Namilog ang mga mata ni Jesilyn nang gagapin ni Ryan ang isa niyang kamay at akayin siya patungo sa elevator. Bago siya tuluyang mahatak ay lumapit sa kanya si Maxene at nakangising bumulong. “He never had a female visitor. Kaya nagulat ang mga empleyado niyang makitang nagtititigan kayo nang ganoon.” “Max, I heard that,” saway ni Ryan sa babae. Tumawa lamang si Maxene bago nagpaalam at naglakad na rin palayo. Sina Jesilyn at Ryan lamang ang naging sakay ng elevator. Muli ay namayani ang katahimikan. Subalit aware na aware si Jesilyn na hindi binibitawan ng binata ang kanyang kamay kahit nang bumukas ang elevator at umibis sila sa huling palapag ng gusali. Maganda ang interior ng buong palapag na iyon. Ang mga pader ay puno ng malalaking framed blown-up covers ng iba’t ibang sika

