PAUNANG SALITA

457 Words
TINAHAK ng isang babae ang hindi pamilyar na daan sa gitna ng malakas na ulan, akay ang anak na sanggol na kanina pa iyak ng iyak. Kanina pa s’ya naghahanap ng masisilungan at wala s’yang ni kahit na anong makita. Nasa kalagitnaan kasi sila ng kawalan. Hindi rin sigurado ang babae kasi baguhan ito sa lugar. Sobrang dilim ng paligid at walang sasakyan na dumadaan. Wala ring bahay na nakikita ang babae o kahit anong puno na pwedeng masilungan. Wala s’yang makita dahil sobrang dilim na rin dahil gabi na. Sobrang nanghihina na rin s’ya. Bukod sa nanlalamig ito dahil sa pagkabasa sa ulan ay may sugat ito malapit sa tiyan. Saksak iyon na galing sa magnanakaw na kinuha ang kanyang kakarampot na pera at mga gamit. Hindi akalain ng babae na pati sa probinsya ay tataluhin pa s’ya. Pati ang maleta niya na puro damit ng sanggol na anak ay kinuha rin ng walang pusong magnanakaw. Kaya heto sila ngayon at parang basang sisiw sa ulan. Wala ng pakialam ang babae sa kanyang kalagayan. Nararamdaman na nito sa sarili na hindi na rin s’ya magtatagal sa dami ng dugong nawala sa kanya. Ang nasa kanyang isipan na lamang ay kung paano makakahingi ng tulong para sa sanggol na anak at hindi para sa kanya. Lumalakas ang palahaw ng iyak ng sanggol lalo na kung kumikidlat at kumukulog. Lakad lamang ng lakad ang babae at hindi niya na alam ang patutunguhan. Kahit sa isipan niya ay determinado s’yang makahanap ng tulong, parang hindi na rin niya kakayanin dahil sa kasalukuyang kalagayan. Ngunit nabuhayan ng loob ang babae ng makakita ng ilaw sa hindi kalayuan. Lahat ng lakas niyang natitira ay hinugot niya para mabilis na makarating sa bahay na iyon. Iyak ng iyak ang anak nito habang akay niya. Lumuluha na rin ang babae habang sa isipan ay nagdadasal na sana makaabot s’ya sa bahay na iyon. Malapit na ang babae sa gate ng bahay na 'yon ng maramdaman na niya ang kirot sa sugat. Napaluhod ang babae habang umiiyak. “T-tulong…” wika niya pero nalunod lamang ang mga katagang iyon sa malakas na buhos ng ulan at kulog. Nararamdaman na rin ng babae ang pagkamanhid ng kanyang buong katawan. Gustuhin man niyang sumigaw ay wala na s’yang lakas. Marahan na binitawan ng babae ang anak sa lupa tsaka s’ya tumalukbong habang nakaluhod na parang ginawa ang sariling masisilungan ng sanggol. “P-patawad, a-anak. P-patawarin mo si mama,” anas ng babae sa iyak ng iyak na sanggol. Iyon na rin ang huling katagang nasabi niya sa anak at unti-unti na itong nawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD