bc

Heartbeats

book_age18+
576
FOLLOW
1.5K
READ
drama
sweet
heavy
lighthearted
serious
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Ano ang gagawin mo kung ang pusong nailipat sa’yo ay magiging sanhi ng pagkalito mo? May posibilidad ba na ang pusong pagmamay-ari ng iba ay ganun pa din ang ititibok kapag nalipat sa ibang tao?

Ito ay kwento na magsasabi sa atin na, kapag puso ang umiral, hahamakin ang lahat para lang sa taong mahal. Ating alamin at tuklasin kung paano, ang bawat karakter na harapin ang pagsubok sa kanilang puso and how they fight, give up, and sacrifice for their own heartbeats..

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Imagine. Just Imagine.. Roses. Candles. Wine. Music. Flowers. Yan ang nakahanda na sa harapan nI Stan. Today is the day. Gusto na niyang magpropose sa kanyang girlfriend for 6 years. Maraming beses na niya itong pinag-isipan at alam niyang desidido na ito sa kanyang gagawin.He want her to be her wife soon. He want all to be perfect because he has the perfect girlfriend. The girlfriend who deserves to be treated and love perfectly. Hinihintay na lang niya ang pagdating nito sa lugar na sinabi niya. Habang naghihintay siya ay unti-unting bumalik sa kanyang ala-ala ang love story nila. STAN'S MEMORY... BREAK time sa School.. Habang nakaupo ang magkaibigang Stan at Mark ay napansin ng huli ang panay titig ni Stan sa isang babae. "Asuuuuuuuus! Pare, huwag na lang kasi sulyap ang ginagawa mo diyan kay Icy. Hindi mo yan mapapasagot sa sulyap lang. Dapat bumabanat ka din paminsan-minsan," bulalas ni Mark, na kaibigan ni Stan. Kilala siya sa skwelahan na may pagkasiga ngunit pagdating sa babae ay parang paralisado ang dila ni Stanley Lobregat o mas kilala sa pangalang Stan. Malimit ay may mga niloloko sila ng mga kaibigan niya na mga babae ngunit kapag may nagustuhan siya o nai-inlab siya ay hindi niya kayang sabihin ang kanyang nararamdaman. Kumbaga, love ang weakness niya. May itsura naman siya at malakas ang s*x appeal saka mabait at higit sa lahat galing sa isang mayamang angkan. Nag-iisang anak siya ng isa sa business mogul ng bansa sa larangan ng Hotel Business. Malaki ang gusto nito sa isang dalaga na kamag-aral din niya sa Unibersidad na pinapasukan niya. Siya si Isabel Ledesma ngunit mas tinatawag siyang Icy, lalo na sa mga kaibigan at sa paaralan. Pareho silang nasa 3rd year college na sa kursong Management. "Pare naman eh, nahihiya ako baka bukulan ako ng wala sa oras,” aniya. "Naku! Pare, baka sa bandang huli ay may ibang manligaw diyan 'di lalong nganga ka!” tawang biro pa ng kaibigan. Hindi na siya umimik. Pinagmasdan na lang niya ang pagdaan ni Icy at mga kaibigan niya sa harap niya. Si Isabel o Icy sa mga kaibigan ay palaban na dalaga. Hindi siya katulad ng iba na madaling makuha sa magagandang salita. She’s pretty and charming. "Tama nga itong kaibigan ko, kung hindi ako kikibo baka maunahan ako ng iba." Sa isip niya. "Kung gusto mo pare tulungan ka namin para maligawan mo pero siyempre may kapalit siya,” ngising wika ng kaibigan. "Ayan ka na naman sa kapalit na 'yan eh. Ako na lang baka lalong matakot sa akin 'yung tao. "Sige nga tingnan natin. Hooo! Kilala ka namin pare, pagdating sa pag-ibig, kapag tinamaan ka na isa ka nang duwag!" kantyaw pa ng kaibigan. "Wala ka naman pare eh, imbes na palakasin mo ang loob ko kinakantyawan mo pa,” dismayadong aniya. Pagdakay iniwan niya ang kaibigan. Ganun na ganun siya kapag nakikita niya si Icy, natatahimik at nawawala ang pagiging matapang niya. Habang lumilipas ang araw ay lalo siyang tinutukso ng kaibigan. Kaya tuloy minsan ay iniiwasan niya ito lalo na kapag papalapit na si Icy. "Pare, andiyan na naman si Icy, oh!" bulong sa kanya ni Mark. "Wag mo na lang ipahalata na nakita natin," wika naman niya. Nag-iisa si Icy na naglalakad papunta sa canteen ng school. "Bakit? Nahihiya ka na naman? Hanggang ngayon ba nahihiya ka pa rin?" singhal niya. "Icy!" biglang tinawag ni Mark si Icy na ikinagulat ni Stan. Napalingon naman ang dalaga. "Uy! Ano ba yan?!" singhal niya sa kaibigan. Agad na hinila ni Mark si Stan para lapitan si Icy na natigil dahil sa tawag sa kanya. "Bakit?" tanong ng dalaga. "Saan ka pupunta?" ngising wika ni Mark. "Sa Canteen. Bakit?" may himig pagsusupladang balik-tanong ng dalaga. "Sabi kasi ng kaibigan ko.,” simula niya, at hinila si Stan paharap dahil parang batang nagtago sa likod ni Mark. "Gusto ka daw niya samahan sa canteen, libre daw niya." bulalas niya. Sa gulat at hiya ni Stan sa sinabi ni Mark ay parang nangamatis ang buong mukha niya sa pula. Ibinaling ni Icy ang tingin niya dito na parang kinukumpirma kung totoo ang sabi ng isa. Isang malihim na paniniko ang ginawa ni Mark kay Stan dahil para na itong napako sa kinatayuan. "Ano ka ba! Ako na nga itong gumagawa ng paraan eh,” bulong ni Mark sa kanya. "Ah-eh.. Pwede ba?" nautal na tanong naman ni Stan sa dalaga. "Pasensiya na. May i-memeet akong kaibigan doon eh,” wika ni Icy, at walang paalam na iniwan ang dalawa. Nang makalayo si Icy s kanila ay isang malakas na tulak ang ginawa ni Stan sa kaibigan. "Walanghiya ka talaga!" "Wala ka pala, pare. Certified tameme ka kapag naiinlove," kantyaw ng isa. Isa pang tulak ang ginawa niya dito saka iniwan dahil sa pagkapahiya. Habang palayo naman si Icy kila Stan at Mark ay hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Parang gusto niyang tumalon sa tuwa dahil sa pag-aayang iyon ni Stan na greatest crush niya mula nung 1st year college pa sila. Nang makarating sa canteen ay pasigaw siyang lumapit sa mga kaibigan na nagkukumpulan na sa isang mesa na nagmemeryenda. "Aaaaaaaaah! Nakakaloka! As in nakakalokaaaaaaa!" sigaw niya,na kinagulat ng mga ito. "Teka! Teka! May sunog ba? May sunog? Kung makatili ka naman wagas?" wika ng isa niyang kaibigan. Agad siyang umupo sa bakanteng upuan. "Alam niyo ba na inimbita ako ni Stanley Lobregat na magsnack kanina?" kilig na kilig na wika niya. "Eh oh nasaan ang tao?" tanong naman ng isa. "Inindiyan ko eh," bulalas niya. "Ano?" Halos sabay sabay nilang tanong "Eeeeeeeeh, baka pinagtitripan lang ako nun. Alam niyo naman ang ugali." "Kahit na girl sana sinunggaban mo na lang. i Stanley Lobregat na 'yun!" "Ay, ayoko nga! Baka sabihin easy to get ako." "Tange! O 'di 'wag ka na lang diyan kiligin," sabat naman ng isa. "Grabe naman ang mga ito. Sirain ba naman ang moment ko?" asar na wika niya. "Eh, paano naman kasi pakipot ka pa! Lumalapit na nga ang manok 'di ka pa nagpatuka!” tawang wika ng isa na nagbigay ng isang malakas na tawanan mula sa mga kaibigan. "Ay ewan ko sa inyo! Basta ako M-A-S-A-Y-A period. Bahala kayong mangantyaw diyan.!" wika niya, at tumayo na para bumili ng pagkain sa counter. Hindi naman makapaniwala si Stan na inindiyan siya ng babaeng gusto niya. Ang iba nga eh hahabol habol sa kanya ngunit si Icy ay hindi. Naisip niya, dahil siguro ito sa mga pinaggagagawa niya. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mapalapit dito. Kinaumagahan nakita niyang nakaupo si Icy sa isang bench. Walang imik siyang lumapit dito at pasimpleng umupo sa kanyang tabi. "Bakit?" tanong naman ni Icy sa kanya. "Wala naman, nakiki-upo lang." "Ang dami namang bakante ah ba't dito pa?" "Bakit ba ang suplada mo?" "Kilala kasi kita, Mr. Lobregat." bulalas niya paharap sa kanya. "Kilala mo ako? Bakit, ano ba ang pagkakakilala mo sakin?" "Alam naman ng buong campus and students na isa kang bolero." "Huh? Bakit hindi ko alam 'yun?" nagmamaang-maangang bulalas niya. "Ay ewan ko sa 'yo. Diyan ka na nga!" ani Icy at tumayo palayo sa kanya. Mabilis naman ang kanyang kamay na hinila siya pabalik sa kanyang upuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

The Professor's Wife

read
450.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook