NANININGKIT ang mga matang tinitigan ni Louisa ang sakay ng katabing kotse. Kaso hindi naman niya maaninag ang itsura ng driver dahil tinted ang salamin. Mayamaya nag-green na ang ilaw ng traffic lights kaya umandar na ang mga sasakyan. Napailing na lang si Louisa. Baka kamukha lang iyon ng kotse ni Ace. Bakit naman kasi sila susundan ng lalaking 'yon. Mahigit isa oras rin ang binyahe nila bago narating ang lokasyon ng restaurant na sinasabi ni Andrei na nasa isang secret garden. Nagmamadali itong bumaba ng sasakyan. At bago pa mabuksan ni Louisa ang pinto sa tabi niya— naunahan na siya nito. "Salamat." Nakangiting aniya kay Ace. Magkaagapay na naglakad sila patungo sa restaurant. Hindi gaanong masyadong marami ang tao. Tahimik at malamig ang klima. May mga maliliit na ilaw pa an

