CHAPTER 31

2038 Words

HUMIGPIT ang hawak ni Jesilyn sa mga kubyertos dahil pakiramdam niya, kapag hindi niya iyon ginawa ay mahahalata ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya si Ryan, na lumapit sa kanya ang binata. Hindi niya maalis ang pagkakatitig sa mukha nito. At kahit pa sinabi nito na magkunwari siyang mag-isa pa rin ay imposible, lalo na kung abot-kamay lamang niya ang lalaking sa loob nang dalawang linggo ay laman ng kanyang isip. “Sasamahan mo akong kumain?” tanong ni Jesilyn. Nanatiling nakahalukipkip si Ryan pero sumulyap sa kanya at tumango. “Pero paano ang… date mo?” lakas-loob na tanong niya nang maalala ang babaeng kasama nito kanina. Kumunot ang noo ng binata. “Date? Kung ang tinutukoy mo ay si Maxene, hindi ko siya date. Kasama na niya ang asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD