HINDI nakaligtas sa pansin ni Ryan ang pamumutla ni Jesilyn at ang pag-iwas ng tingin na parang takot na takot. Tumiim ang kanyang mga bagang at mariing ikinuyom ang mga kamay dahil sa magkakahalong emosyon sa kanyang dibdib habang nakatitig sa dalaga. Isang linggo siyang hindi mapakali at hindi makapag-concentrate sa kahit anong bagay sa kaiisip kung paano sila magkikita ni Jesilyn pero ni sa hinagap ay hindi niya naisip na sa art exhibit ni Draco muling magtatagpo ang kanilang mga landas. Subalit mas matindi ang naging epekto kay Ryan nang malaman ang tunay na pagkatao ni Jesilyn. She was his friend’s girlfriend, for God’s sake! Si Jesilyn ang babaeng nabanggit na sa kanya ni Apolinario noong kasal ni Rob. Ang babaeng gusto nitong pakasalan. She was already committed to someone and s

