“HERE, this one is for you. Ito naman kay Andrei at Ace. Oh, wait! Meron pa pala for Ace!” Sunod-sunod na iniabot ni Lovely kay Louisa ang mga dala nitong paperbags. Kasalukuyang nasa loob sila ng mini office sa botique. Wala ng klase si Louisa sa hapon dahil karamihan ng mga estudyante at professor ay manonood para suportahan ang basketball team nila sa pagbubukas ng intercollegiate sports ngayong araw. Wala naman siyang kilalang varsity bukod kina Kevin at Ace. Hindi niya sigurado kung may laban ang mga ito kaya hindi na siya sumama sa mga kaklase nang yayain ng mga ito. Sayang rin ang kalahating araw na susweldohin niya. “Ano ba ‘tong mga ‘to?” Sinilip ni Louisa ang laman ng paperbags. May mga kakanin, souvineers na tshirts, keychain at kung anu-ano pang burloloy. “Last ko na sa

