KABANATA 2

1596 Words
KULAS “MANO po, tay,” sabi ko ng makarating ako sa bahay at madatnan ang aking ama sa sala. Nanonood ito ng paboritong palabas na Raffy Tulfo in Action sa TV. “Kaawaan ka ng Diyos, anak. Kumain ka na d’yan. Nagluto ang kapatid mo bago umalis,” ang sabi ng matanda pero hindi naman nakatingin sa akin. Naka-concentrate ito sa pinanonood. Dumiresto na ako sa kusina kasi alam kong hindi na ito maaabala pa. “Boss!” tawag sa akin ng aking konduktor na si Marlou na nasa harap ng aming pintuan. Kitang-kita lang kasi sa kusina ang front door na malapit sa sala. Medyo may kaliitan lang kasi ang bahay naming ito. “Ay, magandang gabi, Mang Zeus,” sabi nito ng makita ang tatay ko sa sala. “Magandang gabi rin,” narinig kong sabi ng tatay ko. “Pasok ka rito, Marl,” ang tawag ko sa lalaki. Sumandok ako ng kanin at ulam at inilagay sa hapag-kainan. Pagkatapos ay kumuha ako ng dalawang plato, at dalawang pares ng kutsara at tinidor. Nakaupo na si Marlou sa isang bakanteng upuan ng hapag. Ang lapad ng ngiti ng bungal na lalaki. “Nakalibre ka na naman ng kain, ‘no?” ang sabi ko at umupo na sa bakanteng upuang salungat nito. Inabot ko rito ang isang plato, kutsara at tinidor na aking hawak. “Salamat, boss,” malapad ang ngiting inabot nito iyon. “Timing lang talaga, boss. Ikaw naman,” ang sabi pa nito at sasandok na sana ng kanin ng pitikin ko ang kamay nito. “Aray naman, boss,” angal nito. “Magdasal muna tayo,” sita ko rito. Agad naman nitong pinagdaop ang dalawang palad at nagsimulang magdasal para sa pagkain. High school dropout itong si Marlou at hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Mas matanda ako ng limang taon dito. At kahit naman sabihing hindi nakapagtapos ang konduktor kong ‘to, I am making sure na may mga matutunan na magagandang bagay ito mula sa akin. Ako nga pala si Hercules “Kulas” Panes, 25 years old, part-time jeepney driver, full-time seaman. Ang aking height ay 5’9”, moreno, at maganda rin ang pangangatawan. Single and not ready to mingle. Nagpapart-time ako sa pagmamaneho ng jeepney ng aking tatay kapag hindi ako nakasampa sa barko. Two years din akong naglayag at kababalik ko lang this week. Pero hindi pa rin naman natatapos ang trabaho ko kasi may training na ulit ako next month para sa pagiging kapitan. I have 6 months to spend with my family bago ako ulit sumampa sa barko. Kaya naman for now, ang pagmamaneho ng jeepney ng tatay ko ang aking pinagkakaabalahan. Kasi kung hindi ko gagawin 'yon, ang tatay ko naman ang magpapakapagod kahit na sinabihan ko ng hindi na n’ya kailangang kumayod. Pero ika nga nito, nakasanayan n’ya na daw kasi ang pagmamaneho ng jeep. Kaya iyon din ang dahilan kung bakit kami nakasurvive at nakapag-aral ng kapatid ko. Kaya mahirap talagang i-let go ang bagay na iyon para rito. “Ang sarap talagang magluto ni Athena!” bulalas ni Marlou habang kumakain. Ang tinutukoy nito ay ang kapatid kong babae. Limang taon ang agwat namin ng kapatid kong 'yon. Graduating na rin ito sa kursong nursing. At tama si Marlou, masarap ngang magluto ang kapatid ko. Bukod sa pangungulila ko sa aking pamilya at mga kaibigan kapag nasa barko ako ay ang luto ni Athena ang isa sa mga namimiss ko. Speaking of… “Tay…” tawag ko sa aking ama pagkatapos kong lunukin ang pagkaing aking nginunguya kanina. “Oh?” ang sabi nito na hindi man lang tumingin sa akin. Nakapako pa rin ang mata nito sa TV. “Kumain ka na ba? Mukhang buong araw ka na namang nanood ng Raffy Tulfo in Action, ah,” wika ko. “Tapos na, anak,” maikling sagot nito. Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. “Ang adik talaga ni Mang Zeus sa serye na yan, boss, ‘no?” komento ng lalaking nasa aking harapan. Nagawa pa nitong magsalita kahit punong-puno ng pagkain ang bibig n’ya. “Adik sa panonood pero ikaw mukhang adik,” biro ko sa kanya. “Boss naman…” “Biro lang pero huwag ka talagang mag-aadik, ha. Kapag nalaman kong kaisa ka doon sa mga adik sa kabilang barangay, hindi na kita kukuning konduktor,” ang banta ko rito habang kumakain pa rin kami. “Naku, boss. Mabait po ako. Ilang taon mo na akong kilala, boss. Mukha lang talaga akong adik pero kay Anita lang talaga ako naadik,” ang sabi ng bungal na malapad na namang nakangiti. Tsaka lumantak ulit ito ng ulam. “Naku… Lumalablayp ka na pala, Marlou?” “Oo naman, boss. Basta mga poging tulad natin… habulin.” “Habulin ng mga aso kamo,” sabad ng bagong dating. Si Isko, ang isa sa mga kababata s***h best friend ko. “Magandang gabi po, tay Zeus,” pumunta ito sa gawi ni Tatay at nagmano. “Magandang gabi rin, Isko. Kumain ka na doon kung hindi ka pa naghahapunan,” ang sabi ng tatay ko dito, na sa TV pa rin nakapako ang paningin. “Kumain na po ako, tay. Susunduin ko lang si Kulas,” wika ni Isko. “Sige. Mag-iingat kayo,” ang s’yang sabi ng aking ama. Pumunta na si Isko sa aming gawi at umupo sa bakanteng upuan na malapit sa akin tsaka bumulong. “Tama nga ang sinabi mo. Nag-aadik din ang tatay mo sa Raffy Tulfo in Action. Erpats at ermats ko rin, eh,” bulong ni Isko. “Hmm… sabi ko naman sa’yo,” ang aking komento tsaka nagpatuloy sa pagkain. Napailing-iling na lamang si Isko. “Oo nga pala, Marl. Narinig kong may date kayo ni Anita pero bakit nandito ka pa at kumakain?” baling ni Isko sa konduktor. “Mamaya pa 'yon, master.” Oo, master ang tawag ni Marlou sa aking kaibigan. Kasambahay kasi nila Isko ang nobya ni Marlou. “Tsaka ang sarap po ng luto ni Athena. Hindi ko po pwedeng palampasin,” dagdag na sabi ng bungal. Hindi na sumagot si Isko pero nagulat ako ng daig pa n’ya si Flash ng makakuha ng plato, kutsara, at tinidor tsaka walang pasabing nagsandok ng kanin at ulam. “Hala, akala ko ba kumain ka na, master?” nagtatakang tanong ni Marlou. “Kumain ka na lang, Marlou. Ang dami mong satsat. Sayang 'yong grasya,” sita ni Isko sa konduktor. Napailing-iling na lang ako sa tinuran ng aking kaibigan. “Okay, master. Ay, boss, ito po pala 'yong susi nung jeep. Maayos ko na pong naiparada,” sabi ni Marlou at inabot sa akin ang susi ng jeep. Inabot ko ito at inilapag sa bakanteng parte ng lamesa na malapit sa akin. “Nagmaneho ka pala ngayon, pre?” tanong ni Isko sa akin. Tumango lang ako. Uminom na ako ng tubig dahil tapos na akong kumain. “Ay naku, ang daming nagkagulong chicks, master. Kung nakita mo lang. Iyong iba ayaw na bumaba sa jeep, eh,” siwalat ni Marlou. “Wala namang bago doon,” sabi ni Isko. “Mabuti na lang pala at hindi rin ako nagmaneho kasi baka maagawan kayo ng pasahero kapag bumyahe ako,” confident na dagdag ni Isko. Nagpapart-time rin si Isko sa pagmamaneho ng jeep minsan. Jeepney driver din kasi ang tatay nitong Barangay Captain ng Barangay Petmalu. “Hindi mangyayari 'yon. Mas pogi naman si Boss Kulas kaysa sa’yo,” wika ni Marlou. “Anong sabi mo?” sita ni Isko dito. “Nagsasabi lang s’ya ng totoo, Isko. Wag ka nang ampalaya d’yan,” sabad ko. Sumimangot si Isko pero tinuloy na lang ang pagkain habang masama pa rin ang tingin kay Marlou. “Pero maiba tayo, boss. Hindi talaga nagbayad 'yong magandang miss kanina sa front seat?” tanong ng konduktor sa akin. “Oo,” maikling sagot ko. “Naku… Mukhang mayaman naman 'yong babae, boss, ah. Sayang naman. Maganda pa naman 'yon. Scammer pala,” wika ni Marlou. “Modus yan. Kunwari maayos ang porma, 'yon pala ay walang pambayad,” komento naman ni Isko. “Mukhang hindi naman. Nagmamadali lang ata 'yong ale kaya nakalimutan 'yong bayad,” ang sabi ko. “Wow! Tama ba ang narinig ko? Pinagtanggol mo 'yong babae? Tipo mo ba, pre?” interesadong tanong ni Isko. “Baliw. Hindi. Alam mo naman ang stand ko tungkol sa mga babae.” Tumayo na ako at naglakad papunta sa aking kwarto. “Maliligo lang ako saglit para makaalis na tayo.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Isko at dumiretso na sa aking kwarto. Magkikita kasi kami ng aking mga kaibigan. D’yan lang naman sa kabilang kalye. And what I said about girls earlier, I am not interested in them. They called me a woman-hater because of that pero I don’t mind. Aside sa kapatid kong si Athena at isa ko pang best friend na si Asunta, I don’t like being associated with other girls. I am not gay either. Okay na ako sa kung anong meron ako ngayon. Kaya I found it absurd noong sinabi ni Isko na tipo ko daw 'yong magandang babae kanina. Yeah, she’s beautiful, gorgeous rather.  But again, I am not interested. I will never be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD