Chapter 5

1423 Words
CHAPTER 5             Hindi agad nagtrabaho si Andrea pagkatapos niyang makatapos sa kolehiyo. Sinabihan siya ni Don Agusto na may iooffer daw itong trabaho sa kanya sa kompanya nito mayroon lang daw itong kailangan ayusin sa mga negosyo nito bago siya tuluyang makapagtrabaho. Kaya pinagkasya na lang muna ni Andrea ang sarili na tumulong sa mansyon habang iniintay niya ang go signal ni Don Agusto na maaari na siyang magtrabaho sa company nito.             Ngayon araw ang schedule ng pamamalengke nila para sa mga pagkain sa mansyon. Kaya ngprisinta na siya na sumama kay Lanie para mamili.                Masaya silang nagkukuwentuhan ni Lanie habang nasa biyahe. Nag tricycle na lang sila at hindi na nagpahatid sa driver sa mansyon upang mas lalo silang makapagkuwentuhan ng maayos, ayon kay ate Lanie niya. Pero sa pag-uwe nila ay magpapasundo na sila sa isa sa mga driver na nasa mansyon kasi ay medyo mahirap daw magbibit ng mga pinamili at mainit pa mag commute.             Pagdating nila sa palengke ay agad na binuksan ni Lanie ang bag niya para tingnan ang mga kailangan nilang bilhin.             “Andrea, ako na lang ang mamimili dito tapos ikaw na lang sa grocery. Hindi ba alam mo naman yung grocery na binibilhan natin ng mga ibang kailangan sa kusina? Heto ang listahan ng kailangan mong bilhin. Ibinigay nito ang kapirasong papel pati ang perang nakalaan na pambili dito. “Mas mainam kasi kung ikaw na ang bibili ng mga yan para agad tayong makatapos sa pamimili. Baka hanapin pa tayo ng mga amo natin sa mansyon pag di tayo nakabalik agad.”             May punto naman si ate Lanie sa gusto nitong mangyari kaya tumango na lang ako pagkatapos kong ilagay sa sling bag na dala ko ang pera at listahan na inabot niya sa akin.           “Oh, paano magtext ka na lang sa akin kapag tapos kana mamili para mapapunta ko na si manong Jerry.” Ang tinutukoy nito ay ang isa sa mga driver sa mansyon na matagal na ding naninilbihan sa mga Alcantara.               “Okay, ako na ang bahala dito ate Lanie, magtext na lang ako sayo mamaya.” At buhat sa palengke ay naglakad pa uli ng kaunti si Andrea bago niya nakita ang isang grocery sa tabi ng highway na sinabi ni Lanie sa kanya.Buti na lang at naisipan niyang magdala ng payong bago umalis para maging mapanggalang niya sa init ng araw.           Agad na kumuha si Andrea ng isang blue cart sa bungad ng grocery at nagsimula na siyang maghanap sa mga nakalistang dapat niyang bilhen. Abala siya sa kakatingin sa mga products na nasa estante ng bigla ay may bumungo sa dala niyang push cart.         “Oh, I’m sorry miss…” Agad ay hingi ng paumanhin ng lalakeng nakabungo sa kanya.Laking gulat naman niya ng mapagtanto kung sino ang lalakeng iyon.         “Nathan?” hindi makapaniwalang tanong ni Andrea sa kaharap.” Ikaw nga!” At isang malakas na tawa ang narinig niyang isinagot sa kanya ng binata.          “Andrea Lopez?” Halata na hindi rin ito makapaniwala na nasa harapan siya nito.            “Oo…ako nga!” Nakangiti niyang sagot dito. Si Nathan ay isa sa mga highschool friend niya at ito ang masasabi niyang pinaka close niya sa mga naging kaklase niyang lalake. Mabait kasi ito at palagi siya nitong tinutulungan kapag may problema siya lalo na at alam nito ang naging sitwasyon niya sa bahay ng kaniyang tiyahin.           “Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah,” agad ay bungad na tanong  nito sa kanya.                       “Heto, ayos naman. Nga pala, pasensya ka na, di man lang ako nakapagpaalam sa iyo bago ako umalis sa bahay ng mga tiyahin ko dati.” At bigla ay naalala niya ang hirap na pinagdaan niya sa kamay ng kanyang tiyahin.             “Okay lang yun, ang mahalaga ay naging maayos ang buhay mo noong umalis ka sa mala impiyernong bahay ng tita mo na’yun.” Hinawakan pa siya nito sa isa niyang braso na parang pinapakalma siya sa pagbabalik ng mga alaala niya mahigit limang taon na rin ang nakakalipas.             Pinagmasdan niya ang kabuuan ni Nathan, pogi pa rin ito katulad dati. Oh, mas tama na sabihin niyang mas lalo itong naging guwapo dahil bahagya itong tumaba hindi katulad dati na patpatin ang itsura nito. Naging maskulado din ang katawan nito at nandon pa rin ang makinis nitong mga balat kahit na moreno ang dating.             “Andrea, pagkatapos nating mamili ay baka pwede tayong magmiryenda? Meron kasing malapit na snackhouse dyan sa tabi.” Sabay turo nito sa labas ng grocery. Tutal at matagal naman silang hindi nagkita kaya tama naman siguro na pagbigyan niya ito sa paanyaya nitong miryenda. Para na rin makapagkuwentuhan sila sa mga nangyari sa kanila sa loob ng limang taon.                      At mabilis siyang sumangayon dito. “Okay sige, pero tapusin muna natin ang pamimili natin at baka gabihin tayo dito.” Hindi naman niya tangkang patawanin si Nathan mula sa pagkakasabi niya ng mga katagang iyon, pero kita niya ang pagngiti nito pagkatapos niyang magsalita.             “Hindi ka pa rin nagbabago Andrea…” At isang mahiwagang titig ang ibinigay nito sa kanya.Hindi alam ni Andrea pero parang may nagbago na sa kaibigan niyang ito. Napailing na lang siya ng ngsimula na itong maglakad habang titig na titig pa rin ito sa kanya.             Manaka-naka ay  napag-uusapan nila ang mga bagay na nangyari sa kanila noong highschool pa sila at bigla na lang ay sasambulat ang mga tawanan nilang dalawa habang unti-unti ay natapos na nilang makuha ang dapat nilang bilhin sa grocery store na iyon.             Nagprisinta pa si Nathan na ito na raw nag magbabayad ng mga pinamili niya pero ipinaliwanag niya na mayroong perang nakalaan na pambili para sa mga pinamili niya. Naikuwento na rin niya rito ng pahapyaw kung saan siya nakatira ngayon at kung bakit siya napadpad sa grocery na iyon.             Paglabas nila ang pinto ng grocery ay agad na naghanap sila ng makakainan kagaya ng una nitong suhestiyon sa kanya kanina. At hindi nga kalayuan sa grocery ay may nakita silang tabi-tabing mga milktea shop sa paligid ng highway. Pumasok sila sa isa sa mga iyon.             Napuno ng tawanan ang naging kuwentuhan nila ni Nathan na umabot din siguro ng kulang isang oras. At muntik pa niyang makalimutang itext si ate Lanie niya buti na lang at napatingin siya sa isa sa wall clock na nakasabit sa shop na pinasukan nila.             At agad namang nagreply si Lanie at binilinan siya nitong huwag ng umalis sa shop na iyon at alam naman daw nito ang shop na iyon. Dadaanan na lang daw siya ng kotse mula sa mansyon pag nasa bayan na ito.             Hindi agad napansin nila Andrea ang isang pares ng mga matang nakatunghay na pala sa kanila ni Nathan simula noong pumasok ang dalawa sa shop na kinainan ng mga ito. Ang mga titig na iyon ay may halong dilim at nagpupuyos ang damdamin ng taong ito na halatang hindi makapaniwala na makikita nito si Andrea ng mga oras na iyon at may kasama pa itong lalaki!             Sa loob ng limang taon na magkakilala sila si Andrea ay wala siyang nabalitaang naging boyfriend nito at maging nangligaw dito. Kaya hindi makapaniwala si Dylan na mayroon ngayong kasamang lalaki si Andrea sa shop na iyon. Gusto niya sana itong lapitan at komprontahin pero wala siyang lakas ng loob lalo na at wala naman siyang karapatan dito.             Halatang masaya ito habang nakikipag kuwentuhan sa lalake na kausap nito. At gustuhin man niyang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito ay hindi naman niya madinig dahil medyo nakatago ang puwesto niya at mayroong mga pader na nakaharang na gawa sa kahoy ang shop na iyon.             Naisipan niyang dumaan sa shop na iyon pagkatapos niyang magpunta sa opisina nila sa bayan gaya ng utos ng Daddy niya para tingnan ang ilan sa mga bagay tungkol sa negosyo nila.             Nakita niyang palabas ng shop si Andrea matapos huminto ang isa sa mga kotse nila sa mansyon at kitang-kita niya kung papaanong masayang-masaya si Andrea habang naglalakad ito kasama ang lalakeng kausap nito kanina lamang.             Nagpuyos ang damdamin niya at kulang na lang ay sugurin niya ito at kunin ang mga kamay ni Andrea para siya na lang ang makasama nito sa pag-uwe. Pero lahat ng binalak niya ay nawala ng bigla ay maisip niyang wala siyang karapatan para gawin iyon. At mula sa pagkakahawak niya sa disposable na plastic na baso ay niluot niya ito at pagdaka ay tumayo at umalis na sa shop na iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD