Chapter 2

976 Words
    Namangha si Andrea sa kuwartong kanyang kinaroroonan ng mga sandaling iyon. Malaki ito na halos triple sa kuwartong kinalakihan niya. At pagbungad niya sa banyo ay lalo siyang nagulat sa ganda ng itsura nito. Kumpleto ang lahat ng kanyang kailangan sa paliligo mula sa tuwalya at mga sabon. Maging ang shower nito ay masaya niyang ginamit.     Marahang isinara ni Andrea ng pinto ng kuwartong kanyang pinanggalingan. At ng lingunin niya ang kanyang lalakaran ay muli naman siayng namangha dahil sa laki ng mga kuwartong kanyang nadaraanan ng mga sandaling iyon. Halos wala siyang ginawa kundi ang titigan ang mga bagay na nakikita niya pababa sa isang magarang hangdan na gawa sa isang makintab na bato.      Walang ibang maisip si Andrea ng mga oras na iyon kung hindi…anong klaseng pamilya kaya ang nakakupkop sa kanya ng gabing iyon? Napaka yaman siguro ng mga ito! Lahat ng bagay na nakikita niya ay halos mamahalin at hindi niya maisip kung gaano ito kamamahal.     Nang marating ni Andrea ang dulong hagdan sa ibaba, ay nag-iintay naman sa kanya ang isang babae na nakasuot ng katulad na uniporme ng babaeng naghatid sa kanya ng mga damit kanina lamang.     “Sumunod ka sa akin nag-iintay na sila madam at sir sa hapag kainan.” Bungad nito sa kanya.     At mabilis siyang sumunod sa babae hanggang marating nila ang isang malawak na dining area ng bahay.       Bumungad kay Andrea ang mahabang lamesa kung saan nakaupo ang dalawang tao na una niyang nakita kanina lamang. Sa kanang bahagi ng lamesa kung saan nakaupo ang babaeng nakausap niya ay may katabi itong isang binatilyo na kung di siya ngkakamali ay wala pang kinse anyos. At sa kabilang panig ng lamesa naman ay tatlong mga binatilyo ang mgakakasunod na nakaupo at halos hindi nag iiba ang mga edad at itsura ng mga ito at sa palagay niya ay kasing edad lamang niya ang dalawa dito samantalang ang isa ay kasing edad ng lalakeng katabi ng ginang na kausap niya kanina.     “Have a seat.” Itinuro ng lalakeng nasa pinaka gitnang upuan sa unahan ang mga bakanteng upuan na maari niyang upuan.     Kasunod ng pag upo  ni Andrea ay mabilis siyang hinainan ng plato at pinagsilbihan ng mga katulong na nasa gilid ng dining area.     Naging parang isang piping lugar ang kinaroroonan nila Andrea ng mag simula silang kumain at ni isang salita mula sa mga kasama niyang kumakain ay wala man lang siyang marinig. At muntik pa siyang mapatayo sa kinauupuan niya ng bigla ay may isang boses na nangibabaw sa lugar na iyon.     “Dad, I need to go.” Maikling paalam ng isang binatang sa kanyang ama.     “Hindi mo man lang ba tatapusin ang pagkaen mo?” May himig ng pagtatampo ang boses nito.     “May aayusin lang ako sa university, dad.” Matipid nitong sagot kay Don Agusto.     Isang maluwang na ngiti ang isinukli ng ama sa kanyang anak at tuluyan na itong umalis pagkahalik sa pisngi sa kanyang ina.     At nagpatuloy ang pagkaen nila hanggang sa matapos silang lahat ay nag kanya kanya ng tungo sa ibat ibang bahagi ng tahanan ang mga kasama niyang kumakain at ang tanging naiwan na lamang ay siya at ang babaeng nakausap niya kinana lamang.         “I want to apologize, iha. Di man lang namin ikaw napakilala ng maayos sa mga anak namin kanina. Masyado kasing occupied ang mga batang iyon sa maraming gawain.You know what I mean.” Mahabang paliwanag nito sa kanya.     “Okay lang po. At saka...aalis na din po ako mamaya.” Saad ni Andrea sa kausap.     Pagkatapos itong sambitin ng dalaga ay biglang nag iba ang timpla ng mukha ng babaeng kausap ni Andrea at kitang kita ito ng kanyang dalawang mga mata.     “Talaga bang kailangan mo nang umalis? May pupuntahan ka ba kung sakaling aalis kana ngayon?Sunod sunod na tanong ng babae kay Andrea.     Parang isang kidlat na tumama sa dalaga ang mga tanong na ibinato sa kanya ng kausap.     Saan nga ba siya pupunta kung sakaling aalis na siya sa bahay na iyon? Wala na siyang babalikang bahay dahil pinalayas na siya ng kanyang ng iisang tiyahin pagkatapos nitong maniwala sa anak nito na wala siyang ginagawa kundi ang makipagligawan sa mga lalake imbis na mag aral siyang mabuti kagaya ng gusto nito.     Ano na ang mangyayari sa kanya pag alis niya sa bahay na ito? Paano kung makita uli siya ng lalakeng humabol sa kanya kagabi?At pagtankaan siya ng masama naman nito? Bigla ay kaba ang namutawi kay Andrea sa mga isiping iyon at nangiwi na lamang siya habang bahagyang sinulyapan ang babaeng kausap niya ng mga oras na iyon.     “See…wala kang masabing lugar kung saan ka tutuloy kung papayagan kitang umalis dito, right? Baka mapahamak ka naman kung aalis ka sa poder namin na walang kasiguruhan kung saan ka mapapadpad.” Paliwanag ng ginang kay Andrea.     “Kahit gustuhin ko naman po na manatili dito, hindi po maari. Ano na lang po ang sasabihin ng mga pamilya o kasama ninyo dito sa bahay? Hindi nyo naman po ako kamag-anak para kupkupin.” Mabilis na nangilid ang mga luha sa mata ni Andrea pagkatapos nitong masambit ang mga katagang iyon sa ginang na kausap.     “It’s okay. My husband told me that you can stay in our house as long as you want. At kung makakahanap kana ng matutuluyan mo at gusto muna talagang umalis dito, hindi ka namin pipigilan.” Hinawakan ng ginang ang isang kamay niya at saka pinisil ng magaan na para bang nakikiusap na huwag na siyang umalis sa bahay na iyon.          Doon na tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pa pinipigil ni Andrea na ilabas. Sa pangalawang pagkakataon naramdaman niya na may mga nagmamalasakit sa kanya katulad ng kanyang yumaong ina. At kahit pala puro hindi magagandang bagay ang mga pinag dadaan niya ay puwede pa rin palang magkaroon ng masayang bahagi ang kanyang buhay. Naisaloob na lang ni Andrea at masayang masaya siya habang kausap ang ginang na ngayon ay naka gaanang loob na niya kahit saglit na oras pa lamang niya itong kausap.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD