Clevi.
Napabalikwas si Chiron do'n. At do'n siya bumalik sa ulirat.
"Kyril, who told you that?" seryosong tanong ni Chiron kay Kyril.
"He said his our Tito, and his name is Tito Evan." Kyril plainly said.
W-what? Evan? Shoot.