CHAPTER 44

1233 Words

KAHIHIMPIL pa lamang ni Ryan ng sasakyan sa parking lot ng Bachelor’s Pad nang gabing iyon nang tumunog ang kanyang cell phone. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Jesilyn sa screen. Kung hindi nga lamang siya tambak ng trabaho at meetings kanina ay baka siya na ang unang tumawag sa dalaga. Ngiting-ngiti na sinagot ni Ryan ang tawag. “Hey,” malambing na bati niya. “Hi… Busy ka ba?” tanong ni Jesilyn mula sa kabilang linya. Bahagyang napalis ang ngiti ni Ryan dahil may nahimigan siyang kakaiba sa tinig ng dalaga. Para bang pilit lamang nitong pinasisigla ang tinig at parang may itinatagong lumbay. “Kauuwi ko lang galing sa trabaho. Why? Did you miss me?” pabirong tanong niya upang pagaanin ang loob ni Jesilyn kahit hindi niya alam kung bakit ganoon ang tinig nito. Mahinang tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD