Kabanata 3

1277 Words
"HEY, ikaw ba ang bago kong Nanny?" Mula sa pagtulala kay Ace, natauhan si Louisa at bumaba ang tingin sa batang lalaki na hindi niya namamalayang nakatayo na sa harapan niya. Kumunot ang noo ni Louisa at tinitigan ang bata. Sino ba 'tong surot na 'to? Tinitigan rin siya nito mula ulo hanggang paa habang hinihimas ang panga na akala mo matandang lalaki ito. Pagkatapos biglang nagsalubong ang kilay nito at saka dismayadong umiling. "Bakit naman ang panget ng kinuhang nanny ni Mommy?” Hindi makapaniwalang umawang ng malaki ang labi ni Louisa. Aba, walang galang ang batang 'to, ah! Kahit pangit ka naman talaga? Bulong ng hinayupak na isip niya. Napalingon si Louisa nang marinig na naubo si Ace. Kitang-kita niya ang pagpipigil nitong matawa. “Kuya!” Namilog ang mga mata ng batang nasa harapan ni Louisa nang mapalingon rin kay Ace. Pagkatapos ay tinakbo nito ang binata. "When did you arrive?!" Excited na tanong ng bata. "Are you staying here with us again?” Kuya? Magkapatid sila? Naalala ni Louisa ang picture frame na nakita niya kahapon. Tumpak! ito ‘yong isa sa dalawang bata doon! “I’ll stay for good,” sagot ni Ace sa nakababatang kapatid. Ginulo pa nito ang buhok ng bata saka ngumiti. “Yessss!! Magaling na ako mag-basketball, Kuya!” “O, sige, mamaya maglaro tayo.” Bumilis ang t***k ng puso ni Louisa habang nakatitig sa nakangiting si Ace. Parang nagliwanag ang buong paligid niya. Jusko! Ang gwapo talaga, Inang! “Pssst!” Napapitlag si Louisa at napakurap ng balingan at sitsitan siya ni Ace. “Bakit nakatunganga ka pa diyan?” Masungit na sabi nito. “Bagong nanny at maid ka rito, di ba?” “Yes, Mahal — este! Yes, Sir!” Nauutal na sagot ni Louisa. Tumaas ang sulok ng labi ni Ace. “So, what are you still doing there? Mag-ready ka na ng food namin. We’re hungry.” “Opo!” Sunod-sunod na tumango na si Louisa at pumasok sa kitchen. Naabutan niya roon si Tiya Bebang at Berta na nagtatawanan habang naghahampasan. Parang ang saya-saya ng pinag-uusapan nila. Kumunot ang noo ni Louisa. Nandito lang pala sila ba’t hindi pa naghanda roon sa dining area bago magising ‘yong mga amo nila? At Sandali nga, hindi pa siya na-orient, ah? Ang alam niya, katulong lang siya rito. Yon pala all around? “Tiya Bebang.” Sabay na napalingon ang dalawa sa kaniya at gulat na napahawak pa sa dibdib na akala mo nakakita ng maligno. “Huwag mo nga kaming ginugulat, Isay! Jusko, mabuti sana kung hindi pang halloween ang itsura mo, eh!” Nagtawanan sila ni Berta. Wala namang pakialam si Louisa. Sanay na siyang kinukutya at binibigyan ng kung anu-anong nickname. Ang sabi nga sa kaniya ng mga magulang niya, ang kagandahan ay nasa mata ng kung sinomang tumitingin sa ‘yo. At sa paningin ng mga magulang niya— maganda siya. Sapat na ‘yon. Kahit ang totoo, alam naman ni Louisa na ‘di siya kagandahan. Pero maipagmamalaki niyang, marami siyang magandang katangian. Masipag, maalaga at mapagmahal! Daig niyon ang gandang panlabas ‘no! “Tiyang, bakit hindi mo sinabi sa akin na all around pala ako dito?” “Pansamantala lang ‘yon. Hiring pa si Madam ng dagdag kasambahay. Hindi ba, Berta?” Tumango si Berta. “Oo. Tsaka pasalamat ka na lang Ineng, tinanggap ka ni Madam na magtrabaho rito. Aba, napaka-selan no’n! Kaya huwag kang magkakamali!” “Berta! Bebang!” Rinig nilang malakas na tili galing sa dining area. “Naku! Ayan na si Dragona!” Natatarantang sabi ni Berta, tinulak nito si Tiya Bebang. “Labasin mo nga Bebang!” “Ha? Bakit ako!” Kaagad na umiling at umiwas si Tiya Bebang at saka nilingon si Louisa na nakatanga sa dalawa. “Ikaw ang lumabas roon, Isay!” Ibinukas ni Louisa ang bibig para tumanggi pero naunahan siya ulit ng tiyahin magsalita. “Hindi ba, bago ka lang dito? Naku, Isay, dapat na magpa-impress ka kay Madam kung ayaw mong mapalitan kaagad dito,” pang-uuto nito sa kaniya. “Oo nga! Gusto ni Madam yung masunurin. Dali na! Susunod kami sa ‘yo!” Pang-sang ayon ni Berta. “Eh, Hindi ba sabi ni Madam, huwag akong pakalat-kalat dito sa mansyon? Tsaka sabi mo rin, tiyang! Ayaw ni Madam sa panget.” Masama na nga ang gising, masamang mukha pa ang makikita. Baka mag-mega evolution lalo ‘yon. Nagkatiningan si Berta at Tiya Bertang. Sumigaw naman ulit si Madam mula sa dining area. Mas galit na ang boses nito. “BERTA! BEBANG!” Napatalon sa gulat ang dalawa at wala sa sariling napalabas ng kitchen papunta sa dining area. Sumunod si Louisa pero nagkubli siya sa pader saka sumilip. Kitang-kita niya nang paulanan ng sermon at laway ni Madam ang tiyahin at si Berta. Halos maiyak at maihi sa takot ‘yong dalawa. “Bakit wala pang breakfast! Hindi ba sinabihan ko kayo na bago magising ang mga bata dapat nakahanda na kayo!” Nagsikuhan si Bebang at Berta, nagtuturuan at hindi malaman kung paano sasagutin si Madam. “Ano?! Napipi na kayo!” “A-Ah, Madam, sorry po—“ “Sorry!” Pa-histercal na sigaw ni Madam. “Ayoko sa lahat tatamad-tamad! Sayang ang binabayad ko sa inyo!” Tahimik na napapailing naman sa dining table si Ace na nag-sscroll sa cellphone nito. Habang naglilipat-lipat naman ang tingin ng batang lalaki sa tatlo na parang nanonood ng nakakatawang cartoons. Mabuti na lang pala, ayaw ni Madam sa panget… patango-tangong usal ni Louisa sa sarili. “What are you doing there?” Napatda siya sa kinatatayuan nang marinig ang malalim at malaking boses na nagsalita mula sa likuran niya. Dahan-dahan siyang pumihit at napangiwi nang makita ang panganay na anak ni Madam. Matangkad at mestizo rin ito tulad ni Ace. Tumutulo ang pawis sa gilid ng mukha at mga braso. Pawisan rin ang suot nitong Tshirt na puti. Mukhang galing sa pag-jo-jogging o gym. Nakasuot rin kasi ito ng itim na rubber shoes. “Sinong sinisilip mo diyan?” Tanong niya ulit habang pinupunasan ng towel ang mukha. Patay! Huli! “Ah, eh—“ Nahigit ni Louisa ang hininga nang inisang hakbang siya nito saka dumukwang at sumilip sa gilid ng pader na pinagtataguan niya. Halos magkanduling ang mga mata ni Louisa sa pagtitig sa leeg nitong nakaharap sa mukha niya. Kaya pumikit na lang siya. Diyos ko! Huling-huli siya sa pagmamarites niya! Ang masaman niyan ay baka isumbong siya nito kay Madam! “Tsk… nagagalit na naman pala si Mommy,” mahinang usal nito saka tumuwid ng tayo. Dumilat si Louisa at sunod-sunod na umiling. Winasiwas niya ang mga kamay sa unahan. “S-Sir, huwag niyo po akong isusumbong! Hindi ko po sadya na magmarites!” Natigilan siya nang yumuko ito at magpantay ang mukha niya. Grabe! Walang pores! Kutis baby! “Bago ka lang rito, hindi ba?” “O-Opo!” Mabilis na pagtango ni Louisa. Hindi po ako pwedeng masisante! Maraming umaasa sa akin. Ako ang bread winner ng pamilya ko!” Bakit ba kasi siya lumabas pa ng kusina! Kung minsan ang pagiging usisera talaga ang magpapahamak sa kaniya! Sinabihan na siya ng mga magulang na huwag na huwag makikialam sa issue ng ibang tao! Hindi katulad ng baryo nila ang Maynila! “Don’t worry… I’ll keep at a secret.” Kumurap si Louisa. “Secret? Di mo ko isusumbong?” Umiling siya. “But on one condition,” anito sabay ngumiti. Lumabas ang pantay-pantay at maputi nitong ngipin na dinaig ang mga model ng toothpaste. Kumunot ang noo niya. Ano naman kayang kondisyones nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD