CHAPTER 38

1830 Words

“ANO BA’NG problema at kailangan kong magpunta rito? Akala ko kaya na ninyo?” tanong ni Ryan kay Maxene at sa assistant na si Kirsten nang dumating siya sa warehouse na kinaroroonan ng printing office ng RD Publishing. Doon sila nakabase dati dahil iyon ang warehouse na namana niya sa mga magulang noong makumbinsi niya ang ama na sumabak sila sa publishing. “Boss, may isang buong page po kasi para sa travel magazine natin ang blangko. Hindi kasi pumasa sa inyo `yong article ng contributor natin, hindi ba?” sabi ni Kirsten. Kumunot ang noo ni Ryan. “Hindi ba sinabi ko sa iyo na gawan mo ng paraan? I am putting you in charge of that magazine dahil ang sabi mo sa akin ay kaya mo.” “Relax ka lang, Ryan. May naisip namang solusyon si Kirsten. Huwag mainit ang ulo mo dahil lang bigla ka nami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD