Hindi alam ni Stan kung matutuwa siya o magagalit siya sa ginawa ni Icy. Magagalit ba siya sa kanyang sarilo dahil hindi niya maitago ang lubos na pagmamahal kay Danica? O matutuwa siya dahil aa pagsasakripisyo na iyun ni Icy? Hindi rin niya alam. May parte sa puso niya na nagagalak ngunit may parte rin sa kanya na nanghihinayang sa pagmamahalan nila ni Icy. Samantala... Mula nung makita ni Danica si Stan sa restaurant kasama ni Icy ay nakaramdam siya ng labis labis na pagseselos. Gusto.niyang siya ang kasama ni Stan, gusto niyang siya ang magpasaya kay Stan ngunit sa nakikita niya ay tuluyan na nga siyang iniwasan ni Stan. Wala din siyang magagawa kundi ang tanggapin iyun at pag-aralang kalimutan ang lalake. Naisip din niya na mas mabuti na ngang si Icy ang pinili nito dahil sila naman

