NANIGAS si Louisa sa kinatatayuan nang maramdaman ang matigas na bagay na nakadikit sa pwetan niya. Ngunit hindi pa niya nagagawang i-proseso 'yon sa isip niya — nang magulat sa biglang sunod-sunod na katok mula sa pintuan. Napapitlag si Louisa at tila napapasong kaagad na lumayo kay Ace. Natauhan naman ito at nagmamadaling tinungo at binuksan ang pinto. "Mag-eextend pa po ba kayo? Oras na ho kasi ng check out niyo," Imporma ng binatilyong staff. Umiling si Ace. "No. Paalis na rin kami." At saka lumingon sa kaniya. "Let's go. Isasauli ko na 'tong susi sa staff." Kahit disoriented at lutang — sunod-sunod na tumango si Louisa. Mabilis niyang dinampot ang backpack sa kama at saka na nanguna nang lumabas ng silid. Nakipag-usap pa sandali si Ace at may pinirmahan doon sa reception pag

