KABANATA 1

1738 Words
 “JRC! JRC!” ang sigaw na narinig ni George na nagpalingon sa kanya. Sigaw iyon ng konduktor ng jeep na nasa hindi kalayuan ng sasakyan niyang flat ang gulong. “Male-late na ako sa meeting,” ang sabi ng babae sa sarili. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa sasakyan at sa jeep habang nakahawak ang isang kamay sa mobile phone na low battery. “Naknang. Bakit ka pa kasi ngayon na-low batt?!” naiinis na litanya niya sa sarili. Nataranta s’ya ng makitang umuusad na ang jeep. Nagdadalawang isip s’yang sumakay sa jeep na 'yon dahil pormadong-pormado s’ya at baka madumihan ang mamahalin niyang damit. What’s more frustrating her ay hindi s’ya nakakita ng kahit ni isang taxi na bumabyahe sa parteng 'yon! “Bahala na,” sabi niya ulit sa sarili. “Para! Sasakay po!” malakas na sigaw niya habang hinahabol ang jeep. Luckily, napansin s’ya ng konduktor na nakasabit sa likod ng jeep. “May sasakay!” sigaw ng konduktor at pinukpok ang bubong ng jeep. Nakahinga ng maluwag si George ng huminto ito. “Doon ka na sa harapan, ganda!” sabi ng konduktor at bumaba pa ito para pagbuksan s’ya ng pinto sa front seat. “Salamat,” ang s’yang nasabi ni George. Ngumiti ang bungal na konduktor. Pagkatapos makaupo ng babae sa harapan ng maayos ay ang konduktor na rin ang nagsara ng pinto. “Welcome, ganda,” sabi ng bungal na konduktor. Magkamukha sila ni Rene Requestas, ang sabi ni George sa sarili habang nakatingin pa rin dito. “Marlou, bumalik ka na dun. Iiwan na kita!” sigaw ng driver na ngayon lamang napansin ng babae. Napatingin s’ya sa gawi ng driver. Naramdaman niyang umandar na ang jeep. Pogi… tsaka wow, macho! litanya ni George sa isipan. Bukod sa napopogian talaga si George sa lalaki ay hindi niya maipaliwanag ang damdaming biglang binuhay ng lalaki sa patay niyang kalooban. What she means sa patay na kalooban ay hindi inaasahan nang babae na in that instant, ang akala niyang patay niyang puso ay biglang nabuhay ng makita niya ang driver. Natulala si George habang pinagmamasdan ng mabuti ang poging driver. Magmula sa mukha nitong pawisan na parang gusto ng punasan ni George gamit ng mamahalin niyang damit. Sa isip ng babae ay hindi niya panghihinayangang ipunas iyon sa pawis ng poging driver. Tapos itinuloy ng babae ang pagmamasid sa driver. Maayos ang naka-crew cut na itim na buhok nito. Matangos na ilong, mahahabang pilantik na mga eyelashes. George thinks na brownish ang mga magagandang mata ng lalaki pero hindi niya masyadong makita iyon from her view kaya she’s assuming muna on what she was seeing right now. Clean shave rin ang lalaki at mukhang maalaga sa mukha dahil makinis ang kayumangging balat nito. And his lips, hindi namalayan ni George na napakagat labi na pala s’ya ng pinagmasdan niya ang labi ng lalaki. She felt at that moment na, the driver’s lips is inviting her lips towards him. Pinaalala ng babae sa sarili ang pagpipigil sa sarili bago pa niya masunggaban ang nagmamanehong lalaki. Itinuloy niya lamang ang pagmamasid sa lalaki at dumako paibaba ang tingin ni George. Pigil na pigil niya ang sariling wag amuyin ang pawisang leeg ng lalaki. Tsaka ang biceps! Mapapa-get get aw ka na lang talaga! hurumentado ni George sa isipan. She is not the kind of person na mabilis ma-attract but there’s something in this man na hindi maipaliwanag ni George kung bakit na-hook s’ya agad dito. Nasa gaanong pag-iisip si George ng marinig niyang tumunog ang kanyang phone. Kinuha ng babae ang phone mula sa bag at natigilang napatitig ng saglit sa screen ng phone niya tsaka ito nagpasyang  sagutin iyon. “Yes, Kuya?” malamig ang tonong sabi ng babae. “I will be there in a few. Yeah, I have no excuse. Okay, by---“ Binabaan na si Geoge ng kausap sa kabilang linya at hindi na ito pinatapos sa kanyang sasabihin. George unknowingly grips her phone tightly. The woman was angry kaya ng tumunog ulit ang phone nito at nakita ang pangalan ng sekretarya sa caller ID, ito ang napagbuntunan ng babae ng kanyang galit. Tuluyan ng nawala sa isipan niya ang kaninang pinagpapantasyahang driver. “Is everything okay there? Wag mong hahayaang makakita sila ng kung anumang ipipintas. Babawasan ko ang sahod mo kapag nagkamali ka,” George said with her back to business tone. “I am near. Yes, I will be there in a few. Make everything spotless and wait --- Dito na lang… Para…” utos ng babae sa jeepney driver. Hindi kumibo ang driver pero sinunod naman ang utos ng babae. Pagtigil na pagtigil ng jeep ay bumaba na ang babae. She was still speaking with her secretary over the phone at sa sobrang absorb na absorb nito sa pagbabanta sa kausap ay hindi niya narinig ang pagtawag ng driver sa kanya. “Miss! Bayad mo!” +++ GEORGE I WAS late in the meeting for five minutes. Natatarantang sinalubong ako ng aking secretary na si Will. He said that everyone was already there in the boardroom and waiting for me. He confidently said that everything was arranged accordingly. Sa lahat naman kasi ng araw na binigay ng Diyos, ngayon pa ako na-late. Tsk. Mapaglarong tadhana. After kong gisahin ng maayos ang secretary ko ay pumasok na ako sa boardroom na may confidence pa rin at hindi nagpadala sa intimidating na tingin ng aking mga kapatid. Kasama na naman pala sila ng tatay ko. There were four of them. My Dad, my two siblings, and my father’s secretary. By the way, I am Georgina “George” Saavedra, twenty-five years old, 5’5” ang height and have wavy long brown hair. I am pretty fit and healthy. And at this age, I can proudly say that I own a famous boutique and jewelry shop with famous and rich clients. I am the CEO and the owner at the same time. We have gathered here today dahil sa meeting na itinakda ng tatay ko. Yes, it was not a meeting that I actually wanted to attend to but I have no choice dahil alam kong pupunta rin ang mga asungot na anak ng aking ama. Hindi ako pwedeng magpatalo sa kanila. And this is my office; I have to really go here, kaya wala rin akong magagawa dahil sila ang sumulong dito. I am illegitimate daughter, by the way. Ang tumawag sa akin kanina sa phone ay ang kapatid ko sa ama at ang panganay sa tatlong magkakapatid na “legit” na pamilya ni Julio Saavedra Sr.. Si Julius Saavedra, who’s five years older than me. Tumawag lang ito kanina para ipamukhang late ako. As if naman hindi ko alam 'yon. He was the quiet and strict type and everyone was intimidated by him pero hindi ako magpapatalo sa kanya. “Sa wakas, dumating na ang prinsesa,” bungad na salita ng isa pang annoying na nilalang sa mundo. It was Julia, ang bunso sa totoong pamilya ng aking ama. She’s a year older than me. “Thank you for waiting, everyone. I am sorry I am late,” sabi ko with my fake smile. I went to my Dad’s side at nagmano rito. “Kumain ka ng mabuti, iha. Nangangayayat ka na,” my Dad said. I just smiled and nod at him tsaka umupo ako sa upuang opposite rito. “Let’s start the meeting, shall we?” Ang panimula ko when I was settled in my seat. Actually, alam ko na ang ipinunta nila rito. Ilang beses na rin kasi akong kinukumbinsi ng tatay ko to merge with their company. My Dad’s business is a local clothing line. Tanyag naman ang clothing line na iyon sa bansa at very established na. Aside from that, may ibang business pa ito na namana n’ya sa rin sa pamilya which is an advertising company. Julius, the eldest son, is the one in-charge of it. While the clothing line is managed by Julia, who is the “only” daughter of the family, she quoted. I am not accepted in the family. Well, naiintindihan ko naman kaya nga hindi ko pinipilit ang sarili ko sa kanila. But my Dad loves me and adores me so much kaya hindi ko kayang mamuhi ng lubos sa mga ito. My Dad’s legal wife was already dead at siguro kung buhay pa rin ito, gaya ng mga anak nito, hindi niya ako matatanggap. Though I worked hard para makamit kung nasaan ako ngayon, I had a little help from my Dad. Siya ang nagpaaral sa akin at tumulong na makatapos sa kursong gusto ko. But when I started my company, I started from scratch at hindi ako humingi ng tulong sa kanya. Kaya kahit grateful ako sa support n’ya sa aking noon sa pag-aaral ko, wala akong obligasyon or utang na loob dito ng binuo ko ang kompanyang ‘to. So, hindi ako obligadong sumunod sa mga gusto n’ya. My Dad knows that pero pilit pa rin n’ya akong kinukumbinsi. I think isang taon n’ya na ring ginagawa ‘to. Pero usually, siya lang ang pumupunta rito. I am not sure kung bakit sumama ang mga kampon n’ya ngayon. The meeting started, as usual, 'yon pa rin ang topic ng tatay ko. I was just smiling the whole time while my other siblings were showing faces of disapproval. And again, I declined my father’s offer. It was really a tempting offer though pero merely thinking na makikita ko lagi ang ibang Saavedra siblings in one space, makes me p**e. If they despised me, I despised them the most. Hindi ako plastic na tao pero minsan you have to be really smart when it comes to business. But nah, kahit na they offered a big position, malaking sweldo, at own team ng tatay ko, hindi ko matatanggap iyon. Siguro maganda ang intensyon ng tatay ko sa offer n’ya pero hindi iyon ang aking plano. I don’t want to take over the company; I want to tear it down. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD