CHAPTER 9

1958 Words

MAAGANG nagising si Jesilyn kinabukasan. Masyado siyang sabik mag-ikot sa araw na iyon at maisakatuparan ang ilan sa mga nakasulat sa listahan niya kaya halos hindi siya nakatulog kagabi. Nagbihis siya kaagad at lumabas ng kanyang silid. Kinatok niya ang silid ni Ryan. May café sa ground floor ng hotel na iyon kaya balak niyang yayain ang binata na sabay na silang kumain. Matagal bago siya nakarinig ng pagkilos sa loob ng silid hanggang sa bumukas ang pinto. Napasinghap siya at namilog ang mga mata nang makitang walang suot na pang-itaas si Ryan. All he was wearing was a pair of loose pajama bottoms hanging low on his hips. Bumalandra tuloy sa kanyang paningin ang malapad nitong dibdib at flat na tiyan na may abs pa. Nag-init ang kanyang mukha dahil iyon ang unang pagkakataon na nakakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD