CHAPTER 42

1309 Words

SA MGA sumunod na araw ay nagkaroon ng kakaibang purpose at excitement ang buhay ni Jesilyn. Mula kasi nang mapag-usapan nila ni Ryan na ilalabas sa magazine ang isinulat niya ay napakaraming ideya ang nagsimulang maglaro sa kanyang isip para sa susunod niyang isusulat. Lalo na nang ipadala ng assistant ng binata na si Kirsten ang layout draft ng kanyang artikulo. Nakita niya kung paano ang magiging hitsura niyon kapag inilabas na ang magazine. Bigla siyang nagkaroon ng goal at ng passion. Dahil sa wakas ay nagkaroon siya ng isang bagay na gagawin na gusto talaga niya. Siyempre, nagtatrabaho pa rin si Jesilyn nang maayos sa Happy Mart at patuloy niya iyong gagawin para sa kanyang mga magulang. Pero ngayon ay mayroon na siyang masasabing ginagawa na nagbibigay sa kanya ng labis na kalig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD