MADALING-ARAW na nakatulog si Jesilyn dahil paulit-ulit niyang binalikan sa isip ang sandaling magkasama sila ni Ryan. Tuloy ay tinanghali siya ng gising kinabukasan kaya late na siya nakarating sa main branch ng Happy Mart. Natigilan si Jesilyn nang may makitang pamilyar na kotse sa parking lot. Sasakyan iyon ni Apolinario. Pagkatapos ng dalawang linggo ay handa na bang makipag-usap uli sa kanya ang lalaki? Sa naisip ay napabilis ang paglalakad niya papasok sa staff area ng Happy Mart. Ang dulong pinto roon ang kanyang opisina. Subalit ilang hakbang pa ang layo sa kanyang opisina ay kumunot na ang noo ni Jesilyn nang makarinig ng tila nagtatalo mula sa loob. Umawang ang kanyang mga labi at nataranta nang marinig ang pamilyar na boses nina Sheila at Apolinario. Hinawakan na niya ang se

