CHAPTER 34

1342 Words

NAPAKURAP si Jesilyn nang maramdamang may lumapit sa kanyang mesa. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at napatingala kasabay ng paghatak ng lalaki sa katapat na silya at walang anumang umupo roon. Umawang ang kanyang mga labi. “R-Ryan?!” manghang bulalas ni Jesilyn. Hindi siya makapaniwala. He really came! Isang linggo na mula nang magkita sila sa restaurant, mula nang ihatid siya ng binata pauwi at aminin na hindi niya ito kalilimutan. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Nagkibit-balikat si Ryan at tumingin sa labas ng coffee shop. “May binili ako sa convenience store at nakita kitang lumabas mula sa likuran niyon.” Napatitig si Jesilyn sa binata at noon niya napansin na hindi madilim ang ekspresyon sa mukha nito na tulad noong huli silang nagkita. Kumurap siya nang sa wakas ay mahamig ang sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD