KABANATA V

962 Words
Una Kang Naging Akin _______ CHAPTER FIVE STARMALL, PAMPANGA "ANG GANDA PAGMASDAN NI ANGEL KAPAG MASAYA SIYA," bulong ni Tristan sa likuran ko. Masayang pinagmamasdan namin ang anak namin habang naglalaro ito; nag-request si Angel mag-skate at pinagbigyan naman ito ni Tristan. Gusto ko sanang mag-ambag sa kaniya para sa bayad at may kamahalan din ito nang tanggihan ako ni Tristan —sagot niya na raw ang lahat— Hindi na ako nagpumilit pa, dahil pumayag naman siyang hati kami sa pagkain kung saan gusto ni Angel. Sinabi ko naman sa kaniya na may ekstra naman akong pera dahil sa bayad na natanggap ko kay Mayor Legaspi n'ong tinanggap ko ang proyekto sa mural sa bagong stage ng bayan na ito. "Masaya ka rin ba?" Napalingon akong muli kay Tristan, sabay na binaba ko ang tingin sa kamay nitong nakahawak sa barandilya habang ang tingin nasa kay Angel pa rin. "M-masaya naman. Bakit naman hindi eh, masaya iyong anak ko." "Anak natin—" pagtatama nito sa akin. Napangiti ako sa narinig ko kay Tristan. "Anak natin—" nakangiti kong sabi sa kaniya. Nagkatinginan kaming dalawa; sabay na ngiti ang sumagi sa labi naming dalawa. "Kamusta kayo ni L-Lauren?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ng ilang minutong katahimikang namagitan sa aming dalawa. Napababa ako ng tingin nang hawakan nito ang singsing sa palasinsingan nito, ang wedding ring nila, sigurado ako. "Happily married.." kunwang nakuha kong sagot. Muling binaling ni Tristan ang tingin kay Angel. "Mahal na mahal niya si Laurice, mahal na mahal niya ang pamilya namin," mahinang sagot nito sa kaniya. Napangiti akong napatango-tangong binato din ang tingin kay Angel. "Natural lang din naman sa isang ina ang mahalin ng sobra iyong anak eh, kahit ako mahal na mahal ko si Angel, Tristan." Isa pang sulyap ang ginawa ko sa singsing sa daliri nito, may kung ano'ng kurot akong naramdaman sa puso ko nang may naalalang nakaraan. "Tristan? Angelie? Oh my God! Kayo nga, kamusta kayo?" Sabay kaming napailing ni Tristan nang may narinig na boses sa likuran namin, si Irene ang kaklase namin n'ong highschool. "Ako 'to si Irene.. Grabe! Hindi ko akalaing na makikita ko kayong mag-asawa dito?" Masayang bigkas nito sa harap namin ni Tristan; napalingon ako kay Tristan, humihingi ng tulong kung ano ba ang sasabihin ko sa babaeng kaharap namin na hindi na yata nagbago ang pagiging madaldal nito mula n'on. Nakita kong umiling-iling si Michael sabay na tinaas ang kamay nito kung saan nandoon ang singsing na kanina lang pinagmasdan nito't lihim ko ring tinitingnan kanina. Napilitan akong itaas din ang daliri kong walang singsing. "Nasaan iyong singsing mo, Gel?" tanong nito sa akin. Natawa kami pareho ni Tristan dahil mukhang hindi yata na-gets nito ang gusto namin sabihin. "Kasal na si Tristan—" "May asawa na ako—" Halos sabay na bigkas namin ni Tristan sa isa't isa. "Ano? Hindi ko gets? So! Wala na kayo? Hindi natuloy ang kasal niyo?" Sabay na binaba namin ni Tristan ang kamay naming dalawa nang marinig ang sinabi ni Irene. "Walang kasal, walang ganoon, Irene. Tsismis lang iyon," pagpigil ko sa lahat ng posible niya pang itatanong sa amin. "Ano'ng tsismis, Angelie? Eh, may invitation nga kami n'on tamang-tama lang at nag-re-review ako sa Cebu kaya hindi ako nakapunta n'on," anito. "It was three years ago, right? Joker na kayong dalawa ha. May inaanak na ba ako ha?" Bigla akong napalunok nang maalala si Angel. Hiling ko na lang na sana hindi muna kami balikan nito. "I have my own family now, Irene. Here. Mag-ina ko." Sinundan ko ng tingin ang cellphone na inaabot ni Tristan kay Irene, larawan iyon ni Laurice at Lauren kasama ito. "What? Totoo ba, Gel? Hindi nga natuloy ang kasal?" "Walang kasal, Irene. Wala rin naman akong natatandaan na imbitasyon na sinasabi mo.. Baka sa iba iyon, hindi sa amin ni Tristan.." pagsisinungaling ko. Napakunot-nuo ito nang tumingin sa akin at binalik kay Tristan ang cellphone nito; sa mukha nito mukhang naniwala naman ito kay Tristan. "Sayang naman.. Almost 11 years din kayo ha. Hindi ba? Huwag n'yo sabihing hindi.. Elementary pa lang kayo ng dalawa.." Lihim akong umiwas ng tingin kay Irene. Talaga nga sigurong hindi namin mapipigilan ang mga pagtatanong ni Irene tungkol sa aming dalawa ni Tristan n'on. "Usap tayo ulit, Guys, ha. May meeting pa ako baka ma-late ako. Ingat kayo, nice seeing you again friends. Bye." Laking pasasalamat ko nang nagpaalam ito, tumalima ito agad matapos makipag-beso-beso sa akin. Sabay namin sinundan ng tingin ni Tristan si Irene at binaling ang tingin sa isa't isa. Ngumiti sa akin si Tristan, ngumiti na lang din ako ng pilit sa kaniya kahit na nandoon pa rin ang kaba sa puso kong naramdaman ko kanina. "Relax. Okay—" Narinig kong sabi sa akin ni Tristan, naramdaman siguro nito ang kabang mayroon ako ngayon. Kilala ko si Irene, mula elementarya pa lang kami ito na ang taga-hatid ng balita sa lahat. "Bakit nga ba, Angelie?" Ilang sandaling narinig kong tanong ni Tristan sa akin. Napakunot-nuo ako. "Bakit? Ano'ng bakit?" balik tanong ko sa kaniya. "Bakit nga ba hindi ka dumating sa kasal natin? Bakit iniwan mo ako sa ere, Angelie?" Mahinang tanong sa akin ni Tristan, pero malinaw na malinaw sa pandinig ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko akalaing sa mahigit anim na taong lumipas sa aming dalawa — muli niyang uungkatin ang sandaling iyon. "But it's okay.. Hindi nga siguro tayo iyongo destiny 'ika nga nila.." sambit nito. Sa muling pagkakataon binaba ko ang tingin sa daliri ni Tristan. Baka nga, baka nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa. -Baka nga ako lang iyong nauna, pero kailanman hindi na magiging huli pa.— 'Pero.. Pero baka 'di pa huli ang lahat.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD