Chapter 3

1300 Words
        “Ang suwerte mo day…” Tapik ng isang katulong sa braso ni Andrea na ikinagulat naman ng dalaga.         “Ako? Bakit ako naging masuwerte?” Takang tanong ni Andrea dito kaharap ang iba pang mga katulong sa malaking bahay na kinaroroonan niya.            “Ay luka, hindi mo alam kung bakit? Alam mo bang walang anak na babae ang mga amo namin? Nakita mo ba yung mga guwapong lalake na kasama nilang kumaen kanina?” Tanong nito sa kanya.         Isang maikling tango ang sagot ni Andrea sa kausap sabay lagok sa isang baso ng tubig na hawak hawak.         “Yung apat na mga lalake na iyon, anak lahat iyon ni sir at madam. At ang suwerte mo kasi ay nakagaanan ka agad ng loob ng amo naming babae. Isipin mo yon, pinatira ka nila dito agad-agad?” Di makapaniwalang pahayag ng kausap ni Andrea.         “Aalis din naman ako dito kapag nakahanap na ako ng matutuluyan.” Medyo nahihiyang pagtatanggol ni Andrea sa sarili.         “Ano ka ba! Hindi ka naman namin pinaaalis ah. Ang sabi ko nga sa iyo ang suwerte mo kasi ay sila ang tumulong sa iyo at pinatira ka pa nila dito.”         “Oo nga naman.” Segunda ng isang katulong na halos kaidaran lang niya.         “Alam mo kasi dahil siguro sa walang anak na babae sila madam kaya parang malapit siya sa mga babaeng kasing edad ng mga anak niya.” Paliwanag nito sa kanya.         “Kaya ikaw, mag pakabait ka dito malay mo hindi ka na nila paalisin at hayaan ka na nila na dito tumira katulad ni Lady.” Itinuro nito ang kasing edad niyang babae na nakasuot din ng unipormeng pang kasambahay.         “Oo naman. Wala naman po akong gagawin na hindi maganda lalo na at nakikitira lng ako dito.” Paniniguro ni Andrea sa mga kausap.         Sa mahigit isang oras na pakikipag kuwentuhan ni Andrea sa mga katulong ng bahay na tinuluyan niya, may mga nalaman siyang ilang mga bagay tungkol sa pamilya na tumulong sa kanya.         Mayaman pala talaga ang mag asawang tumulong sa kanya base sa kuwento ng mga ito sa kanya.         Mayroon mga negosyo mag-asawang Alcantara dito sa bansa  pati sa abroad. At hindi na nga daw mabilang ni ate Lanie kung Ilang beses umaalis ang mag-asawang iyon para pumunta ng ibang bansa para ayusin lang ang kanilang mga negosyo doon.Tapos yung mga anak daw ng mga ito ay independent, kahit wala silang mama at papa sa loob ng isang lingo hindi naman sila nag-aaway o ano pa man. May pagmamalaking kuwento sa kanya ni Lanie.         At lahat naman daw ng mayroon ang mag-asawang Alcantara ngayon ay dahil pinagpaguran nila ang mga iyon. Mabait daw talaga ang mag-asawang iyon lalo na sa katulad niya. Kaya lang yung dalawang anak daw na kambal ng mga ito ay medyo hindi kasundo na mga tagapagsilbi sa mansyon. Malayo daw ang loob ng mga talapagsilbi sa dalawang anak nila na kambal na sina Justine at Jake.               Pero yung panganay daw na anak nila na sina seniorito Dylan at pangalawa si seniorito Alex, mababait daw ang mga ito. At tanging ang mga ito lamang ang kasundo nila sa mga anak ng mga-asawang Alcantara.         Bigla ay naisip ni Andrea na saglit ay napagmasdan niya ang mga lalakeng anak ng mag-asawa at nakita niya na ang dalawang lalake ay halos mag magkamukhang magkamukha nga pero hindi sila identical twins ayon kay ate Lanie.            At binilinan pa siya nito na kung gusto niyang matahimik ang pananatili niya sa masyonay ay huwag na huwag daw siyang lalapit sa dalawang seniorito na kambal. Dumistansiya na lang daw siya, payo nito sa kanya.             Lumipas ang  mga araw at tila ba isang estranghero pa din si Andrea sa mga anak ng  mag-asawang tumulong sa kanya. Lubos ang pasasalamat niya at napakabait ng mga ito sa kanya. At noong isang araw nga ay kinausap siya ng masinsinan ng mga ito at ikinagulat niya ang sinabi ng mag asawa sa kanya.         “Andrea,” sambit ng Ginoo sa kanya.         “Sir, bakit po?” Takang tanong niya ditto.         “Nag-usap kami na mag asawa tungkol sa anong puwedeng mangyari sa iyo habang nasa poder ka namin.” Pagpaaptuloy nito.         “Gusto ka sana naming ampunin na mag asawa.” Saad ng ginang sa kanya.         “Po?” Hindi makapaniwalang tanong ni Andrea sa dalawang kausap niya.         “You heard me right. Andrea, gusto ka sana naming ampunin para maging anak na babae namin.”         Isang maikling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang tatlo at hindi agad nakasagot si Andrea sa dalawang kausap niya dahil na din sa kabiglaan.Pero sa huli ay naisip pa rin ni Andrea ang tamang dapat na gawin.              “Sir, ma’am…patawarin nyo po ako kung hindi ko po kayo mapag bibigyan sa gusto ninyo kahit na malaki ang utang na loob ko s inyo.”Paliwanag ni Andrea. “ Mayroon po kayong mga anak at ayoko po na ano ang isipin nila sa akin kung sakaling tanggapin ko ang inooffer ninyo.”         Nawala ang kanina lang ay pagkasabik ng mga ito ng marinig ang kanyang desisyon. Pero nakita rin niya ang pag ngiti ng mga ito pagkatapos niyang magsalita.           “Naiintindihan ka namin Andrea. Pero sana kahit na hindi mo tanggapin ang inooffer namin sa iyo sana man lang kahit na dito ka na lang tumira at pag-aaralin ka na lang namin para kahit papaano ay makatulong kami sa iyo iha.” Suhestiyon ni don Agusto at hinawakan pa ang balikat niya.          Ibig humagulgol ni Andrea ng mga oras na iyon at yakapin ang dalawang taong nasa kanyang harapan. Ano ang ginawa niya sa mga ito upang itrato siya nito ng ganito kabuti? Wala siyang ibang ginusto kung hindi ang makatapos ng pag aaral at hindi siya makapaniwala na mayroong maaaring tumulong sa kanya sa katauhan ng dalawang mabubuting tao na kumupkop sa kanya.         Halos manlabo ang mga paningin ni Andrea sa mga luhang dumaloy sa kanyang mga mata at kitang kita ng dalawang kausap niya ang kanyang kaligayahan ng mga oras na iyon at hindi na siya ng isip pa at nilapitan at niyakap niya ang mag asawa at saka nagpasalamat ng buo dahil sa kabutihan ng mga ito.         At ng matapos na ang kanilang pag uusap ay binilinan siya ng mag asawa na kung ano man ang maririnig at sabihin ng mga anak nila ay huwag na lang pansinin at mahigpit na daw nilang binilinan ang mga ito tungkol sa gusto nilang mangyari sa kanya.         “Andrea! Ano kaba! Bakit di ka pumayag na ampunin nila madam at sir? Pagkakataon muna iyon ano ka ba!” Mayroong panghiihinayang na saad ni Lanie sa kanya na siyang punong mayordoma ng bahay.         “Ate Lanie, nakakahiya naman kasi kung tatanggpain ko ang gusto nilang mangyari. Paano yung mga anak nila? Baka mamaya magalit pa sa akin ang mga iyon at nakikisawsaw pa eka ako sa pamilya nila.” Pagpapaliwanag niya sa mga ito.         “Sabagay, baka nga maging problema mo pa iyon kung sakali, di ba? Saka pag aaralin ka naman daw pala nila eh, okay na yun.Eto nga si Lady pinag aaral din dati habang nagtratrabaho kaya lang ay walang tiyaga ang isa na ito.” May panghihinayang ang tinig nito sabay sulyap sa dalagang seryosong ngpupunas ng mga plato.         “Ate Lanie naman, alam mo na mahina ang aking ulo sa mga pinag-aaralan sa eskwelahan. Kaya gustuhin ko man na mag-aral katulad ni Andrea, baka sa huli ay hindi ko rin matapos ang aking pag-aaral at mahihiya lang akong humarap sa kanila.”         “Yan nga ang problema nating mga kasambahay, mahihina ang loob.Kaya iilan lang sa mga kabaro natin ang sumusubok na umiba ng landas.” Paliwanag ng isa pang katulong na parang may malalim na pinag huhugutan sa bawat sinasabi nito.         “ Oh siya tama na iyan at baka magkaiyakan naman tayo nito ha, hindi naman tayo nanunuod ng mga Korean drama.” Pagpuputol ni Lanie sa kuwentuhan nilla.         Bahagya ay nakaramdam ng saya si Andrea dahil sa mga napag-usapan nila ng mga kasaman niya lalo na at puro biruan ang mga ito na para bang walang mga iniintinding mga sari-sariling problema sa buhay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD