Kabanata 2

1534 Words
"Yes. I'm back in the country," patamad na bungad ni Ace sa kaibigan at team mate na si Gerald nang sagutin ang tawag nito. Kasalukuyang nasa kwarto siya at nagpapahinga. Sinundo si Ace sa airport ng Kuya at Mommy niya. He was exhausted from the long flight. Subalit hindi pa rin niya magawang matulog dahil sa jetlag at magkaibang timezone na nakasanayan ng katawan sa loob ng tatlong taon. "Wait... are you staying for good this time?" "Biglaan ang uwi ko. But yes, I'm staying here for good now." "What?" Bakas ang gulat sa boses na bulaslas ni Gerald. "What happened to your plans, Bro? Pasimpleng bumuntong hininga si Ace. Hindi lingid sa kaalaman ng mga nakakakilala sa kaniya, na nagpunta siya sa America para subukan makapasok sa NBA kaya inasahan na niyang maraming magtataka at magtatanong. And he still doesn't have the courage to admit that he failed. "It's a long story, Bro. I'd rather not to talk about it." Hindi naman nagpumilit ang kaibigan. “I understand,” nakakauwang sabi pa nito bago binago ang topic. "Anyway, kailan ang punta mo sa university? Maghahanda raw si Deseree ng welcome party para sa 'yo, ah. Hanggang ngayon lakas pa rin tama no'n sa 'yo!" Kumunot ang noo ni Ace. "Sinabihan ko na siyang huwag na. Dahil mag-pa-party rin naman si Mommy." "You know Deseree. She will take no for an answer. Hindi ka titigilan nun." Gerald was right. Childhood sweetheatrt niya si Deseree at ito ang uri ng babaeng, gagawin lahat makuha lang nito ang gusto. Matagal na ring napapansin ni Ace na tinatarget siya ng kababata. Hindi siya manhid upang hindi mahalata ang kakaibang tingin at kung minsan ay malisya sa mga paghawak nito. Kaya noon pa man ay iniiwasan na niya ang dalaga. Hindi niya gusto ang mga babaeng masyadong agresibo. Napapailing na tumayo si Ace at naglakad patungo sa balcony. Sumungaw siya roon at natigilan nang may matanaw sa pool ang palutang-lutang na katawan. "s**t!" Bulaslas niya. Who's that? "What is it?" Nagtatakang tanong ng kausap sa kabilang linya. "Nothing! I gotta hung up now. Bye!" Hindi na niya hinintay na makasagot ang kaibigan, pinindot na niya ang end button at bahagyang dumukwang sa railings upang pakatitigan ang nasa sa swimming pool. He was sure it was women. "Sandali, patay na ba 'yon?" Maluwag na nakahinga si Ace nang makitang mukhang nagpapalutang lang ang dalaga. Tila kumikislap sa ilalim ng liwanag ng buwan ang kutis nito. Ang magandang hubog ng katawan ay 'di mapagkakaila kahit pa nakalubog iyon sa tubig. But he couldn't clearly see her face. Who is this lady? Ilang sandaling nakatitig lang sa dalaga si Ace. Nag-iisip kung pupuntahan ba ito o mananatili na lang sa kaniyang silid. She's probably one of his brother's co-artist. Ganoon naman si Andre mahilig magpatulog sa bahay nila ng mga kakilala. Imposible rin naman kasing malooban sila. Exclusive subdivision ang tinitirhan nila. Kung magnanakaw ang babaeng 'to, ang lakas naman ng loob na gumamit pa ng swimming pool. Naiiling na bumalik at nahiga na lang ulit si Ace sa kama niya. Pero paikot-ikot lang siya roon tulad kanina bago tumawag ang kaibigan. Ginulo niya ang buhok at muling sumilip sa labas ng balcony. He's stared at the woman again. The crystal clear water looks really inviting... Ang tubig ba talaga, Ace? Damn! This is his house! Anong masama kung mag-swimming rin siya! Pumasok si Ace sa loob ng walk in closet at nagpalit ng itim na swimming trunks tsaka lumabas ng silid. Tahimik na ang buong mansyon pagbaba niya ng hagdanan. Sa sliding sa kusina patungong backyard siya dumaan. At habang papalapot sa pool, lalo niyang nasisilayan ang magandang dalaga. * * KUMAKANTA-KANTA si Louisa habang kinakawag-kawag ang mga kamay at binti sa tubig. Nakatihaya pa rin siya at nakapikit, ninanamnam ang nakaw na sandali. Hindi niya namamalayan ang aninong lumabas mula sa sliding door at naglakad patungo sa kinaroroonan niya. "Sa isang sulyap mo ay natunaw ako. Sa isang sulyap mo ay nagunaw ako..." kinulot-kulot ni Louisa ang boses kahit wala sa tono. Paulit-ulit rin ang linya niya, dahil ‘yon lang kaniyang natatandaan. "Sa isang sulyap mo ay nabihag ako—" "Hey..." "Ha?" Mabilis siyang napabalikwas sa biglang narinig na baritonong boses. Dahil sa gulat at nasa malalim na parte ng swimming pool, kahit pinapadyak ni Louise ang mga binti ay lumubog ang ulo niya at nakainom na siya ng tubig. Diyos ko po! Nalulunod na ako! "Miss! Miss!" natatarantang ipinulupot ni Ace ang mga braso sa maliit na beywang ni Louisa at hinala ang dalaga palapit sa katawan nito. "I got you..." Paubo-ubong hinawi ni Louisa ang mga buhok na tumabon sa kaniyang mukha. Sino ba 'tong— namilog ang mga mata niya at napasinghap nang matitigan ang mukha ng lalaking sumagip sa kaniya. Ito ang gwapo sa picture! Ang future husband niya! Gulat naman na umawang ang labi nito nang makita ang mukha niya at akala mo ay nakakita ng lamang dagat. Sa isang iglap binitiwan siya nito at nahihintakung sumigaw sabay nagmamadaling umahon sa pool at kumaripas ng takbo! "AHHHHHH!" "Sandali!" Tawag niya rito. "Hoooooy!" Subalit tila walang naririnig ang binata na nagtuloy-tuloy hanggang makapasok sa loob ng mansyon. "Hala? Anong nangyari roon?" Nagtatakang tanong ni Isay sa sarili. Nakasunod ang tingin kay Ace. * * SA loob ng mansyon, hinihingal na pumasok si Ace sa kaniyang silid at isinarado ang pintuan. Hindi pa siya nakuntento at ni-lock ‘yon. Pagkatapos sumandal sa roon, hawak-hawak ang kumakalabog na dibdib. "Who the f**k is that!" Ang akala niyang magandang sirena! Pugita pala! * * HINDI maalis-alis ang ngiti ni Isay sa labi nang magising kinaumagahan. Hindi na kasi nawala sa isip niya ang gwapong mukha ni Ace. Paulit-ulit pang nag-re-rewind sa utak niya ang nangyari kagabi. Iyon ang pangalan ng pangalawang binatang anak ni Madam Olivia. Narinig niya mula kay Tiya Bebang at Berta na pinag-uusapan ng mga ito na sinundo raw sa Airport ni Madam at ng panganay nitong anak na si Andre, ang binata na galing sa Amerika. Ang ipinagtataka niya ay bakit ito biglang sumulpot habang nasa swimming pool siya? Dininig na ba ng universe ang hiling niyang makita ang kaniyang prince charming? Diyos ko po! Ang swerte naman kapag nagkataon! Gwapo na nga mayaman pa! Siguradong sikat na sikat siya sa baryo nila nito kapag namanhikan na sa kanila si Ace at ang pamilya nito. Ang tingin niya lang na magiging problema ay si Madam Olivia. Matatanggap kaya siya nito bilang daughter in law? Pero ganoon naman ata ang mga byenan? Bigla na naman nag-flash sa isip niya ang mukha ni Ace. Hindi na naman niya, mapigilang kiligin! Tulalang nananaginip siya ng gising nang maabala ng mga pagsitsit. "Pssst! Pssssst!” Napalingon si Louisa na nagdidilig ng mga halaman sa labas ng gate kung saan ‘yon narinig. Kumunot ang noo niya nang makita ang dalawang babaeng nakasuot rin ng uniporme ng kasambahay. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Hinila ng babaeng payat at maitim pa sa kaniya ang kasama nitong matabang may suot na salamin sa mata. Parang nagtatalo pa ang dalawa na lapitan siya. "Tara lapitan natin! Harmless naman siguro ‘yan kahit mukhang akyat bahay!" Nag-arkuhan ang mga kilay ni Isay sa narinig na sinabi nung maitim na babae. "Anong sinabi mo?" "Ha? Wala, ah!" Winawasiwas ang mga kamay sa unahang tanggi nito nang makalapit sabay ngiti. Lumitaw ang ngipin nitong may malaking siwang at unahan at pangil. "Bagong katulong ka diyan sa mga Perez, Teh?" Pinatay niya ang host at tumango. "Oo. Bakit? Sino ba kayo?" "Ako nga pala si Angelica! Ito naman si Patricia." "Sus! Pinaganda mo pa!" Singit nung babaeng mataba na kasama nito. "Patring na lang. Angge naman ang nickname nito!" "Kapanget, oy!" Reklamo ng nagpakilalang Angelica. Inirapan lang ito ni Patring saka bumaling sa kaniya. "Ikaw anong pangalan mo?" "Ako nga pala si—" "ISAY!" Hiyaw ni Tiya Bebang sa loob ng mansyon. Napapakamot sa ulong inayos niya ang host at saka nilingon ang dalawang babaeng lumapit sa kaniya. "Papasok na ako! Naghuhuramentado na naman ang tiyahin ko!" "Oks lang!" Nag-thumbs up ni Angge. "Anyway, mamayang hapon, pupunta kami sa park kapag may oras ka, sama ka samin!" "Isay! Ano ba!" Muling sigaw ni Tiya Bebang. "Sige! Sige! Una na muna ako! Nice to meet you!" Aniya't mabilis na pumasok sa loob ng mansyon. Naabutan niya ang tiyahan na naghihintay na nakameywang sa harapan ng pinto. "Saan ka ba galing!" "Nagdilig po ng halaman, Tiyang." "Si Berta ang nakatoka riyan! Gising na ang mga alaga mo!" "A-Alaga?" Parang tangang tanong pa niya. "Hala, siya!" Pinadilatan siya nito ng mata. "All around maid at yaya ka rito, Isay! Aba, pumasok ka na at aasikasuhin mo pa ang mga alaga mo!" "Opo, Tiyang!" Napapakamot sa ulong malalaki ang hakbang na pumasok na siya sa loob. Bakit naman kasi hindi siya in-orient na Maid/Yaya pala siya dito— Natigilan si Isay at halos malunok niya ang dila nang makita kung sinong naghihintay sa kaniya sa kusina at nakasimangot! Walang iba kundi ang lalaking hindi nagpatulog sa kaniya! Si Ace! Jusko! Kung ito ba naman ang aalagaan niya kahit paliguan, hiluran, damitan at subuan pa niya wala siyang angal!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD