Sumikdo ang puso ni Jesilyn sa pangalan na iyon. Alam niya na masyadong common ang pangalan na Ryan at dapat ay hindi nagiging ganoon ang reaksiyon niya tuwing maririnig iyon. Pero grabe, may kakilala rin si Apolinario na Ryan ang pangalan? Nakakakaba naman ang coincidence na iyon. Nahiling ni Jesilyn na sana ay nagawa niyang magkunwaring hindi apektado sa pangalan na iyon. After all, she was Apolinario’s date tonight. Hindi siya dapat naaapektuhan ng pangalan ng ibang lalaki. Even if it’s the name of someone I love. Unti-unti na siyang nagiging komportable sa pakikipag-usap sa mga babae sa grupong iyon nang mapatingin sa kung saan ang mga lalaki at biglang magsalita si Jay. “O, `ayan na pala si Ryan.” “Ryan went out of the country for a vacation, right? Ngayon lang kami uli magkiki

