IBA kaysa sa halik na pinagsaluhan nila ni Ace sa sinehan ang halik na pinagsasaluhan nila ngayon. Mas mainit, mas mariin at mas malalim. Nalalasahan ni Louisa ang alak na ininom nito sa labi niya. Para siyang nanghihina at walang magawa kundi tugunin ang bawat paghalik nito sa kaniya. Halos mapupugto na ang hininga niya nang dumausdos paibaba ang labi ni Ace sa kaniyang leeg. Umawang ang labi niya nang marahan nitong kagatin ang balat niya— saka marahang sinipsip. Gumuhit ang dagsang kiliti patungo sa pagitan ng mga hita ni Louisa. Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng ungol sa lalamunan niya. At dahil sa nagugustuhang sensasyong dulot niyon— tumingala siya upang bigyan si Ace ng access sa kaniyang leeg. "Ace..." "Isay..." usal ni Ace na dumausdos pa pababa. Kinalas nito ang

