KULAS “HINDI ka pupunta sa office ngayon?” tanong ko kay George. Kumakain na kami ng totoong breakfast. Lumamig na ‘yong unang niluto niya kaya nagpasya na kaming bumaba at dito na lamang sa kusina kumain. “Bakit? Ayaw mo na akong makasama?” kunwari ay nagtatampong tanong nito. Sinubuan ko ito ng pagkain na malugod namang tinanggap ng bibig niya. She is so cute. Ang sarap niya ulit kainin. Ah, eh... “Gusto, siyempre. Sobrang na-miss nga kita, eh,” malambing na sabi ko. Nabulunan si George bigla. Maagap ko namang nabigyan ito ng isang basong tubig. “Careful, baby,” sabi ko at hinagod ang likod nito habang umiinom siya ng tubig. “Kulas naman, eh…” atungal nito nang matapos itong uminom. Kinuha ko ang baso sa kanya at ipinatong sa lamesa. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. “Bakit?

