KABANATA 3

2018 Words
GEORGE “WHAT is this?” pigil ang iritasyon sa aking boses habang nagtatanong sa aking secretary na si Will. “Report po ng sales natin sa Makati Branch ngayong month,” tugon ng lalaki habang nakayuko. “I know how to read, Will. I am asking what happened?!” hindi ko na napigilan ang galit ko. Malakas kong itinapon ang folder sa table at tumilapon ang mga laman no'n sa sahig. Napakislot naman ang aking sekretarya dahil sa aking ginawa. “Napipi ka na ba, Will? Ano na?!” asik ko rito. “A-ah eh, b-bumaba raw po ang sales nila ng ten percent da---“ “Ten percent! Ten percent, Will! I don’t care whatever their reason is! I already gave them multiple chances to fix their sales but they are not doing their job well. Did you really relay how frustrated I am with their performance? Nagpipigil lang ako dahil humiling kang bigyan ko pa ng chance ang kapatid mong walang kwenta, Will. Did you tell him about our deal?” wika ko sa aking sekretarya na hindi pa rin makatingin sa akin. Oo, kapatid ni Will ang kasalukuyang manager ng George Beautique sa Makati Branch. I established George Beautique with my own sweat and blood. Ang mga client ko ay hindi basta-basta. My boutique is a combination of clothing and jewelry. And currently ay may dalawang branches pa lang ito. Ang main branch ay nandito sa Mandaluyong kung saan ako naglalagi. Hindi lang mga mayayamang tao rito sa bansa ang mga client ko. May mga international clients na rin na recommended ng aking mga loyal clients. I am planning to open another branch in Cebu this year and I am thinking of expanding it overseas too. Naghahanap pa ako ng mga investors. Kaya back to back rin ang mga meetings ko at out of town. Ipinagkakatiwala ko na minsan sa aking sekretarya ang lahat kapag wala ako. Kaya he is not just a simple secretary per se. Kung ako ag CEO (Chief Executive Officer), siya ang parang COO (Chief Operating Officer) ng aking kompanya, at the same time ay secretary ko.  At this age, you can say that I am one of the youngest bachelorette billionaire in the country. Maraming nanliligaw pero alam ko naman ang talagang gusto nila sa akin kaya hindi rin ako nagkakainteres sa mga ito. Tsaka wala pa akong oras sa ganyan ngayon. I am really focused with my career now. Ang goal ko ay magpayaman nang mabuti at ipapakitang hindi ko kailangan ang yaman ng aking ama para mabuhay. Kaya I am single and living happily in my prime years.  “Ma’am George, please po, gagawin ko po ang lahat. Bigyan niyo pa po ng chance ang kapatid ko. Alam ko pong maaayos na niya ‘to next month,” pagmamakaawa ni Will na lumuhod pa sa harapan ko. Mabait na secretary si Will. At ever since na nagsimula ako sa business ay ito na ang naging secretary ko. He is a hard worker and understanding young man. Mas matanda lamang ako ng dalawang taon sa kanya. Matangkad ito, may hitsura, nerdy look pero ma-appeal naman. Balita ko nga ay pinagnanasahan ng ibang staff ang aking secretary. But I don’t see him that way. I don’t mix business with pleasure.Tsaka hindi ko rin siya tipo. Gusto ko lang ang lalaki dahil sa work ethics nito at kahit na terror akong boss ay he is still sticking around. He is loyal and a very patient man. Napabuntong hininga ako at napapikit nang mariin dahil sa ginawa ni Will. Ilang beses ko na bang binigyan ng chance ang kapatid niya para ayusin ang sales sa kabilang branch? Hindi ko na mabilang. Oo, masungit, terror, mainitin ang ulo ko pero considerate naman ako but enough is enough. “Tumayo ka, Will,” utos ko sa mahinahong boses. Sumunod naman ang lalaki pero nakayuko pa rin ito. “Ano sa palagay mo ang gagawin ng kapatid  mo this time para mapataas ang sales ng branch sa Makati?” Hindi makasagot ang lalaki. Alam niya kasing wala nang magagawa ang kapatid nito. Lahat na nga ng strategy ko ay ibinahagi ko na dito pero kung gaano ka-successful ang branch dito sa Mandaluyong ay ganoon naman ang pagbaba ng branch sa Makati. I trusted him pero nasayang lang ang tiwala ko rito. “Will, kilala mo ako. Pinagbigyan na rin kita sa mga hiling mo but this is business. Kung tutuusin ay hindi ko dapat hinayaang ma-hire ang kapatid mo bilang manager dito sa kompanya pero I did that because you said he really needed the job. Did you not think that I won’t know what he is doing? He is slacking off. He is always late and will go home earlier than his staff. He reeks in alcohol every time he’s at the office. I know he has personal problems but again, this is business, Will,” I told him. “S-sorry, Ma’am George,” ang tanging nasabi na lang ng lalaki. “That’s fine. Now, please take care of that for me, okay?” Tumango ang lalaki bilang sagot. “Tell him he can go back anytime pero ayusin niya muna ang sarili niya. Pero hindi ko maiga-guarantee na ang managerial position pa rin ang makukuha niya. Inaasahan kong ipapaintindi mo ‘yon sa kanya, Will. Or do you want me to personally speak to him?” “Kaya ko na po ito, Ma’am George,”wika ng lalaki na tinignan na ako. “Maraming salamat po, Ma’am George,” matipid ang ngiting wika nito. Nakakaintinding tumango na lamang ako. Napahugot ako nang malalim na hininga nang makalabas ito. Ayaw ko rin sanang nagpapatalsik ng tao dahil ayoko namang mawalan sila ng trabaho pero kung hindi naman akma sa goal ko ang kanilang ginagawa ay wala akong magagawa kundi tanggalin ang mga ito. My mind is set. Wala nang makakapigil pa sa akin para ingusan ang kung ano mang achievement mayroon ang mga Saavedra. +++ KULAS "KUYA? Mamamasada ka ulit?” narinig kong tanong ni Athena nang makasakay na ako sa driver’s seat ng jeep. “Oo, wala akong magawa, eh. Tsaka kailangan daw mag-chill nitong si Marlou. Nag-away daw sila ni Anita,” sabi ko. “Ah, kaya pala ang taas ng nguso niyang katabi mo,” wika ni Athena na sinilip ang tahimik kong pasahero. SI Marlou na nakaupo sa passenger seat at nakahalukipkip pa. “Siya, kapatid. Mag-iingat ka rito, ha. Bantayan mo si Tatay at huwag magpapasok ng kung sino-sino,” bilin ko sa kanya. “Uuwi kami ng mga alas nuwebe,” dagdag ko. “Sige, Kuya. Mag-iingat ka, ha. Tanga ka pa naman,” asar nito sa akin. Inabot ko ang ulo nito at ginulo ang buhok niya. “Sinong tanga, ha? Akala mo hindi ko alam ang pinaggagawa mo, ha…” “Kuya, naman, eh!” Waksi niya sa kamay ko at lumayo ng bahagya, iyong saktong hindi ko siya maabot. “Oh siya, aalis na kami. Athena, mag-aral ka nang mabuti,” bilin ko ulit sa kanya. “Kuya, nag-aaral ako nang mabuti. Alis ka na nga!” taboy niya sa akin tsaka bumelat. Napailing-iling na lamang ako ng aking ulo at pinaandar na ang jeep. “Ano, Marl? Akala ko ba magbabyahe tayo? Hindi ako sanay na tahimik ka diyan,” kausap ko sa aking katabi na hindi maipinta ang mukha. Nakalabas na kami sa Barangay Petmalu at kasalukuyan ng binabaybay ang national highway. Hindi ko pa inilalagay ang plaka sa aming destinasyon dahil mukhang wala namang balak ang konduktor ko. At sabi ko nga kay Athena, pumasada lang ako ngayong araw dahil gusto kong i-cheer up si Marlou. Ilang araw na kasi itong nagmumukmok sa kanila. “Ang hirap espilingin ng mga babae, boss,” maya-maya ay sabi nito. “Naku, Marlou. Gusto ko agad malaman mo na willing akong makinig sa mga sentimyento mo pero kung hihingi ka ng advice sa akin tungkol sa love life mo, maling tao ang nalapitan mo,” sabi ko. Nasa daan pa rin ang aking mga mata. Mabuti nga at hindi masyadong mainit ngayon. Hapon na rin kasi at medyo makulimlim dahil parang uulan. “Alam ko naman ‘yon, boss. Huwag kang mag-alala, hindi ako hihingi ng advice. Gusto ko lang ilabas ang aking saloobin, boss. Okay lang ba ‘yon?” tanong ng konduktor. “Sige. Kaibigan mo naman ako, Marl. Tsaka sa ganyang paraan lang naman kita matutulungan kung tungkol nga ‘yan sa love life mo,” wika ko. “Nakipaghiwalay na sa akin si Anita, Boss,” gumaralgal ang boses na sabi nito. Ah, kaya pala. Akala ko ay nag-away lang sila, iyon pala ay nakipaghiwalay na. “Bakit naman daw?” tanong ko. Nasa bandang Medical City na kami at medyo traffic na sa area na ‘yon. “Marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay, Boss. Tsaka makakasagabal lang daw iyong relasyon namin sa mga pangarap niya.” Umiiyak na ang konduktor. Naku… patay tayo diyan. Ni hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kaya nga hindi ako nagpapa-involve sa mga ganyang relasyon kasi ayaw ko ng conflict. Tsaka hindi rin talaga ako interesado sa ganyang mga bagay. “Wala talaga akong magandang maipapayo sa iyo, Marl. Mabuti pa ay si Isko ang kausapin mo, o hindi kaya sina Badong, Victor, o Ason. Sila ang eksperto diyan,” banggit ko sa aking mga kababata s***h matatalik na kaibigan. “Pero sa ngayon, ganito na lang, ililibre na lang kita kung saan mo gusto kumain.” At mukhang effective naman ang aking suggestion dahil lumiwanag ang mukha ng bungal. Basta talaga pagkain ay naayos ang mood nito. Sino ba naman kasi ang ayaw sa libre? “Talaga, boss? Kahit saan?” excited na tanong nito. “Oo naman,” saad ko. Mababaw lang ang kaligayahan ng aking kasama kaya sa isang fast food chain na rin kami nagpunta. Naka-simpleng puting T-shirt lang ako, lumang maong na tattered pants at tsinelas. Mas maayos namang tignan si Marlou sa akin dahil naka-polo shirt ito, pantalon, at sapatos. Hinayaan kong si Marlou ang umorder para matuto ito. Binigyan ko ito ng pera at umupo ako sa table na malapit sa bintana na nakikita ang daan. Mahilig kasi akong tumingin at mag-observe sa mga tao sa labas. Habit ko na yata ‘yon. Medyo mahaba ang pila kaya medyo natagalan si Marlou. Kaya ako naman ay nakatingin lang sa labas at nagmamasid sa mga taong dumadaan. Nang may mapansin akong pamilyar na babae na lumabas sa isang shop. Sinundan ko ito ng tingin dahil iniisip ko rin kung saan ko ito nakita, nang parang may bulb na sumindi sa itaas ng aking ulo. Siya ‘yong babaeng hindi nagbayad last week! Patuloy kong pinagmasdan ang babae. Mukhang mayaman nga talaga ito. Sa postura, awra, sa kinis ng balat, at sa ganda. Papalapit ito sa kanyang kotse dahil nakita kong ini-unlock nito iyon gamit ng hawak na susi. May kotse pala ito pero bakit ito nag-jeep last week? Tsaka hindi basta-basta ang kotse nito. Kung hindi ako nagkakamali ay Mercedes Benz E Class ang sasakyan nito. Maluho, ‘yon agad ang pumasok sa isipan ko. Sinusundan ko pa rin nang tingin ang babae hanggang sa bubuksan na sana nito ang pinto ng driver’s seat nang nakita kong biglang may lumapit na lalaki rito. At base sa reaction ng babae ay hindi siya masaya sa pagkakakita sa lalaki. Hindi na sana ako makikialam dahil akala ko ay away mag-jowa lang pero nakita kong may kung anong bagay ang itinutok ang lalaki sa babae. Nakita kong nanlaki ang mga mata ng babae at halatang natakot. Kung hindi ako nagkakamali ay patalim ang hawak ng lalaking lumapit dito. At sa hindi ko malamang dahilan, agad akong umalis sa aking kinauupuan para puntahan ang babae. Huwag ka na kasing makialam! sigaw ng utak ko. Too late, brain. Too late.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD