Mahigpit na yakap ang binigay ni Stan kay Danica para kumalma ang dalaga sa kanyang pag-iyak sanhi ng matinding pagdadalamhati at pangungulila. "I am so sorry for being so emotional." mabilis na kumalas si Danica sa pagkakayakap kay Stan. Yes, she felt calm by his hug but there is something wrong. May mali kaya mabilis siyang bumitaw. "No. Okay lang sa akin. I am pleased to lend my hand to you. Pwede kang umiyak sa akin kung kailan mo gusto, Danica." sagot naman ni Stan na marahang bumitaw din sa dalaga. They both know na mali na ito ngunit hindi nila napigilan. Ngunit sa isip ni Stan ay normal lang sa isang tao na magbigay ng confort sa isang taong malungkot. Kay Danica naman ay inisip niyang tulong lang iyon at pagmamalasakit. "Okay na ako. Salamat. Mauna ka na lang doon susunod na

