bc

The Ugly Maid’s Revenge

book_age18+
6.0K
FOLLOW
53.3K
READ
one-night stand
HE
dominant
boss
bxg
lighthearted
campus
assistant
like
intro-logo
Blurb

Tigyawat na tinubuan ng mukha, kulot salot at kung ano-anu pang tawag ang nakasanayan na ni Louisa ang ibinabansag sa kaniya. Lumaki siyang salat sa buhay kaya naman salat rin sa itsura.

Bumawi na lang si Louisa sa magagandang katangian. Matiyaga, masipag at mapagmahal na anak sa pamilya na naging dahilan bakit lumuwas siya ng Maynila at namasukan bilang maid/yaya sa isang mayamang pamilya.

All is well until Ace Lorenzo Ocampo, came to picture. Ang basketball player, hottie at numero unong laiterong anak ng amo niya.

Kung anong kinagwapo nito ay siyang kinapanget ng ugali! Inis na sumumpa tuloy si Isay habang nanunulis ang nguso't masama ang tingin na ipinupukol kay Ace.

"Oras na gumanda ako, humanda ka sa akin. Luluhod at hahabulin mo ang mukhang 'to!"

And with the help of her new found friends, the once so called ugly duckling turned into a beautiful swan...

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Namamanghang umiikot ang tingin ni Louisa habang magbagal na naglalakad sa gilid ng daan. Hindi niya mapigilang tingalain ang nagtataasang mga gusali at establisyemento. Noon napapanood lang niya sa TV at naririnig sa kwento ng mga kapitbahay nila ang Maynila! Pero ngayon nandito na siya. Ito ang unang beses na lumawas ng kamaynilaan si Louisa. Lumaki siya sa probinsya ng Tejeros sa Bayan ng San Ignacio. Malaking parte ng lupain ay pag-aari ng mayayamang angkan kung kaya hindi pa gaanong progresibo at sibilisado ang lugar nila. Karaniwang ekta-ektaryang lupain, bulubundukin at taniman ang makikita. Koprahan ng niyog ang pangunahing kabuhayan sa bayan nila kung saan naaksidente ang Ama ni Louisa at naospital. Maliit lang ang kinikita ng mga magulang niya at pawang may sariling pamilya na ang nakatatandang mga kapatid kaya inako na niya ang responsibilid sa pagtulong sa pamilya. Sinubukan ni Louisa na mag-apply bilang isang Sales Lady sa kalapit na bayan ng Santa Monica, para mabayaran ang mga inutangan noong ma-ospital ang ama. Ngunit sa kasamaang palad hindi siya matanggap-tanggap sa trabaho. Bukod kasi sa high school graduate lang ay kinulang din siya sa height at lalo na sa ganda! Naisipan na lang ni Louisa na sumama sa tiyahing kusinera upang makipagsapalaran at mamasukan rin sa amo nitong naghahanap ng kasambahay. "Hoy, Isay! Anong nginingiti mo riyan mag-isa! Bilis-bilisan mo ang kilos dahil mahaba ang pila sa terminal! Itong batang 'to! Aba, hindi ka pumunta rito sa Maynila para mamasyal at magliwaliw!" Pasigaw na pukaw sa atensyon niya ng tiyahing si Bebang. Natatauhang binalingan naman ni ito ni Louisa saka napapakamot sa ulong nilakihan ang hakbang pasunod dito. "Aba, hindi pwede ang tutulig-tulig rito!" "Opo! Nandiyan na, Tiya Bebs!" Sanay na siya sa pagiging masungit at apurado ng Tiyahin. Palibhasa tumandang dalaga na lang dahil sa pagtulong sa pamilya. Hirap na hirap ito sa bitbit na dalawang malaking bayong na punong-puno ng gulay at prutas na padala ng magulang niya. Sumakay sila sa tricycle nang makarating sa terminal. Dahil may katabaan ang tiyahin, hindi sila magkasya sa loob kaya nagpresinta na lang si Louise na mag-backride. Mas mabuti nga niya 'yon para maging pamilyar na siya sa bagong lugar na pananatilihan niya ng matagal na panahon. Sana lang ay matanggap siya sa trabaho. Kailangang-kailangan niya ng salapi. *** HABANG nasa daan halos mabali ang leeg ni Louisa mula sa pagtingala sa malalaki at matataas na kabahayang nadaraanan nila. Moderno ang istilo. Mayroon pang gawa sa salamin. Malayo sa nakasanayan niyang gawa sa kahoy at nipa na kabahayan sa Baryo Matikas! Ang bahay ni Kapitana at 'yong mga kapitbahay nilang may kamag-anak na nasa abroad lang ang makikitang gawa sa hollow blocks. "Tyang, mayayaman at sosyal pala ang mga nakatira rito!" humahangang sabi ni Louisa habang nakatunghay sa mala-palasyong bahay na hinintuan ng tricycle. Tatlong palapag 'yon. Kulay puti ang pintura. Ang ikalawa at ikatlong palapag ay gawa sa salamin. Sa harapan ng gate nakaparada ang magagarang sasakyan. "Mayaman rin siguro itong amo mo 'no?" Itinaas pa niya ang maluwag na manggas ng kupasing bestida at bitbit ang maletang malaki pa sa kaniya, sumunod siya sa tiyahin. "Hindi lang mayaman. Ubod ng yaman!" mayabang na sagot ni Tiya Bebang sabay pinindot ang doorbell. Luminga-linga si Louisa na nakatayo sa tabi ng tiyahin. Pansin niyang walang katao-tao sa kalye. Nakakabingi ang katahimikan! Ganitong oras sa Baryo Matikas tiyak na dinudumog na ang binguhan sa harapan ng bahay ni Aling Marites. Nag-iinuman naman panigurado sina Berting at Kardo na kaibigan niya sa tindahan ni Aling Marita. At nakikinita na niya ang kaliwa't kanang mga batang nagtatakbuhan at nagbabangayan na mga kapitbahay. Kahit pala magulo sa baryo nila, nakakamiss rin ang ingay. "Nakakabugnot naman rito,” hindi niya napigilang bulong sa sarili. "Hoy, Isay! Pera! Pera! Ang dahilan bakit ka nandito, tanga!" Naririnding kinamot ni Louisa ang tainga. Ang boses talaga ni Tiya Bebang akala mo nakalunok ng megaphone sa lakas. Sa pangatlong tunog ng doorbell pinagbuksan sila ng babaeng nakasuot ng unipormeng asul. "Bebang! Nandiyan ka na pala! Pumasok na kayo dali! Galit si Dragona!" Natatarantang nilakihan nito ang bukas sa gate at nanguna nang pumasok sa loob. Nagkatingin pa ang magtiyahin bago nag-aatubiling sumunod. Tahimik na inikot ni Louisa ang tingin sa bakurang binabaybay nila. Malawak ang garden na may swing malapit sa fish pond. Bermunda grass naman ang nilalakaran nila. Halatang alaga ng hardinero. "Berta, nandiyan ba si Ma'ma Olivia?" Nahinto sa aktong pagbubukas ng pinto ang tinawag na Berta at nilingon ang Tiyahin niya. "Nandiyan," paasik nitong sagot sabay maingat na sumilip sa siwang ng nakabukas na pinto. "Mainit ang ulo! Paano, nagseselos na naman! Akala may babae si Sir!" "Ay, talaga ba?" Tonong tsismosang humalukipkip si Tiya Bebang. Nakisilip na rin ito sa loob ng bahay na akala mo may ini-imbestigahan. "Hindi na nagbago itong si Ma'am Olivia!" "Omsim! Hindi ko nga maintindihan diyan kay Madam! Ang bait-bait na ni Sir, eh! Tsaka mambababae pa ba 'yon ang tatanda na nila!" "Sus! Marami pang magkakamali riyan! Mga batang sariwa! Hindi rin natin masisisi si Madam! Sa gwapo ba naman ni Sir! Kahit langaw maghahabol sa kaniya!" Huh? Bakit pati langaw? Ano 'yon tae? Bulong ng isip nang napapailing na si Louisa. Tahimik lang siyang nakikinig sa pag-tsi-tsimisan ng dalawa. "Sa totoo lang kahit ako, papatulan ko 'yan si Sir, eh!" pagsang-ayon ni Bertang kilig na kilig pa. "Ako rin 'no!" Hindi nagpapatalong segunda naman ni Tiyang Bebang. "Pero sa panaginip lang mangyayari 'yon o kung may gayumang tunay!" Matinis na nagbungisngisan ang mga ito na ikinasimangot ni Louisa. Napahinto lang dalawa nang mapansin siya ni Berta. "Sandali nga... sino ba 'tong kasama mo?" "Oo nga pala! Kasama ko itong pamangkin ko. Ipapasok ko sanang kapalit mo. Hindi ba, uuwi ka naman na sa probinsya n'yo sa susunod na buwan?" Ngumiti si Louisa at magalang na bumati. Kumaway pa siya kay Berta. "Good afternoon po, Ate." Pinasadahan ni Berta ng tingin si Louisa mula ulo hanggang paa tsaka napapakamot sa kilay na binalingan si Bebang. "Ano ka ba naman, Bebang! alam mo namang ayaw ni Madam sa pangit!" Nagsalubong ang kilay niya sa narinig. Naniningkit ang mga matang pinasadahan rin ng tingin ang babae sa kaniyang harapan. Kung magsalita naman ito akala mo ang laki ng nilamang sa kaniya! Hello? Lamang lang ito ng tatlong beses na rebond, sa buhok na kulot ang ituktok habang tuwid sa ilalim. At apat na paligo ng kojic sa puting hindi pantay-pantay! "Naku! Konting paligo lang nito at magsuot ng uniporme natin, magmumukha na itong tao." Pangisi-ngisi siyang tinapik ng tiyahin sa balikat. "Di ba, Isay?" Awang ang labing pinaglipat-lipat ni Louisa ang tingin sa dalawang ang saya-saya sa panglalait sa kaniya. Inakala pa naman niyang reresbakan ng tiyahin ang Bertang ito! 'Yon pala isa pang mangungutya! Sa kutis niyang kulay champorado, buhok na makapal na nga sabog pa at mukhang hindi niya malaman kung matatawag pa bang mukha 'yon o, taghiyawat na tinubuan ng mukha! Oo na! Tanggap niyang hindi siya kagandahan! Pero daig naman ng maganda ang masipag, mapagmahal at masinop, di ba? O... siya lang ang nag-iisip niyon? Nanghahaba ang ngusong pinagkrus na lang ni Louisa ang mga braso sa dibdib. Pinigilan ang sariling patulan ang mga ito. Kahit mahirap sila, pinalaki siya ng mga magulang na gumalang sa nakatatanda kahit hindi sila kagalang-galang. "Berta!!" Pahisteryang sigaw ng babae mula sa loob ng bahay. "Nandiyan na po, Madam!" Natatarantang sumungaw si Berta sa loob. "Doon na muna kayo sa salas! Sabihin ko kay Madam nandito na kayo!" Iyon lang at mabilis pa sa kabayong tumakbo papasok. * * "Makinig ka, Isay. Si Madam metikulosa. Ultimo mo alikabok nakikita niya. Kaya kapag maglilinis ka siguraduhin mong pulido." "Opo, Tyang," tumatangong tugon ni Louisa na nakasunod sa tiyahan. Huminto siya at umangat ang kamay para hawakan ang nagagandahang bulaklak na nakalagay sa higanteng vase pagpasok pa lang sa may pinto. "Ang mga gamit rito imported kaya huwag kang tatanga-tanga sa mga hahawakan mo!" Mabilis tuloy niyang ibinaba ang kamay saka napapakamot sa ulong iniluhod ang isang tuhod. De-numero pala ang magiging kilos niya rito. "At nakikita mo 'to?" Kinuha ni Bebang ang isang maliit at babasaging figurine sa pag-aakalang nakikinig ang pamangkin. "Ang halaga nito mas malaki pa sa sahod mo ng isang buwan. Sinasabi ko sa'yo makukurot ko 'yang tinggil mo kapag nakabasag ka rito. Mag-iingat ka palagi, naiintindihan mo ba?" "Isay?" "Nakikinig ka ba?" Napakunot ang noo ni Bebang at nilingon si Louisa na hindi sumagot. Kumunot ang nito nang makita ang dalaga na nakaluhod roon sa may bukana ng pintuan, hinuhuban ang suot na mumurahing sandals "Anong ginagawa mo?" Bumaba pa sa nakayapak na paa ang paningin ni Louisa. "Eh, sabi ninyo metikulosa si Madam. Baka madumihan 'yong sahig nila. Ang kintab pa naman, oh!" Hinipo pa niya 'yon sabay ngumiti. Malakas na bumuga ng hangin sa ilong nito si Bebang. "Halika na nga! Bilisan mo at baka maabutan pa tayo rito ni Madam!" NGAYON lang nakapasok si Louisa sa ganito kaganda at kalaking bahay. Ang lamig dahil fully aiconditioned ang buong lugar. Ang mga kagamitan ay halatang mamahalin at babasagin na may bahid ng ginto ang disenyo. Maaliwalas sa mata ang puting kisame at pader. Isang bahagi ng pader ay gawa sa salamin kaya pumapasok ang liwanag mula sa labas. Kapag tumingala ka naman ay makikita ang balcony ng ikalawa at ikatlong palapag pati na ang elegante at kumikinang na chandelier na nakapwesto sa pinaka-sentro ng ceiling. "Maupo ka muna diyan. Ilalagay ko lang sa kusina itong mga dala ko," nilampasan nito ang dining area at binuksan ang pinto patungo sa kusina. Hindi pa man sumasayad ang puwet ni Louisa sa sofa nang muli itong lumingon. "Huwag mong gagalawin ang mga kagamitan diyan." "Opo, Tiya!" Mabilis na sagot niya atsaka lang naupo nang mawala ang tiyahin sa kaniyang paningin. Namilog ang mata niya nang lumubog ang pwetan sa malambot na sofa. Natuwa siya masyado kaya pinatalbog-talbog pa ang sarili roon. Nang maagaw at matuon ang atensyon ng dalaga sa frame na nasa ibabaw ng maliit na lamesang katabi ng sofa. Kinuha niya 'yon at pinagmasdan ang larawan. Tumagilid ang ulo niya. "Ito ba ang mga aalagaan niyang bata?" Apat na tao ang naroon. Isang batang babaeng suot ng pink na bestida, yakap-yakap ang isang stuffed toy. Sa tabi nito ay isang batang lalaki. Pilyo itong nakangiti habang naka-peace sign sa ulunan ng batang babae. Sa likuran ng dalawang bata ay magka-akbay na nakatayo ang dalawang matangkad at gwapong binata. Nasabi na ng Tiyahin niyang mayroong apat na anak ang mag-asawang Perez. Siguradong sila ito. Natuon ang paningin ni Louisa sa lalaking nakatayo sa kaliwa. Mas matangkad ito ng kaunti sa lalaking katabi nito. At mas gwapo rin. Umangat ang kamay niya at pinadaanan ng hintuturong daliri ang lalaki sa larawan. Ramdam ni Louisa ang paghahabulan ng bawat pintig ng pulso niya. Ang lakas niyon nakakabingi. Sandali... love at first na ba ito? Kung ganito ba naman kasi ang araw-araw na makikita niya at pagsisilbihan, kahit may discount pa sa sweldo niya, keri lang! "Who the hell are you?" Kamuntikan mapalundag si Louisa sa gulat nang biglang may magsalita. Mabilis niyang ibinalik ang hawak na frame sa kinalalagyan niyon at napangiwi sa babaeng nakatayo sa kaniyang harapan. "Who are you?" ulit nitong pinameywangang siya. Humakab sa suot na manipis at makintab na roba ang dibdib. Naglipat-lipat ang nagtatakang tingin ni Louisa sa frame at sa babae. Napaawang ang labi niya. Si Mrs. Perez! Ang future mother in law niya! Mabilis pa sa kidlat na tumayo si Louisa. "Ma! Este, Ma'am!" Naningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "Sino ka? Magnanakaw ka 'no?!" "Hala..." Umawang ang labi niya, winawasiwas ang mga kamay sa unahan habang umiiling. "Hindi ho!" "Magnanakaw!" pahisteryang sigaw ni Mrs. Perez na umalingawngaw sa buong kabahayan habang dinuduro siya. "Magnanakaw! Magnanakaw!" "M-Ma'am! Diyos ko! Sandali! Kumalma kayo!" Hindi malaman ni Louisa kung lalapitan ba niya ito. Hindi kaya magdilim lalo ang paningin ng amo at masabunutan siya "Hindi po ako magnanakaw, Ma'am!" Humahangos na dumating si Berta na halos madapa-dapa pa sa pagbaba sa hagdanan. "Madam! Madam! Huy!" Niyugyog ng katulong ang mga braso ni Mrs. Perez. Sandaling natauhan ang ginang subalit pagbaling kay Loiusa ay naghisterya na naman. "Napasok tayo ng magnanakaw!" Namumula ang pisnging tinuro siya nito. "'Yang panget na yan! Betoy! Kaloy!" "Hindi po ako magnanakaw, Madam!" Napatampal na si Louisa sa noo niya. Panget lang, magnanakaw na kaagad? Ang judger, ah! "Senyora!" Natatarantang pumasok sa kabahayan ang isang lalaki na suot ang kupas na shorts at puting manipis na long sleeves. Nakasabit sa balikat ang isang itak na pantabas ng damo. "Bakit ho? Anong nangyayari?" "Ma'am Oli!" Sumunod naman dumating ang isa pang lalaking suot ang uniporme asul at slacks na itim. Nakalawit sa bulsa ang susi ng sasakyan. "Madam!" Natatarantang hawak naman ni Bebang ang sandok at takip ng kawali na lumabas mula sa kusina nang marinig ang kaguluhan. Binalingan nito ang pamangkin. "Louisa!! Anong ginawa mo!!" dumagundong ang boses ng ginang sa buong bahay. Nanlulumo at dahan-dahang napaupo na lang sa sahig si Louisa. Hindi malaman kung ngingiwi o ngingiti habang inililibot ang tingin sa mga taong nakatitig sa kaniya. Sobra naman sila! Chaka lang ako pero hindi budol 'no! * * "What's happening here?" Nakuha ng bagong dating ang atensyon ng lahat sa salas. Natuon rin doon ang tingin ni Louisa. At nakita ang isang matangkad at meztisong lalaki. Natatandaan niya ang mukhang 'yon. Ito ‘yong isa sa binatang nasa picture na pinagmamasdan niya kanina lang! Pero hindi ito 'yong pinagpapantasyahan niya. "Andre, baby!" naging malambing ang tono ni Mrs. Perez. Ibinukas pa nito ang mga braso. "Mom." Lumapit ang tinawag na Andrei sa ina at niyakap ito. "Anong nangyayari rito? Sa labas pa lang naririnig ko na nagkakagulo kayo." Baling ng binata sa mga kasambahay na nagtuturuan at nagsisikuhan. "Alam mo naman kapag nakakakita ng panget ang mommy, anak, hindi ba? Umiinit ang ulo ko." Nagpakawala ng marahas na hangin sa ilong si Olivia. "But I'm fine now." At binalingan ang mga kasambahay. "Okay! Okay! People, the show is over! Bebang!" "Yes, Madam!" natataranta itong lumapit. "Ilayo mo na sa kin 'yang pamangkin mo. Huwag siyang pakalat-kalat kapag naririto ako sa bahay, intiendes? Ayokong masisira ang araw ko." "T-Tanggap na po ang pamangkin ko?" "Ano sa tingin mo, Bebang?" Tinaaasan ito ng kilay ni Mrs. Perez. "Kung ayaw mo magpapahanap ako ng bago kay Berta." "Naku, Ma'am! Hindi po!" "Whatever! Get out of my sight, now!" "Opo, Ma 'am!" Hinawakan ni Bebang sa braso si Louisa na kahit paano ay nahimasmasan na sabay hinala patayo. "Halika na! Dali!" Maliksing tumayo si Louisa. Iniipit pa niya ang nagulong buhok sa likod ng tainga nang hindi niya mapigilang sulyapan si Mrs. Perez. Umangat ang sulok ng labi nito. "What?" Mabilis at nahihintakutang umiling ang dalaga at tumalikod. Katakot! Bagay nga ang tawag rito ni Berta! Dragona! Dinaig pa ang dragon na kulang na lang ay bumuga ng apoy! Kailangang mag-ingat siya kung ayaw niyang mapatalsik! Kailangan pa naman niya ng pera! * * KUNOT ang noong sinundan ni Andrei ng tingin papalayong dalaga na kasama ng kusinera nila. "Who is she?" Ngayon lang niya ito nakita. Bagong maid ba ito? He has his own condo. Madalas kapag may taping ay doon umuuwi si Andre. He also preferred his own place. Tahimik at nasasanay siyang maging independent. Umuuwi lang siya rito sa kanila kapag nagtetext ang Ina na namimimiss na siya o di kaya'y umuungot ang mga nakababatang kapatid na ipasyal niya sa mall. Pero umuwi siya ngayon dahil sa good news na gusto niyang sabihin sa Ina upang ito ang unang makaalam. After all, she's the one who have been pushing him to do this. "Nobody," tugon ni Olive na pinagkrus ang mga braso sa dibdib habang sinusundan rin ng masamang tingin ang dalaga. "Bagong katulong at yaya ng mga kapatid mo." Pagkatapos ay ngumiti pagpihit paharap sa panganay na anak. "Anyway, how's the audition? Tell me. Ikaw ang nakakuha sa lead role, right? You know your mom doesn't like to get disappointed." "I know, Mom..." ngumiti si Andre at inakbayan ang ina. "I got the role." "I knew it! Walang binatbat ang mga starlet mong kasabayan. And of course, I'm your Mom! Nagmana ka sa 'kin! Alam nila ang kalibre ko sa aktingan,” mayabang na sabi nito. "Mom, magagaling naman ang mga kasabayan ko." Alanganin ang ngiting sagot niya. Hindi niya, gusto kapag minamaliit ang ibang tao lalo na yung mga baguhang artista pa lang. Dumaan rin kasi siya sa ibaba. "Whatever." Iwinasiwas nito ang kamay at taas noong nagpatiuna nang umakyat sa hagdanan. Lumingon ito nang may maalala. "Anyway, your brother is coming home tonight. Wanna come with me to pick him up at the airport?" "Ace is back in the country?" kunot noong usal ni Andre na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid. * * INILAPAG ni Louisa ang bitbit na bag sa ibabaw ng single bed at inilibot ang paningin sa kwartong pinagdalhan sa kaniya ng tiyahing si Bebang. Mas malaki lang ito ng konti sa silid niya sa probinsya. Tanging maliit na cabinet sa sulok at ceiling fan ang kagamitan. "Swerte ka at solo mo itong kwarto. Linisin mo na lang bukas. Sa ngayon magpahinga ka na muna. Malayo rin ang binyahe natin. Alam kong napagod ka." "Salamat, Tiya Bebs." Tipid na ngiti niya rito. Mabait naman ang tiyahin. Sadya lang istrikta at matabil ang dila kung minsan. Pero alam naman niyang hindi nito tinototoo ang panglalait sa kaniya. "O siya, kung may kailangan ka, nasa kabilang pinto lang ang maid's quarter. Ang banyo natin ay 'yong nasa tabi ng kusina. Huwag kang gagamit ng ibang banyo." Lumabas na ito ng silid at isinarado ang pinto. Sinimulang ayusin ni Louisa ang mga gamit sa maliit na kabinet. Hindi naman 'yon karamihan kaya mabilis lang siyang natapos. Ngayon niya kabuong napagmasdan ang silid habang tahimik na nakaupo sa paanan ng kama. Walang kahit isang bintana kaya ilang minuto pa lang naliligo na siya sa sariling pawis. Puro agiw at alikabok ang sulok-sulok. Nababaklas na rin ang asul na pintura ng pader. Kwarto ba talaga 'to o bodega? Napapabuntong hiningang tiningnan ni Louisa ang frame na nasa ibabaw ng side table kung saan kompleto at masayang-masaya sa larawan ang kaniyang pamilya. Kinuha niya 'yon at yakap-yakap na pumikit. Tila naririnig niya ang pag-aasaran ng nakababatang mga kapatid at pamangkin na sinasaway ng kaniyang ina mula sa kusina. Ang kanilang ama mula sa mahabang pag-ta-trabaho sa koprahan ay biglang darating na may pasalubong na kakainin kahit tama lang sa pang-araw-araw na gastusin ang kinikita nito. Dumilat si Louisa at bumalik sa kasalukuyan ang isipan. Sa apat na sulok ng silid na 'yon. Na-mi-miss na niya ang pamilya. Pero kailangan niyang itatak sa isipan na naririto siya upang kumita ng pera at maiahon ang mga ito sa kahirapan. * * ALAS ONSE ng gabi, maingat na pinihit ni Louisa ang doorknob at sumungaw sa labas ng kaniyang silid. Nang makitang madilim na at walang tao sa kusina, yakap at tingkayad na lumabas ang dalaga bitbit ang tuwalya. Hindi na niya malaman ang gagawing pwesto para lang makatulog. Bukod sa namamahay siya, pakiramdam niya ay para siyang pandesal na nasa loob ng pugon! Naligo naman siya kaninang alos otso pagkatapos maghapunan para ma-preskuhan pero walang pang isang oras para na siyang sinisilaban ng buhay! Napakainit sa kwarto niya! Mabuti pa sa probinsya nila kahit walang kuryente sariwa at malamig ang hangin. Binabay niya ang pasilyo palabas ng kusina at huminto sa pinto ng banyong nakalaan lamang para sa mga kasambahay. Subalit naudlot ang pagpasok niya sa loob nang maagaw ang atensyon ng kumikinang na tubig mula sa swimming pool na natatanaw niya sa labas ng salaming sliding door. Tila tinatawag siya niyon na lumusong at magtampisaw doon. "Tulog naman na siguro silang lahat..." usal ni Louisa sa sarili bago lumabas at naglakad patungo sa gilid ng pool. Bahagya niyang inilubog ang isang paa roon at impit na napatili. "Ah! Ang lamig ng tubig! Ang sarap maligo!" Luminga-linga siya sa paligid tsaka nagmamadaling hinubad ang manipis na pantulog. Suot ang manipis na panty at bra lumusong siya sa tubig. Napahagikhik pa Louisa at enjoy na enjoy na lumangoy pabalik-balik. Nang mapagod ay nagpalutang siya patihaya. Bilog na bilog at maliwanag ang buwan. Naalala niya tuloy ang kwento ng yumaong Abuela. Kapag sinabi mo raw ng malakas ang hiling mo sa kabilugan ng buwan, maari raw iyong magka-totoo. Iniisip niya noon na kwentong barbero lang 'yon. Ilang beses na ba niyang hiniling na gumanda? Pero walang namang nangyayari. Mahirap sigurong tuparin 'yon. Kumbaga, wala ng pag-asa at wala ng himala na gaganda siya. "Sige... iba na lang... ito, ah. okay, okay!" Tumikhim siya bago pumikit. "Sana... sana... makita ko na ang prince charming ko!" pagsabi niyon ay tumawa siya labas ang lalamunan. Hindi namamalayan ni Louisa na isang pigura ang nakatayo sa balcony ng ikalawang palapag at pinapanood siyang magpalutang roon. Ang mga mata nito ay nakatutok magandang hubog ng kaniyang katawan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook