"ANO?!" gulat na tanong ni Icy sa katagang binanggit ni Stan. "Kapatid mo si Danica?" ulit niya. "Ha ha ha! How ungreatful life is right?" sagot ni Stan na pautal utal dahil sa kalasingan. Tawa na may halong lungkot. Hindi malaman ni Icy ang kanyang sasabihin. Gusto niyang matuwa dahil malayang malaya si Stan ngunit nasasaktan siya dahil sa katotohanan na nalaman nila. "Manong patulong nga ako." ani Icy sa isang waiter doon. Kailangan niyang maiuwi si Stan sa kanila. Habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay nila Stan ay hindi niya ngayon maiwasan na hindi maawa kay Stan. Dahilsa kalasingan ay hindi na maimulat ng maigi ang mga mata, nagsasalita na nag-iiyak. Alam niyang mahirap na tanggapin ni Stan ang lahat lalo na't alam niya kung gaano niya minahal si Danica. Habang pinagmamasdan niya

