ALAM ni Jesilyn, nang sandaling makatanggap siya ng tawag mula kay Tito Basil kinabukasan, mukhang hindi natupad ang kanyang hiling. Pinapupunta siya sa ospital. Nang makita niya ang kanyang mga magulang na hinihintay siya sa living room dahil tumawag din pala si Tito Basil sa mga ito ay nakaramdam na siya ng kaba. Mukhang ganoon din ang nararamdaman ng kanyang ama at ina kahit pa pilit na itinatago iyon. Nahalata iyon ni Jesilyn dahil buong biyahe nila patungo sa ospital ay hindi tumitigil sa pagsasalita ang kanyang ina tungkol sa negosyo at sa kung ano-ano pa. Madaldal lang nang ganoon ang mama niya kapag kinakabahan. Agad silang hinarap ni Tito Basil nang dumating silang pamilya sa ospital. Sandaling nangumusta ang matandang doktor bago umupo sa swivel chair, huminga nang malalim, at

