Masayang masaya si Andrea sa pagkikita nila ni Nathan. Namiss niya ng todo ang kaibigan niyang iyon at parang kulang ang oras nila kanina para mapagkuwentuhan ang mga nangyari sa kanila ng maghiwalay ang landas nila five years ago. Hindi rin nito nakalimutang kunin ang cellphone number niya bago sila tuluyang maghiwalay kanina para daw may contact ito sa kanya just in case na maisipan uli nilang magmiryenda at ituloy ang kuwentuhan nila. Nalaman din niya na isa na pala itong manager sa isang sikat na fast food chain sa bayan. At nagkataon na day off nito kaya naisipan nitong mamili. At sa kasuwertuhan nga ay nagkita sila sa grocery na pinamilhan nila. Umiinom siya ng tubig ng sa kusina ng maabutan siya ni Dylan na mukhang seryoso ang mu

