CHAPTER 10

1579 Words

HINDI napigilan ni Jesilyn ang matawa nang makita ang ekspresyon sa mukha ng kanyang pinsan na si Kenneth nang bumaba ito sa ground floor lobby ng residential tower kung saan ito nakatira at makita siya. Nasira kasi ang sopistikada at magandang hitsura ng pinsan dahil halos lumuwa ang mga mata nito at nakaawang ang mga labi habang nakatingin sa kanya. Salamat kay Ryan na alam kung paano pumunta roon ay naabutan pa niya ang kanyang pinsan na mukhang papasok sa trabaho. Sinamahan pa siya ng binata na lumapit sa reception area at gamit ang intercom ay nakausap niya si Kenneth na tiyempong paalis na pala. Malayo pa lamang ay hindi na maipagkakamali ang pagkakahawig nila. Mas matangkad lang sa kanya ang babae at mukhang beauty queen ang aura. “Jesilyn? As in ang anak nina Tito Jesilito at T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD