Malalaking patak ng mga ulan ang unti-unting tumatama sa katawan ni Andrea hahang walang patid ang kanyang pagtakbo sa malawak at madilim na kabukiran ng San Jose.
Maya't-maya ang ginagawa niyang paglingon sa kanyang likuran kung saan nakikita niyang mabibilis ang hakbang ng mga paa ng isang lalaking alam niyang siya ang hinahabol. Halos manhid na ang paa niya sa bilis ng kanyang pagtakbo huwag lamang maabutan ng lalaking ilang metro na lamang ang layo sa kanya.
Isang malakas na kidlat ang nagpahiyaw sa kanya dahilan ito kung bakit mabilis siyang nahawakan sa braso ng lalaking kanina pa siya hinahabol. Walang kakurap-kurap na nanglaki ang mga mata ni Andrea ng matitigan niya ang mga mata ng lalaking kaharap niya ng mga oras na iyon. Malalalim ang mga mata nitong nanglilisik na para bang isang leon na handang lapain ang kanyang nahuling makakain.
Mabilis niyang binawi ang kanyang isang braso at nagtangka siyang tumakas mula dito ngunit sadya itong malakas at tila may nakadikit na bakal sa kanyang braso na dahilan kung bakit takot na takot siyang nghihiyaw habang ngpupumiglas.
Mula sa ilang hakbang na pagkaka-kaladkad sa kanya ng lalaki ay may nakakasilaw na ilaw ang suminag sa kanila sa di kalayuan.
Biglang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki at mabilis na lumabas sa isang magarang sasakyan ang isang naka unipormeng lalaki na kung di siya nagkakamali ay ang driver ng kotse. Lalong nanglaki ang mata niya ng maglabas ng isang baril ang unipormadong lalaki at itinutok ito sa kasama niya ng mga sandaling iyon.
“Bitiwan mo ang babaeng iyan kung ayaw mong iputok ko sa iyo ang baril na hawak ko!” matigas na saad nito sa lalaking nakahawak pa rin sa kanyang braso at halatang natakot din ng makita ang baril nanakatutok dito.
Wang anu-ano ay binitawan siya ng lalake isang segundo ang nakalipas. At dahilan iyon upang bahagyang humina ang kanina lang ay walang patid na t***k ng puso niya. At ng tuluyan ng mawala sa paningin nila ang masamang lalaki ay walang anu-anong nabuwal siya sa gitna ng daan at hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.
Mahihinang katok mula sa pinto ang gumising kay Andrea. Bigla at mabilis ang pagtayo niya mula sa higaan kasabay ng pagluwa ng isang lalake at babae sa pinto ng kuwartong kanyang kinaroroonan.
Bata pa ang mga ito at base sa kanyang nakikita ay halos kasing edad lamang ng kanyang pumanaw na mga magulang ang dalawang taong nasa harapan niya.
“Are you okay?” Tanong agad sa kanya ng babae na kasama ng lalakeng nasa kanyang tabi.
“A-ayos lang po ako.” Medyo garalgal ang boses niya ng sagutin ang ginang.
“Kilala mo ba ang lalakeng kasama mo kagabi na kinakaladkad ka habang nasa gitna kayo ng malakas na ulan? “sunod na tanong ng lalake sa kanya.
Isang matipid na iling lamang ang isinagot niya sa tanong ng lalake at bigla ay bumalon ang mga hula sa kanyang mga mata.
“Huwag ka nang umiyak.” Tinabihan siya ng babae sa isang gilid ng kama na kinauupuan niya.
“Magpahinga ka muna kung gusto mo at di ka namin pipilitin na magkuwento ng kung ano ang nangyari sayo kagabi.” Dugtong pa nito sa kanya.
Parang isang boses ng ina ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon lalo na ng yapusin nito ang buhok niya na para bang isang nanay na pinapakalma ang kanyang anak mula sa pagkakaiyak.
Biglang naputol ang kanilang pag -uusap dahil sa isang katok mula sa pinto kung saan nagmula ang dalawang taong kausap niya ngayon.
“ Sir, heto na po ang pinahahanda ninyong damit. Saan ko po kaya ito maaaring ilagay?” Ang tinutukoy nito ay ang ilang pirasong damit na dala dala nito.
“Pakibaba mo nalang sa kama ang mga dala mong damit, Yaya Rosing.” Utos ng lalake sa babaeng may hawak na mga damit.
Mabilis namang kumilos ang babae at inilapag nito ang mga dalang damit sa kanyang paanan at saka siya nito sinulyapan pagkatapos bago tuluyang umalis ng silid.
“Heto ang mga damit na maaari mong gamitin pamalit sa suot mo ngayon.” saad sa kanya ng babaeng katabi pa rin niya hanggang sa mga sandaling iyon.
Dahilan iyon kung bakit saglit silang nagkatitigan ng babaeng kausap. Nakangiti ito sa kanya na para bang isang anghel. At wala siyang ibang naisip na gawin kung hindi suklian ang maamo nitong ngiti ng mga oras na'yun. Nang maramdaman ng dalawang kasama niya sa kuwarto na oras na upang kumain ay binilinan siya ng mga ito na pagkapaligo ay bumaba na upang makakain na rin siya ng umagahan.
Hindi na rin nagpumilit ang mga ito na magtanong pa tungkol sa kung sino ang taong humahabol sa kanya kagabi na ipinagpasalamat naman niya. Hindi na niya gusto pang maalala ang nakakatakot na pangyayari sa kanya ng gabing iyon.
Lalo na at ang nangyari iyon dahil sa paglayas niya sa bahay ng kanyang tiyahin. Wala na rin siyang mga magulang at kapatid kaya ito na halos ang nagpalaki sa kanya. At sa kalagayan niya ngayon, masasabi niyang tama ang ginawa niyang pag-alis sa poder ng masama niyang tiyahin.